Nagmeeting lahat ng mga zone user sa aming lugar na pinangungunahan ni Mayor Oscar. Isang mahabang lamisa ang nasa aming harapan. Sa dulo ay nakaupo si Mayor Oscar at sa kabilang dulo naman nakaupo si Kapitan Dennis. Habang kami ay nasa gilid nakaupo kaharap ang iba pang mga zone user.
"Dalawang linggo na lang kabilogan na ng buwan. Kailangan nating paghandaan ang pagdating ng NEW WORLD dito sa ating lugar" Sabi ni Mayor.
"Ito yung plano ko. Si Chloe dapat ang unang magbukas ng zone pagdating nila para malaman natin ang kanilang plano" sabi ni Kapitan Dennis.
"Tapos ikaw Joey" sabay turo kay Joey na nasa harap ko. "Samahan mo si Chloe sa pagtakas" sabi ni Mayor.
Si Joey kasi ang may kapangyarihan ng teleportation. Kaya niyang magteleport kahit saan basta nasa loob ito ng kanyang zone.
"Pagkatapos sa basketball court tayo magkita-kita para magplano ulit" sabi ni Kapitan.
May biglang nagbukas ng pinto. Napatingin kaming lahat kung sino ang nagbukas. Si Jane pala secretary ni Mayor.
"Excuse me po Mayor, emergency lang po" sabi ni Jane.
"Ano yun"
"Bigla pong nawala ang bayan ng Sto. Domingo. Naging patag po lahat kahit na yung mga bundok" sabi ni Jane. "Tingnan niyo na lang sa balita."
"Ha!"
"Ano?!"
"Imposible na yun ah"
"Grabe! Kasunod na yun ng bayan natin ah"
Binuksan ni Mayor ang TV na nasa likod ni Kapitan. Tumayo si Kapitan at lumipat ng upo.
Breaking news! Isang bayan ang nawala na lang sa mapa at hindi alam ang dahilan.
Natulala kaming lahat sa aming natanaw. Hindi namin akalain na ganyan pala kalakas ang NEW WORLD.
"Tapos na ang meeting!" Sigaw ni Mayor.
"Kayong lahat bantayan niyo itong bayan natin." Sabi ni Mayor. "Aalis ako at pupuntahan ko ang lugar na iyan."
* * * * *
Nasa trabaho ako at iniisip ko pa rin ang nangyari. Hindi pa pala nakaabot sa media ang pagdating ng NEW WORLD dito sa aming lugar. May tumapik sa aking balikat. Doon na lang ako natauhan.
"Hoy kanina pa ako nagsasalita dito hindi mo pala ako narinig" sabi ni Chloe.
"Ha? Sorry... Ano ulit yun"
"Ang sabi ko tanghalian na. Ano ba ang gusto mong kainin at ako na lang ang bibili"
"Katulad pa rin nung dati"
* * * * *
Gabi na ng lumabas si Ethan sa department store. Pagkalabas kasi niya kanina ay dumiritso na doon at namili ng mga pagkain para sa isang linggo niyang budget. Habang nasa gilid siya ng daan na naghihintay ng tax ay napansin niya na biglang naging bughaw ang paligid. Kaninong kapangyarihan to ang tanong niya sa kanyang sarili. Lumingon siya sa paligid pero di pa rin niya makita ang user. Naramdaman niya na may kung anong bagay ang papalapit sa likod niya. Agad siyang yumoko at dumaan lamang ang bagay sa kanyang ulo. Tumosuk ang mahaba at matulis na si semento sa harap niya. Tubig! Gulat na sabi niya sa kanyang sarili.
Gawa sa tubig ang mahaba at matulis na bagay. Naghihintay siya sa mga susunod pa na ataki pero parang wala na. Nawala na rin ang kulay bughaw na kanina ay bumabalot sa paligid. Biglang nahulog ang mahabang bagay na nakatusok kanina sa pader. Kumalat ang tubig sa daan at napansin niya na may maliit na plastic na may lamang papel.
Kinuha niya ito at binuksan. Napansin niya na may tagos ng ink ang nakarolyo na papel. Inayos niya ito at nakita niya ang mga sulat.
Patikim lamang ang
nangyari sa Sto. Domingo
isa lang yun sa mga kaya
naming gawin. Alam namin
na gusto niyo rin ng kapayapaan
at kami din naman. Isa lang
naman ang gusto naming
mangyari yan ay ang pagpasok niyo sa organization namin. Bukas ng tanghali sa gitna ng Sto. Domingo
maghihintay ang isang pangkat aking mga tauhan.* * * * *
Paglabas niya sa taxi ay dumiritso na siya sa gate. Pinindot niya ang door bell. Napansin niya na dala-dala pa rin pala niya ang mga grocery na binili niya kanina.
"Good evening sir! Ano po ang kailangan niyo?" Tanong ng guard.
"Pakisabi ho ni Mayor na nandito si Ethan Ybañez"
"Saglit po sir ha tatawagan ko po"
"Pasok daw po sir"
Pagpasok niya nakita niya si Mayor sa pintuan na naghihintay sa kanya.
"Pasok Ethan" sabi ni Mayor. "Doon na tayo sa loob mag-usap"
Nasa sala kami nakaupo ni Mayor. Kinuha ko sa bulsa ang nakarolyo na papel na binasa ko kanina at inabot ko ito ni Mayor. Ang kalmadong mukha kanina ay naging seryoso habang binabasa niya ang papel.
"Lalaban tayo!" Sabi ni Mayor. "Pwede natin paghandaan ang pag-ataki natin bukas"
"Pero hindi pa natin alam kung gaano karami ang ating kalaban sir"
"Uutosan ko si Marco para magmatyag sa kanila ngayong gabi, sigurado ako na nandoon na sila ngayon sa Sto. Domingo." Sabi ni Mayor. "Bukas ulit tayo magpaplano pagbalik ni Marco"
"Sige sir alis na ako"
"Maraming sa impormasyon Ethan"
* * * * *
Sampong tao laban sa lima. Yan ang nasa isip ko habang sakay kami ng van papunta sa Sto. Domingo. Bakit limang tao lang ang pinadala ng NEW WORLD? Minamaliit lang ba nila kami o sadyang malakas lang talaga ang pinadala nila dito. Open area pa talaga ang lugar na kung saan kami magtatagpo. Tiyak na walang pagtatagoan ang ilan nilang mga kasama kung meron man.
Biglang lumabo ang daan dahil sa lakas ng pagbuhos ng ulan. Biglang pumasok sa aking isipan ang nakalaban ko kahapon na tubig ang kapangyarihan. Kung kasama siya doon sa lima ay siguradong lugi na kami.
Nakapasok na kami sa territory ng Sto. Domingo. Mabuti na lamang ay tumila na ang ulan.
"Ano yan?" Tinuro ni Marco ang harapan ng van.
"Apoy na gumagalaw?" Hindi siguradong sagot ni Dexter.
"Ihinto mo ang van!" Utos ni Mayor sa driver.
"Tao yan na umaapoy!" Sigaw ni Chloe.
"Wala muna—" hindi na natapos ni Mayor ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at tumatakbong lumabas si Maine papunta sa nag-aapoy na tao.
BINABASA MO ANG
ZONE
Science FictionEthan Ybañez siya ang nabiyayaan ng kompletong kapangyarihan. Sa lahat ng zone user siya lang ang tao na kayang pahintuin ang oras. Sa kabila ng kanyang zone power siya ang may pinakamadaling maubosan ng kapangyarihan. Kaya kakailanganin niya ang tu...