Capitolo Due

9 2 2
                                    

Capitolo Due

Pumipintig ang sentido ni Ava ng magising sya sa kanyang pag idlip. Dumagdag lang lalo ang maingay na paligid sa sakit ng ulo nya.

"Miss, gising ka na pala. " boses iyon ni Lexi. Nag aalala ang tingin nya sa kanyang amo na naka pikit, naka kunot ang noo at minamasahe ang sentido nito.

"Okay lang Miss Ava?"

" Masakit ang ulo ko Lexi, paki bigyan ako ng gamot. Kailangan ko rin ng re-touch." Utos ni Ava.

Hindi sya madalas dapuan ng mga sakit pero iba ang sakit ng ulo nya ngayon. Pero hindi ito dahilan para hindi nya tapusin ang trabaho. Last shoot na nila ito, she may be a diva but she has so much respect for her craft. Not just in acting but in everything she decides to do.

Must be the Dela Riva pride in her talking.

Dumating na ang make-up artist sa kanyang make shift room at nag simula na syang ayusan. Ang mga staff sa paligid ay nag hahanda na rin.

Ang huling scene na ito ay ang pag hahanda nya sa kwarto, ang pag lakad sa palasyo papunta sa Cathedral para sa koronasyon.

Saulo na ni Ava ang lahat ng gagawin nya. Linya, expression hanggang sa mga pag galaw nya. She spent hours watching the coronation of Queen Elizabeth para lang dito.

Narinig nyang may coverage din ang koronasyon ni Aurora ngunit hindi ito ipinakita sa telebisyon.

Aurora sa was crowned in 1951, television was introduced in 1953. Ngunit may mga pelikula na noon kaya nakuhanan ng coverage ang koronasyon ni Aurora, hindi lamang ito nilabas sa publiko at mapa hanggang ngayon, ay naka tago pa rin ngunit may pag kakataong nag lalabas ng ilang clips ang National Museum.

Ang tanging nilabas sa publiko ay ang koronasyon ni Reyna Leticia.

Napa simangot si Ava ng wala sa sarili sa naalala. Another reason to hate those people. Napaka unfair na itinago na lamang sa baul ang mga alaala ni Aurora.

Napa buntong hininga si Ava, just thinking about someone with the same face like hers being forgotten is irritating her. Deserve ng maganda nyang mukha ang mailagay sa ibat-ibang billboard, dyaryo, cover ng magazine at television.

Lahat ng iyon ay nararanasan nya ngayon, pero si Aurora ay hindi.

Bakit? Dahil hindi sila pareho. Kung ngayon ipinanganak si Aurora, sigurado si Ava na pipiliin noon ang tahimik na buhay, malayo sa medya.

At kung si Ava naman ang ipinanganak sa panahon ni Aurora, napangiti nalang si Ava sa naiisip nya. The 1950's would've been shock with her presence and attitude.

Paniguradong magugulantang ang lahat sa kanya. Cuz Ava, no matter what generation she's in, will always be a force to be reckoned with.

"Miss mag sisimula na daw po." Paalala sa kanya ni Lexi. Agad na tinapos ng make-up artist ang pag aayos sa kanya.

Her stylist fixed her traditional gown ng tumayo sya.

" My, my, Ava! Hindi talaga ako nag ka mali sayo. Parang nasa harap ko talaga si Aurora." Bati ng Direktor sa kanya.

Pilit nya itong nginitian. Akala ata ng Joselito na ito ay hindi nya alam na sya ang nag kumbinsi kay Kianna na kuhanin ang role ni Reyna Leticia at sya din ang nag sabi na si Ava ang gaganap na Aurora.

At ang ingrata namang si Kianna ay pumayag agad ng malamang extra lang si Ava.

Gusto nyang ngumiti ng pang asar dahil sisiguraduhin nyang sya ang magiging usap usapan ng lahat!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon