Part 3

13 2 0
                                    

GRAMMATICAL ERRORS))

Part 3

Gumising ako ng maaga, kahit di ako nakatulog ng maayos.

Iniisip ko kasi paano ako papasok sa school, paano ako haharap sa mga tao, paano ako iiwas sa gulo,kung nasa saakin ang atensyon nila, dahil sa sinabi ni Achelous.

"Damn Achelous, bakit mo kasi sinabi mo 'yon" naiiyak na Sambit ko, bumaba na ako para kumain,kanina pa ako naka bihis para pumasok.

"Oh Chanel, tamang tama gising ka na, tatawagin pa sana kita, at andito na yung sundo mo" nagulat ako sa sinabi ni Mama? Ano?! May sundo ako? At sino naman 'yon?

Si Achelous kaya 'yon? Hmmm imposible, baka si Angelica lang, e? Hindi niya naman alam bahay ko e?

Pumunta agad ako sa kusina, at nanlaki yung mata ko kung sino 'yon!

"A-ano ginagawa m-mo d-dito?" Tanong ko kay Jhed, oh Chanel wag ka mautal, wag ka mahiya nasa pamamahay mo siya kaya siya dapat ang mahiya.

"Sinusundo ka?" Cold niyang Sambit, sinusundo? Bakit Naman?

"Ha?"

"Tss,nasa student supreme government si Achelous, may meeting siya, so humingi siya ng favor na sunduin daw Kita, for your safety." Nag iwas tingin siya, tumango ako.

"Oh Chanel, sit na, at bakit naman hindi ka manlang nag suklay? Aba paano ka mag kakaroon ng manliligaw niyan?" Singit ni Mama, napakagat labi nalang ako at umupo sa harap ni Jhed.

"So direct to the point na, classmates ka ba ni Chanel? Or Manliligaw?" Biglang tanong ni Mama kay Jhed.

"M-ma," tawag ko kay Mama, at sinamaan siya ng tingin.

"Oh? I'm just asking, Skyra Chanel ah,"

"Schoolmates lang po kami, at wala po akong balak ligawan si Chanel, tita." Biglang sagot ni Jhed, at parang may kumirot sa Puso ko, ngumiti ako at nag patuloy sa pag Kain, si Mama naman ay di na nag salita.

Nainis ako kay Jhed, pwede naman niyang sabihin na hindi niya ako nililigawan hindi yung wala siyang balak, tapos dito pa siya kakain?! Ang kapal naman ng mukha, hays.

Kumain na kaming tatlo at pagkatapos ay si Mama na ang nag ligpit,at nag paalam na kami na papasok na kami sa School.

Hindi ako pinag buksan ng pintuan ni Jhed, syempre schoolmates niya lang naman ako, hindi kaibigan, hindi manliligaw, hindi Mahal, hindi gusto, kundi schoolmates niya lang ako, school mates lang.


Papasok na sana ako sa passenger seat,pero pinigilan niya ako.

"Dito ka sa shogun seat" sabi niya nang di ako tinitignan, kaya sumunod agad ako.
"Hindi ko pinangarap maging driver mo."

Umupo na ako at di ako nag salita.

Rinig ko siyang buntong hininga.

"Seatbelt mo, paki ayos" Sambit niya na hindi parin ako tinitignan.

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan kaya nanalangin ako na sana bumilis yung oras, at sana makarating na kami sa School.

"So, kayo na talaga ni Achelous?" Basag niya sa katahimikan, napatingin ako sakanya at nakatutok lang siya sa Daan.

"A-ah e---hindi ah," sagot ko at tumango lang siya.

Nung malapit na kami sa School ay, nag pababa na ako, ayoko na may makakakita saamin, baka mas lalong lumala.

MY CRUSH INTO MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon