'N.Y's Pov'
"Naks!Anak ko ba talaga ine?" mabirong tanong ni papa
"Alam kong maganda ako pa pero wag mo'kong bolahin." sabi ko
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin habang nasa likod ko si papa.Nakangiti ito habang pinapanood ako.
"Mas masaya sana kung nandito ang mama mo."
sabi niya at lumapit sakin at niyakap ako mula sa likod
Bagamat naka ngiti,alam kong malungkot ito.Halata yun sa tono ng pananalita niya.
"Awts! Birthday ko,pero nag dadrama ka?Awts gege." sabi ko
"Buti na lang at may iniwan ang mama mo bago niya ako iniwan." nakangiti niyang saad
Ngumiti din ako sa kanya bilang ganti
"Buong buhay kitang e tetreasure anak.Ikaw na lang ang meron ako." sabi niya at hinalikan ako sa noo
"Aww,how sweet.Sana ako din."
Napalingon kaming pareho ni papa sa pinto ng kwarto ko.
Nakatayo doon ang dalawa kong kaibigan.Si Kikay at Kulas,diba?Ang ganda ng mga pangalan.
"Good evening po tito." bati ni Kulas at nag mano kay papa
"Happy birthday New York." bati niya sakin at nakipag beso
Ganon din si Kikay,nag mano kay papa saka lumapit sakin at binati ako.
"Happy birthday New Year." bati niya
Pagkatapos ay niyakap nila akong dalawa.
Bumaba si papa para asikasohin ang mga bisita.Nandoon din kasi ang mga kasama niya sa trabaho.Baka mga partner niya sa negosyo.
Nagkwentohan kaming tatlo habang hindi pa nagsisimula ang party.Subrang tagal naming nakatambay sa loob ng kwarto ko bago kami tawagin ng mga katulong na magsisimula na daw ang party.
Niyakap at binati muna nila ako bago lumabas ng kwarto at bumaba.
Naiwan ako mag-isa sa kwarto.Napatingin ulit ako sa sarili ko sa salamin.
'Ang ganda ko nga namang nilalang.'
"Now, let's call the papa of our Birthday celebrant.Sir,can you join me here?" rinig kong tawag ng mc kay papa
Pinabayaan ko muna siyang dumada doon sa harap ng mga tao.Dahil alam kong subrang tagal bago matapos ng speech niya.Paulit ulit lang naman ang mga sinasabi niya.
Pero sa gitna ng pagsasalita niya ay napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa pintuan ng kwarto ko.Para marinig ko ng malinaw ang sinasabi niya.
"Even though my dear wife passed away a long time ago, she left me something that I really cared for and loved very much. Every time I saw it, it was as if I was living with my dearest wife." dinig kong sabi ni papa
"At this age, I will never dream of getting married again. Because this treasure of mine is too much. I have nothing more to ask but to be with her until I grow old. Especially the family she will build in the nearfuture." dagdag pa nito
YOU ARE READING
My Love From The Book
Teen FictionPossible nga bang mangyari sa totoong buhay ang ang love story na pinangarap ng iba.Hindi naman ikaw ang nangarap,pero sayo nangyari.Anong tawag dun?Parusa?O Tadhana?
