5

0 1 0
                                    

Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya na busy sa pagsusulat.Wala kaming teacher ngayon,pero may iniwan itong sulatin.

Dahil lumaki ang tamad,hindi ako nagsulat.Lagi man akong pagod sa klase,di ako kelan man napagod titigan ang maamo niyang mukha.

Kumikinang niyang mga mata,ang mahaba at makapal niyang mga pilik mata,at ang makapal niyang mga kilay.Ang matangos niyang ilong,ang mala strawberry niyang mga labi.At ang amoy rosas niyang mahaba at umaalon na buhok.Ang matamis niyang mga ngiti sa mga kaklase namin.

At ang hinding hindi mawawala sa kanya ay ang maasim niyang mukha sa tuwing nasisilayan ako.Kahit iba ang pakikitungo nito sa akin,mas kinikilig ako sa tuwing naiinis siya sa akin.Dahil doon ko napapatunayan na napapansin niya ako.

Nginitian niya ang iba at sinisimangotan ako.Pero alam kong totoo ang ipinapakita niyang inis sa akin,at doon ako lumamang sa mga tao sa paligid ko.Dahil ngiti man ang natatanggap nila sa kanya,halatang peke at pilit yun.

Napapansin lamang sila nito sa tuwing nagpapapansin sila.Di hamak na mas lamang ako sa kanilang lahat.Dahil kahit hindi ako sumayaw,kumanta o humiga at lumuhod o kahit magpaikot ikot sa harapan niya.Nakukuha ko ang atensyon niya ng walang kahirap hirap.

Nang lumingon ito sa bandang inuupoan ko.At aksidenteng dumapo ang paningin niya sa akin.Humalik ako sa hangin habang nakatingin sa kanya.Agad na umikot ang mata niya sa ginawa ko.Tinalikuran ako nito,pero napangiti lang ako sa ginawa niya.

Hanggang sa natapos ang klase na puno ng pagsusulat.Nakaupo parin ako habang pinagmamasdan siyang iligpit ang mga gamit niya.

At bago siya umalis,lumingon pa muna ito sa akin.Kaya nag flying kiss ako sa kanya.Umasim agad ang mukha niya sa ginawa ko.Bago ako tuloyang tinalikuran ay nag inarte pa muna ito sa akin.Nag hair flip ito na bago tuloyang lumabas ng classroom.

"Punyeta!Halata namang may gusto to sa kanya e.Naiirita pala,e bakit tingin ng tingin?Buang!" pabagsak kong ibinaba ang libro

"Halata namang nagpapapansin lang din ito sa kanya.Ang manhid naman ng buang na to,di ramdam na may feelings din sa kanya tong babae." dagdag ko pa

Nakaupo ako ngayon dito sa couch at sinimulan ng basahin ang libro.Habang nagbabasa ay may nakapatong ding kape sa mesa sa harap ko.

"Naeestress ako sa librong to,bakit ang dami pang pabebe scene?E magiging sila din naman,mga buang." sabi ko

Kinuha ko ang kape at uminom dito ng biglang...

"ENWA-AAAAHHHHHHH!" malakas niyang sigaw

"AH AH AH AAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!" malakas niyang sigaw

Nagpaikot ikot siya sa harap ko.Hindi niya alam kung ano ang gagawin,di din niya mahawak hawakan ang mukha dahil sa init.

Naibulwak ko ang kape sa pagmumukha niya ng bigla siyang sumulpot sa harap ko.Pero diko maintindihan,nabasa siya.Parang niligo ng kape,basang basa na ang ulo niya.Pero diko na lang ito pinansin,dahil kinabahan na ako sa pagsigaw niya.

Tumayo ako at parang sira na hindi alam ang gagawin.Dahil baka nga masunog ang mukha niya sa subrang init ng kape.Napaso din naman ang dila ko dahil nahigop ko ito bago napunta sa mukha noya.Pero diko ramdam ang init pagkapaso ko dahil kinakabahan ako sa malakas at walang tigil niyang pagsigaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Love From The BookWhere stories live. Discover now