FIRST day ngayon ni Ciara sa bookstore at inutusan ko si Rich na i-train siya na kaagad namang sinunod nito.
"Ate Ciara, ilang taon ka na?" tanong ni Rich.
"Huwag mo akong maate-ate. Halos hindi naman gano'n kalayo ang edad nating dalawa, okay?" kunot-noo nitong sambit dahil tingin niya'y nagmumukha siyang matanda.
"Talaga? Ilang taon ka na ba?"
"I'm just 23."
"Nineteen years old ako. Mas matanda ka pa rin sa akin."
"Basta, huwag mo akong matawag-tawag na ate, clear?"
"Sure, Ciara! Tara, turuan na kita!"
"Sige maiwan ko na kayo, ikaw na ang bahala sa kaniya, Rich, ha?"
"No problem!"
"Huwag kang mahihiyang magtanong kay Rich, Ciara. Mabait iyan!"
"Okay, Shane!"
At pumasok na ako sa office. Nadatnan ko si Adonis na nagbabasa na naman ng libro sa sopa habang nakahiga.
Nagbuntong-hininga ako. "Nandyan na si Ciara, Adonis. Tinuturuan na siya ni Rich sa pagkakaha."
"Gano'n ba? Sounds good!" sabi niya at ibinaba rin niya ang kaniyang libro upang harapin ako. Matapos ay muli niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Umupo naman ako sa swivel chair ko. Mayamaya ay nag-ring ang phone ko. Si Mr. Gomez ang tumatawag. Siya ang advertisement director.
"Hello po!" pagsagot ko.
"Hello, Shane. Ako 'to si Mr. Gomez."
"Good morning, Mr. Gomez. Bakit nga pala kayo napatawag?"
"Ready na si Adonis para sa shooting bukas, tama?"
"Yes po, Mr. Gomez. Handa na siya!"
"Nice. I just want to confirm that. Hindi kasi 'to puwedeng ma-cancel, dahil magiging busy ako sa mga susunod na araw. Kapag nag-cancel kayo, baka matagalan pa saka kayo makakapag-resched ng shooting."
"I understand po. No worries, a-attend siya bukas."
"Alright. Thank you, Shane!"
"Salamat din po!"
At ibinaba na namin ang aming phone.
Umupo si Adonis sa sopa at inpinatong sa sopa ang libro. "Excited na ako para bukas. Matagal kong pinaghandaan iyon!"
"Huwag na huwag tayong male-late. Importante ang bawat segundo sa mga gano'ng klaseng tao!"
Kinabukasan, sumakay kami ni Adonis sa kotse ni papa at ako ang nagmaneho. Hindi pa kasi ako bumibili ng sarili kong kotse. I prefer kasi na mag-commute na lang para makaiwas sa dagdag-traffic ang kotse ko. Kapag pupunta naman ako sa malayo at gusto ko ng convenience, hinihiram ko na lang ang kotse ni papa na bihira lang niyang gamitin. Hindi pa ako bumibili ng sarili kong kotse. Afford ko naman but it's least on my priorities.
Dumating kami sa set na nasa fifth floor ng isang building. Narooon na ang mga staff maging ang director. Pinapunta kami ng staff sa make-up room upang lagyan ng palamuti ang mukha ni Adonis.
Minek-apan siya, at pinasuot ng itim na pants, puting polo at itim na suit na naka-open lamang. Ang hot ni Adonis sa ganoong outfit. Pang celebrity level talaga ang kaguwapuhan niya. Para siyang si Cha Eun Woo ng Pilipinas. I know that's a controversial thing claim but I'm not kidding. That's how handsome he is.
"Ang guwapo mo ngayon, Adonis!" papuri ko sa kaniya.
"Talaga? Salamat!"
Kinuha ko sa bag ko ang phone ko at pinikturan siya. Ngumiti naman siya at nag-finger heart pa. Natutunan niya iyon sa kakapanood niya ng mga K-drama sa internet.
BINABASA MO ANG
Send The Egg To The Bookstore
RomansaLife has been very hard for Shane. There are a lot of disasters hindering her success in life. But as her heart is pure, the angels in the Department of Success from Heaven sent an egg to her that could help her business to grow. And this egg turne...