PROLOGUE

10 1 2
                                    

Maaga akong nagising dahil sa aking panaginip. Siya nanaman. Ang tagal na pero hindi ko parin matanggap. Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano-ano dahil narinig kong may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Lumabas na ako para buksan.

"Von! Von!"
"Ryuu?"
"Bagal mo. Kanina pa ako sigaw ng sigaw, ayan pumasok na ako." Hinayaan ko s'yang umupo sa sofa malapit sa kinatatayuan ko. Naaalala ko nanaman siya. Pero kaya ko 'to.

"Uh, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Ah, tumawag sa'kin si Nathan. Kasama niya raw si Peitho ngayon. G ka ba? Nag-aaya gumala eh." Nag-isip ako. Kailangan ko 'to. Mababaliw ako pag nanatili ako dito sa bahay.
"Sige. Maliligo lang ako." Tumango siya at umalis na rin ako.

Pumunta na kami sa sinabing address ni Nathan. Sumalubong sa'min ang iilang guards na nakabantay sa subdivisions.

"Sir, sino pong sadya?" Tanong sa'amin.
"Ah, si Peitho Dramaticiañez? Kaibigan niya kami." Ang layo na pala ng narating ni Peitho. Sana ako rin. Ilang minuto din bago kami pinapasok.

Kumatok muna si Ryuu sa pinto. Ilang saglit lang bumukas na ang pinto.
"Uy, Rara! Von!" Si Nathan pala. Pumasok na kami at nakita kong nakasuot pa ng apron si Peitho at basa ang mga kamay.

"Lolo---"
"Marunong kana magluto?" Tanong ni Ryuu kasabay ng pagtawa.
"Heh! Hinugasan ko lang yung ginamit namin kanina...Hi kuya Von!" Bati ni Peitho sa'kin.

"Upo po muna kayo, lolo, pwede ka bang magluto?" Tumayo naman agad si Ryuu para pumunta ng kusina. Sumunod naman si Nathan para tumulong. Naiwan kaming dalawa ni Peitho sa sala.

"Kuya, kamusta ka?" Tanong nito nang mawala ang dalawa.
"I'm fine. Ikaw?" Ngumiti ako sakanya.
"Hmm, okay naman po. Oh, I heard na i-rerelease niyo ni lolo yung kantang ginawa niyo. Ano nga ulit yun? Ah! After We Collided." Oo nga pala. Malapit na palang ilabas yun.

"Ah, yes malapit na. Sama ka ba sa show?" Tumango naman ito agad.
"By the way, yung assistant ko sasabay sa'tin kakain. Mamaya nandito na yun. May pag-uusapan din kasi kami para sa interview ko...hindi ko naman in-expect na sisikat yung kanta ko."
"Ang ganda kaya no'n. I'm sure narinig na yun ng ex mo. Sino nga ulit yun? Ah, Allen...Hahahaha!" Sinamaan ako nito ng tingin at ngumiti.

Natapos na rin sa pagluto at paghanda sina Nathan at Ryuu. Sumunod na kami sa kusina para kumain. Nag-uusap usap lang kami sa mga ganap sa buhay namin nang may kumatok mula sa pinto.

"Oh, I think it"s my assistant na." Tumayo na si Peitho para buksan ang pintuan. Tumuloy lang kaming tatlo sa pagkain.
"Guys, she's Jasper. My Assistant." Nabitawan ko ang kubyertos na hawak ko. Unti-unti akong lumingon sa babaeng nasa harapan namin ngayon.

"Hi, I'm Jasper Roque. I'm Ms. Dramatiañez's assistant." Ngumiti ito sa amin. Binati rin siya pabalik nila Nathan. Binalik ko ang tingin ko sa aking pagkain. Tandang-tanda ko pa. Alam kong siya yun. Nung gabing magkasama sila. Nung gabing umamin siya. Nung araw na nakita ko silang dalawa. Hindi ako nagkakamali. Ang liit lang ng mundo naming tatlo. Kakayanin ko ba 'to?

The Musicians Series 1. The Founders' EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon