Iyak! Sigaw! Paglingon ko sa paligid may mga taong nakahiga ng dugo. Nagsitakbuhan ang mga tao. Umaapoy na mga bahay. "Tulong!" Sigaw ng tao na natumba sa harapan ko. Duguan, hawak-hawak ang dulo ng espada na nasa kanyang dibdib. Wala akong magawa. Ayaw gumalaw ng katawan ko.
"Ethan gising na!"
Liwanag ng araw ang tumagos mula sa bintana. Anong klasing panaginip yun. Pagtingin ko sa relo ay nagdali-dali na akong nagbihis at bumaba na.
"Kumain ka na"
"Doon na ako kakain ma, bye"
"Agahan mo ang pag-uwi mamaya ha"
Habang nasa gilid ng daan papunta sa trabaho ay napansin ko ang isang batang babae na tinatahak ang malawak na highway hanggang makaabot siya sa gitna. Nilingon ko ang paligid ni isa wala man lang nakapansin. Limang hakbang na lang ay masasagi na siya ng mga sasakyan. Isang bus ang nag-overtake sa kotse. Sa laki ng bus halos hindi na makita ang bata na nasa harapan na nito.
"ZONE!"
Tila tumigil ang mundo. Naging kulay bughaw ang paligid. Lahat ng nasa paligid ko ay parang drawing. Yung mga kotse ay parang nagpark lahat sa gitna ng daan. Naglakad ako habang iniiwasan ko lahat ng sasakyan na aking madaanan. Hanggang umabot ako sa kinatatayoan ng bata. Nakangiti pa ito habang pinagmamasdan ang mga sasakyan. Nasaan ba ang magulang nito? Tanong na nasa aking isip. Lumingon ako sa paligid kung saan ko pwedeng ilagay ang bata. Nakita ko ang babae na umiiyak at nakaturo sa kinalalagyan ng bata. Nasa loob siya ng salon at nasa pagitan siya ng mga salamin. Binuhat ko ang bata at nilagay sa tabi niya. Bumalik na ako sa pwesto ko kanina.
5...
4...
3...
2...
1...Bumalik na sa normal ang paligid, maingay na ulit. Pumunta ako kung nasaan ang mag.ina. Umiiyak pa rin ang babae habang niyakap niya ng mabuti ang kanyang anak.
Pawisan at hinihingal akong dumating sa guard house. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang maraming monetor na nakadikit sa pader. Sa gitna nandoon ang babaeng nakatalikod. Pinagmamasdan ang nangyayari sa labas ng pader na aming binabantayan. Lumingon siya na magkasalubong ang kilay.
"Mabuti na lang at maaga ako kung hindi langaw ang magbabantay dito" pabagsak niya itong sinabi.
"Pasensya kana Chloe may bata kasi akong niligtas kanina kaya na-late ako"
Naging kulay bughaw ang paligid.
"Ayaw mo talagang maniwala sa aking no"
"Mabuti na yung sigurado. Hindi bata ang dahilan kung bakit ka late kundi tatlong minuto na lang aalis na yung kapalitan natin tapos ikaw kagigising mo lang"
"Sorry na hindi na mauulit"
"Hay naku lagi na lang ganyan ang naririnig ko galing sayo" sabi ni Chloe. Umalis siya at isang malaking kalabog ng pinto ang aking narinig.
Ang daming monitor nito hindi ko to kayang bantayan lahat yan ang nasa isip ko. Ano kaya ang nakain ng babaeng yun at basta na lang umuwi.
Kriiiiiii! Napalingon ako sa pinto. Si Chloe na may dalang plastic bag.
"Akala ko umuwi ka na"
"Talaga pinapauwi mo na ako" sabi niya habang nag-abot ang dalawang kilay.
"Hindi naman sa—"
"Oh kumain ka" nilagay sa table ko ang dala niya at dumiritso na sa area niya.
"Salamat ha" sabi ko. Isang burger at bottle coffee. Humakbang ako ng dalawang beses at nilagay ang bottle coffee sa tabi ng keyboard.
"Sayo yan" nakatingala niyang sabi habang nakatitig sa aking mga mata.
"Sayo na yan di ba paborito mo yan, ok na ako sa tubig"
"Thanks"
Hapon na ng mapansin ni Chloe ang tao sa labas ng pader na biglang nagpalit anyo bilang tigre. Sa gitna ng tahimik na daan. Isang tigre ang napaliligiran ng halaman at malalaking puno.
"Tignan mo Ethan" tinuro niya ang monitor ng CCTV.
"Miyembro ba yan ng NEW WORLD?" Nakayuko kong sabi habang tinitignan ang monitor.
"Ewan ko lang. Wala pa naman siyang ginawang aksyon"
Palingon-lingon ang tigre na para bang may hinahanap. Lumabas ako upang harapin ang tigre. Paglabas ko ng gate nakita ko ang kulay bughaw na sumakop sa labas at muntik ng masakop ang gate pati na ang guardhouse. Pumasok ako sa bughaw na paligid. Nasa loob na ako ng kapangyarihan ng user. Matang marami ng napatay, yan ang nakita ko ng magsalubong ang aming mga mata. Patuloy kong tinatahak ang daan patungo sa mga mata na hindi ko kayang titigan. Patuloy na nagbago ang mukha ng tigre at naging tao ito ulit. Medyo mas matanda siya ng ilang taon kaysa sa akin.
"Anong kailangan mo?"
"Ooops! Isa-isa lang, hindi ako pumunta dito para labanan kayong dalawa"
Narinig ko ang mga yapak na galing sa likod ko papunta sa akin. Si Chloe pala. Seryoso ang kanyang mukha na para bang may panganib na nasa kanyang harapan.
"Miyembro ka ba ng NEW WORLD?"
"Umabot na rin pala ang pangalan ng aming organization hanggang dito akala ko hanggang Europe at Middle East. Di bali na nga, gusto lang kasi namin na mangalap pa ng mga tauhan gusto niyong sumali"
"Paano kung ayaw namin" sabi ni Chloe.
"Hindi ko naman kayo pipilitin basta pag-isipan niyo yan hanggang sa kabilogan ng buwan. Yan na ang oras ng paghuhukum." Sabi niya at tinalikuran kami. Isa-isang nagsilabasan ang mga kasama niya mula sa likod ng mga kahoy. Parang may rally na naganap sa dami ng mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
ZONE
Science FictionEthan Ybañez siya ang nabiyayaan ng kompletong kapangyarihan. Sa lahat ng zone user siya lang ang tao na kayang pahintuin ang oras. Sa kabila ng kanyang zone power siya ang may pinakamadaling maubosan ng kapangyarihan. Kaya kakailanganin niya ang tu...