Isang gabi, lubos akong nagpagabi sa loob ng unibersidad namin. Mga alas-dose na ata ng gabi na iyon. Tinapos pa kasi naming magkakagrupo ang pageensayo para sa gagawin naming dula sa isang major subject kinaumagahan. Pagkatapos magpaalam sa kanila, dumaan ako sa dati kong ruta, at saka nadatnan na nakapwesto ang mga militar sa may kabilang banda. Tatlo sila, parang nagbibiruan. Hindi na ako lumapit pa sa kanila dahil nasa diretso na ang terminal ng jeep na sasakyan ko pauwi sa amin. Kailangan ko nang makauwi.
Pero laking gulat ko na noong malapit na akong lumipat ng daan nang biglang may narinig akong may kalakasang:
"Pst, ikaw!"
Ilang beses pang umulit, at napatingin ako sa likod ko at nabigla ako nang makita kong isa sa mga militar ang gumagawa noon. At alam kong ako ang tinutukoy niya dahil ako lang naman ang tao sa bandang iyong ng entrada.
Isa pang hiyaw, "Sir, dito! May itatanong lang kami!"
At dahil may takot sa aking isip dahil baka parusahan nila ako sa pananatili nang hating gabi sa loob ng unibersidad, agad akong lumapit sa kanila.
Laking pagkabigla ko nang maaninag kong isa sa tatlo ay si Marquez.
Paglapit ko, agad kong tanong, "Ah, ano po yun?"
Sumagot ang humiyaw sa akin, na may apelyidong "Gregorio" sa kaniyang uniporme. May katandaan na, masasabi kong nasa bandang trenta'y singko hanggang kwarenta ang edad. Malaki ang mga braso, medyo maputi, at di hamak na mas malaki ang katawan kaysa sa dalawa.
Tugon sakin ni Gregorio, "Ah Sir, kasi nagkakaroon lang kami ng laro rito para mabawasan ang antok. Ito kasing si Marquez, natalo sa pustahan namin kanina sa boxing. Mahilig kasi sa babae ito eh kaya dapat kabaligtaran noon ang parusa. Ang siste, dapat humalik siya sa pisngi ng unang lalaking makikita niya pagbukas ng mga mata niya. Saktong ikaw yun, Sir. Walang malisya, Sir. Ayos lang ba?"
Hindi ako nakasagot agad. Naramdaman kong tumaas ang balahibo ko. Sa isip ko, hindi ko na palalampasin ito. Hindi na ito mangyayari ulit.
"Ah...ah...sige ba! Pero walang malisya ah!"
Natatawa at nahihiyang tumayo si Marquez sa upuan niya. Kitang-kita ko pa rin ang kakisigin at kagwapuhan niya kahit gabing-gabi na.
Ani Marquez, "Sir, katuwaan lang!"
Sa paglapit niya sa akin para halikan ako, para akong nasa panaginip. At sa pagtama ng labi niya sa pisngi ko, amoy na amoy ko ang kaniyang pagkalalaki. May angas, pero hindi nakakasulasok. Gusto kong maamoy yun hanggang sa aking pagtulog.
"Ayan, nagawa ko na! Tang ina niyo!," sabi ni Marquez.
Pagkatapos noon ay nagtawanan ang dalawa niyang kasama. Mas malakas ang halakhak ng kasama nilang may apelyidong "Tizon". Maamo ang mukha, siguro ay kasing tangkad ko, may kapayatan pero hindi patpatin, at malalim ang boses.
Matapos ang lahat ng ito, magpapaalam na sana ako nang biglang magsenyasan si Tizon at Gregorio. Sabay salita ng una.
"Sir, para makabawi naman kami sa inyo, dito muna kayo, kuwentuhan tayo. Hanggang alas-tres kami rito eh, kabagot."
Sagot ko, "Ah...salamat, pero kasi may klase pa ako mamaya alas-nue--."
Biglang sabat ni Marquez, "Sige na Sir, minsan lang naman, saka libre kita mamaya ng lugaw diyan sa may kanto. Parang thank you na rin, ba."
At ayun na. Noong si Marquez na ang nag-aya, parang nakalimutan ko na ang lahat ng dapat kong gawin. Ewan ko ba pero may kakaibang sabik akong naramdaman sa imbitasyon nila. Hindi ako mapakali, parang pumupunto ang lahat ng dugo ko sa alaga ko. Ang tanong ko: ito na ba ito?
"Sige na nga, kaya naman sigurong pumasok nang walang tulog bukas."
"Yun, pareee! Sige Sir, ito upuan oh," tugon ni Tizon.
Kinuha ko ang inalok na upuan at umupo sa gitna nina Tizon at Gregorio, habang kaharap si Marquez.
Nag-umpisa ang usapan sa pagtatanong nila tungkol sa akin, sa aral ko, at sa iilang simpleng impormasyon sa akin. Tinanong ang aking pangalan, at iba pa, Hanggang sa napunta na sa mga buhay-buhay nila.
Mag-iisang buwan pa lang daw si Marquez sa pagiging sundalo, habang si Tizon ay pitong taon na. Ipinasok daw si Marquez ng kakilala nilang mataas na opisyal sa militar. Habang si Tizon naman galing Cagayan De Oro, pumasok sa serbisyo para maihaon ang pamilya sa hirap. Wala pang naging nobya si Marquez, habang si Tizon naman, may isa na pero matagal nang hiwalay.
Ang ikinabilib ko naman, kinseng taon na raw sundalo si Gregorio, halos lahat ng bagay sa pagsusundalo nagawa niya na. Lahat na raw ng uri ng sakuna narespundihan na niya, mga gerang kala niya ay huling laban niya na, kahit pa ang mga karanasan na hindi naman talaga konektado sa pagiging sundalo. May dati siyang kinakasama, at nagkaroon sila ng anak na babae pero maagang binawian ng buhay dahil nasagasaan ng tren sa may Sta. Mesa.
"Ba't kayo naghiwalay, Sir? Dahil ba sa nangyari sa anak niyo?" tanong ni Marquez.
Pansin kong nagtinginan si Tizon at Gregorio, saglit na nagngitian.
BINABASA MO ANG
SUNDALUHAN : Sina Gregorio, Tizon at Marquez
Short StoryIsang maikling kuwento tungkol sa isang gabing puno ng libido sa buhay estudyante ni Inno, at ng tatlong maskuladong sundalo na sina Gregorio, Tizon, at Marquez. Ihanda ang sandata! Iputok na!