3

0 1 0
                                        

'N.Y's pov'

Napaigtad ako sa subrang gulat kaya nauntog ako sa baba ni Bel.Mababasag yata ang ulo ko sa subrang sakit.Siya naman ay napatalikod sa akin habang hawak hawak ang baba niya.

"Pa!" gulat na gulat kong tawag sa kanya

Mabilis akong lumapit sa kanya.Kinakabahan ako dahil baka kung anong isipin niya sa nakita niya.

"Wala kabang balak ipakilala ako sa bago mong kaibigan?" Mahinahon niyang tanong sa akin

"A-ahh pa,s-si Bel." Pakilala ko

Nilingon ko si Bel na nasa likod ko,nakatayo na ito ng maayos paharap sa amin ni papa.

"B-bel,papa ko." pakilala ko sa kanya

Pilit na ngiti ko kay papa ng lingonin ko siya.Tumabi ako para magkaharap silang dalawa.Napalunok ako ng nakatitig sila sa isa't isa.

Huminga ako ng malalim bago napag desisyonang magsalita ng hindi ko na kinaya ang katahimikan.

"Pum—"

"Good evening,sir."

Biglang nagsalita si Bel,kaya naputol ang sadabihin ko.

Napalingon ako sa kanya,naabotan ko siyang medyo yumuko siya ng sabihin batiin niya si papa.

Nang umayos siya ng tayo ay napatingin siya sa akin,pero iniwas ko ang tingin sa kanya.

"Pumasok na po tayo sa loob." sabi ko

Diko hinintay ang sagot ni papa, tinalikuran ko na agad sila.

Nang maramdaman kong hindi sila sumunod sa akin ,nilingon ko ang mga ito.Subrang lapit na ngayon nila sa isa't isa.

Babalikan ko sana ang mga ito ng may biglang humawak sa kamay ko.Dali dali ko itong nilingon,nakita ko sa likod ang dalawa kong kaibigan.Nakahawak sa kamay ko si Kikay,habang si Kulas ay nakatayo lang sa tabi ni Kikay.Nakatingin din ito sa dalawang lalaking magkaharap ngayon.

Pinilit kong bawiin ang kamay ko sa kanya.Pero masyadong malakas si Kikay kaya diko mabawi bawi ang kamay ko sa kanya.

"Bitiwan mo'ko Kelly." sabi ko

Pinanlakihan ko siya ng mata,pero ang gaga inilingan lang ako.Inis ko siyang tinignan,pero ininguso niya sina papa.Kaya napalingon ako sa kanila.Nagitla ako ng makitang nag uusap sila habang tinatapik tapik ni papa ang balikat ni Bel.

Nangunot ang noo ko sa ginawa ni papa.Ngayon ko lang siya nakitang nakipag usap ng mahinahon sa mga lalaking nalalapit sakin.

Naalala ko pa noong unang nakilala ni papa si Kulas.Pinauwi niya ito kasi ayaw niyang nakipag usap ako sa mga lalaki.Subrang tagal bago siya pumayag na sumama ako kina Kikay at Kulas.Payag naman siya sa mga kaibigan kong babae,pero kapag lalaki that's a no no no.

"Oh,bakit nandito pa kayo?Pumasok na kayo,malamig dito." sabi ni papa

Pero nakatingin lang ako sa lalaking nasa likod niya.Nakatingin kami ngayon sa isa't isa.

"Ny." tawag sakin ni papa

"Mas malamig doon sa loob." sabi ko

"Akala ko ba gusto mo ng aircon?Pinalitan ko pa ng bago para lumamig sa loob ng bahay." sabi niya

My Love From The BookWhere stories live. Discover now