Nasa loob pa rin kami ng van habang nasa harap na ni Maine ang nagliliyab na tao. Nagpaikot-ikot ito hanggang sa tuluyan na itong natumba. Naging bughaw ang paligid at nasa loob na kami ng kapangyarihan ni Maine.
"Tignan niyo biglang nawala ang apoy?!" Gulat na sabi ni Joey.
"Gawa sa iba't ibang klase ng gas ang hangin at isa na doon ang oxygen. Kapag tinanggal mo ito ay walang apoy na mabubuo at iyon ang ginawa ni Maine" paliwanag ni Chloe.
"Kaya pala namatay ang apoy" sagot ni Joey.
Hangin ang kapangyarihan ni Maine at kaya niyang kontrolin ang hangin.
Nakadapa at umuusok ang tao. Para lamang itong natutulog. Kulay puti pa rin ang damit nito sa kabila ng nangyari sa kanya kanina at makinis pa rin ang balat. May suot itong black jeans. Doon na kami lumabas ng van. Naglakad kami papunta kay Maine.
"Tanggalin mo lahat ng oxygen sa paligid niya Maine" utos ni Mayor Oscar.
"Hahaha!" Biglang tumayo ang tao. "Ang galing mo tanda! Mahuli mo pa rin ako"
"Isang kalaban!" Sigaw ni Richard.
"Bakit walang zone area ang lumabas kanina?" Tanong ni Chloe.
"May kasama siyang isa pang user na kayang sakopin ang isa pang zone area at gawin itong invisible" sabi ni Kapitan Dennis.
"Ano? Mahihirapan tayo nito" sabi ko.
"Maine patulugin mo siya" utos ni Mayor Oscar. "Siguradong umalis na yung kasami niya."
"Haaaa!" Hawak-hawak ng lalaki ang kanyang dibdib habang habol-habol niya ang kanyang hininga. Isang buntong hininga ang kanyang binitawan at bumagsak siya sa lupa.
"Delikado pala to magalit si Maine" sabi ni Marco.
Binuhat namin ang lalaki at pinasok sa van. Nagpatuloy na ang aming byahe.
"Marco talian mo ng copper wire ang katawan niya" utos ni Mayor.
"Ok sir!" Sagot ni Marco.
Copper ang panlaban sa mga zone user. Hindi nila magagamit ang kanilang kapangyarihan kapag nakadikit ang katawan nila sa copper.
Malawak at patag na kalupaan ang aming nasaksihan ng malapit na kaming dumating sa centro ng Sto. Domingo. Ang dati'y kulay berde na kapaligiran ay naging kulay kayumanggi dahil sa makapal na putik. Isang misteryo pa din sa amin kung nasaan na ang mga puno at mga kabahayan pati na rin ang mga naninirahan dito.
"Ayun sila!" Tinuro ni Chloe ang harapan ng van. Apat na tao ang nakatayo sa gitna ng malawak at mahangin na kalupaan. Nang malapit na kami ay huminto na ang van. Isa-isa kaming naglabasan at pumuwesto sa harapan ng van.
"Buhay pa ba ang palpak naming kasama?" Sabi ng isa sa pinakamatangkad nilang apat.
"Nandoon sa loob ng van" sagot ni Mayor Oscar.
"Sa tingin ko wala kayong planong sumanib sa aming grupo" sabi ng matangkad na tao.
"Nandito kami para hulihin kayong lahat" sabi ni Mayor Oscar.
"Hahahaha!" Malakas na tawa nito. "Sa tingin niyo ba na matatalo niyo kami?!"
"ZONE!"
"Yung mataba ay may kakayahang kontrolin ang tubig, yung may sombrero ay may kakayahang maging invisible ang zone area, yung pinakamatangkad sa kanila ay kayang gumawa ng clone at paramihin ang kanyang mga kasama pero hindi sa kanyang sarili, yung isa na may suot na black jacket ay kayang palakihin ang zone area coverage" paliwanag ni Chloe.
"Ikaw pala yung may kakayahang bumasa ng isip, malaki ang gamit mo sa grupo namin" sabi ng matangkad na tao.
Nagulat na lamang kami ng dumagsa ang napakaraming tao mula sa malayo at papunta ito sa kina tatayoan ng mga kalaban. Mga 100 meters ang layo nila sa amin ay bigla silang tumigil. Nasa isang libo mahigit ang mga tao na tatanaw namin pero napansin namin na magkakatulad ang kanilang mga mukha. Ito ang mukha sa tatlo naming mga kalaban. Gumawa pala ng clone ang pinakamatangkad sa kanila.
"Mayor lugi tayo sa tao" sabi ni Kapitan Dennis.
"Kayong lahat proceed tayo sa Plan B!" Utos ni Mayor.
"Yes sir!" Sabay naming sagot.
"Paano ba yan kulang na kayo sa tao" sabay ngumiti na parang baliw ang matangkad na tao.
Kasama siguro sa plano nila ang hindi paglapit ng mga clone nito para hindi ito maabot sa zone coverage namin. Pero nagtataka pa rin kami sa layo ng zone coverage nila. Gaano pa ba kalayo ang kaya maabot ng kanilang kapangyarihan.
Maya-maya ang biglang dumami ang tatlo sa mga kalaban namin at napalibutan na kami.
"Mayor ambush pala to!" Sigaw ni Marco.
ZONE!
Nasakop ng zone area ang paligid pero hindi ito naabot ang mga clone na nasa malayo. Tumigil ang paligid. Ito na ang tamang oras para umataki kami.
"Zandro! Richard! Dexter! Marco! Talian niyo sila ng copper wire, yung mga original lang" utos ni Mayor Oscar.
Yes! Sir!
Sinipa at sinuntok nila ang mga nakaharang na clone hanggang ito ay matumba.
"Mabuti na lang at nauna ka ng paggamit ng zone mo Ethan kasi ikaw ang una nilang target na paslangin" paliwanag ni Chloe.
Nabasa pala ni Chloe ang mga plano nila. Nang nakuha na nila ang mga copper wire sa van ay tinali nila ito sa apat na kalaban. Biglang nawala ang mga clone sa paligid namin at pati rin pala ang tatlo sa apat na humarap sa amin ay clone din. Ano clone din pala sila?! sabi ko sa sarili ko. Isa-isa din na nawala ang mga clone na nasa malayo na hindi abot sa zone area ko. Hanggang sa tatlo na lang ang natira sa kanila. Nasa labas pala ng zone area ko ang tatlo sa original na kalaban namin.
"Shit! Naisahan pa tayo!" Gulat na sabi Kapitan Dennis.
"Chloe ano pa ang plano nila?" Tanong ni Mayor Oscar.
"Plano din nila na patayin tayo dito gamit ang tubig" sabi ni Chloe.
"Paano?" Tanong ko.
"Di ba umulan ng malakas kanina"
"Oo tapos"
Kahit na wala na tayong nakitang tubig dito sa lupa na kinatatayoan natin ay nasa ilalim pa rin sila, hindi pa sila tuluyang nag-evaporate. Gamit ang tubig na galing sa ilalim ay gagawa siya ng sibat. Mula sa ilalim ng lupa ay lalabas iyon pataas at wala tayong pagtatagoan dahil lahat ng lupa dito ay mga sibat na lalabas.
BINABASA MO ANG
ZONE
Science FictionEthan Ybañez siya ang nabiyayaan ng kompletong kapangyarihan. Sa lahat ng zone user siya lang ang tao na kayang pahintuin ang oras. Sa kabila ng kanyang zone power siya ang may pinakamadaling maubosan ng kapangyarihan. Kaya kakailanganin niya ang tu...