CHAPTER 2

0 0 0
                                    

Matapos ng pagkikita namin sa Music Room, hindi na ako ponatahimik ng isip ko. Iniisip ko yung sinabi niya. Kakantahan ko siya? Lagi? Hindi ko alam ba't ako kinakabahan pero, pero parang...basta!

Hanggang sa natapos na lang ang klase ko sa umaga. Walang-wala ako sa isip ko. Wala kaming next class kaya napag-isipan namin ng mga kasama ko sa banda na sa Music Room nalang muna.

"Von, kamusta si Vince?" Nagulat na lamang ako sa tanong ng kaibigan ko.
"H-huh? Hindi ko alam," sagot ko na lang.
"Haha, nakita ko kayong magkasama palabas ng Music Room kaninang umaga." Muli ko nanamang naisip ang usapan namin kanina. Hindi na ako nagsalita pa dahil malapit na naman kami sa Music Room. "Nga pala, may dalawang sasali sa atin mamaya. Pupunta yun dito. Isang engineering at isang culinary."

Maya-maya ay may kumatok na sa pinto. Inisip ko na kaagad na iyon na ying dalawang inaantay namin. Bumukas ang pinto at si Vince ang nakita ko. Hindi agad ako napakali, buti nalang at hindi ako nakikita ng mga kasama ko dahil nasa likod ako.

Palinga-linga ito at ngumiti nang natapat sa akin ang mata. Naalakad siya palapit sa akin at tumabi. "Uy, makikinig ako ah? Galing ako sa room niyo, nandito ka na rin daw." Hindi na ako nagsalita at tumango nalang. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sa tingin ko ay napansin niyang tahimik ako. Magsasalita na sana siya nang bumukas muli ang pintuan at niluwa ang dalawang lalaki.

Tumayo kami at isa-isang kumaway. "Ayan, nandito na sila. Nga pala siya si Nathan, yung engineering. Siya naman si Ryuu, yung culinary.

"Hi, I'm Ryuu Yzrael," pagpapakilala nung isang lalaki.
"I'm Nathan, nice meeting you all." Ngumiti naman ito.

Tumabi sila sa akin, nasa kaliwa ko yung Nathan, nasa kanan naman yung Ryuu. Nasa gitna ako. "Uhh..." Hindi ko mapigilang mailang sa pwesto naming tatlo. Para akong na cornered e.

"Ikaw si Von, diba?" Tanong ni Ryuu. Agad naman akong tumango. "Grabe ang lalim ng boses mo, 'no? Friends na tayo, haha." Hindi ko alam pero para siyang namumula nang sinabi niya yun. Hindi na ako nagsalita at nakinig nalang sa nagsasalita.

Natapos na ang meeting, at bumaba na rin kaming tatlo para lumabas ng Music Room. "Von..." tawag ng kung sino sa likod ko. Si Vince pala. "Uy," pagpansin ko rito. Lumapit ito sa amin at kumaway. "Vince, si Ryuu at Nathan nga pala." Teka, ba't ko sila pinapakilala?

"Ryuu Yzrael," papakilala nito sabay handshake. Ganun din ang ginawa ni Nathan. Hindi na sumabay si Ryuu at Nathan dahil may dadaanan pa raw sila. Inadd nila ako sa social media accounts nila para mutual na daw kami. Hindi naman ako mahilig dun pero sige, pumayag na rin ako.

"Pasensya nga pala, hindi ako nakaabot.." Sabi nito habang naglalakad kami palabas ng school. "Okay lang yun. Sa susunod nalang kita kakantahan." Tumingin ako sakanya at ngumiti. Marami pa kaming nalaman sa isa't isa habang naglalakad kami. Sumasayaw pala talaga siya. Hindi na namin namalayan na ang haba na ng oras na ginugol namin sa pag-uusap. Naiwan na kami ng jeep.

Total malapit lang naman daw yung bahay namin, sasamahan niya na lang daw akong maglakad. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil do'n.
"Kantahan mo'ko," Akala ko'y nagbibiro siya pero talagang naghihintay siya na kumanta ako. Naisipan kung kantahin ang isa sa mga paborito ko. Yung Ngiti ni Ronnie Liang.

"Minamasdan kita, nang hindi mo alam..." Paninimula ko habang naglalakad. "Pinapangarap ko'y ikaw ay akin," Hindi ko mapigilang kabahan sa hindi ko alam na dahilan. "Mapupulang labi, at matingkad mong ngiti..Umaabot hanggang sa langit.."

"Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik..." Pabagal nang pabagal ang lakad namin, mukhang nakikiramdam sa akin. Hindi ko alam pero sa oras na ito, ang saya ko kasi siya ang kasama ko.

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil..." Hindi ko na napigilang tumingin sakanya habang kinakanta ko iyon.

"Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin..." Nang matapos ko iyon, tumingin ito sa akin. Tahimik lang. Napayuko ako dahil sa hiya. Pakiramdam ko ay namumula na ako. "Von.." pagtawag nito sa akin. Magsasalita na sana ako nang bigla ulit niyang binuka ang bibig para magsalita.

"Von, this might be weird but...dahil sa'yo, pakiramdam ko, ang saya ko." Seryoso ito sa sinasabi. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang sinseridad.

"I like you," Dagdag nito na ikinagulat ko.

;))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Musicians Series 1. The Founders' EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon