CHAPTER 1

0 0 0
                                    


Ang sabi nila, "Wala kang mapapala kung magbabakla ka. Mga salot. Hindi kayo kailangan dito."

Nakakatakot magpakatotoo sa mundong maraming mapanghusga. Lumaki akong tago ang tunay kong kasarian. Hindi ko naman kasalanang ganito ako. Lumaki akong makisig, matapang, lalaking-lalaki sa tingin ng iba.

Nang tumungtong ako ng kolehiyo, natagpuan ko ang mga taong tanggap ang kung ano at sino ako. Sa pamamagitan ng musika, nakalimutan ko lahat ng panghuhusga sa akin simula nang ako'y bata pa.

Dumating sa puntong hinarap ko na ang kinatatakutan ko. Ang pag-amin sa mga magulang ko. Takot na takot ako. Pero nagulat ako nang niyakap ako ng aking ina. "Matagal na naming tanggap, anak."  Niyakap ko nang mahigpit ang aking ina, kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Magandang hakbang ito para matanggap ko na rin kung ano ako.

Tumutugtog kami, kasama ng bandang sinalihan ko. Isa akong vocalist. Hindi naman daw halatang malambit ako dahil na din sa tikas ng boses ko.

"Von, si Vince nga pala. Dancer 'yan dun sa kabilang club." Matagal akong natulala. Kakaibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Natauhan na lamang ako nang tinapik ako ng kaibigan ko.

"Uy, Von ayos ka lang?" Tumango ako at humarap sa lalaking kanina pa pala nakatingin sa akin. "Ako nga pala si Von." Nakipag-kamay ako sa lalaking nasa harap ko. Ang ganda ng mga mata niya. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya.

"Ah, alis na muna ako. May practice pa kami eh." Tumango naman ang kaibigan ko at siya na ngang pag-alis ni Vince.

"Straight 'yan, Von. Tulala ka nanaman." Tumawa pa ito at sinabing may practice pa daw kami. Sumunod na ako papasok sa Music room para mag-ensayo.

Gabi na nang matapos kami. Marami ring sumali at nagpaturo kaya tumulong na din ako. Palabas na ako nang makasalubong ko si Vince.

"Oh, Von. Ginabi ka?" Ngumiti ito at huminto sa harap ko.
"Oo. Marami ring sumali kanina." Tumango ito at ngumiti ulit.
"Gusto mo sabay na tayong umuwi? Ah, sandali lang kukunin ko lang gamit ko." Hindi na ako nakasagot, tumakbo na siya para kunin ang gamit niya umupo nalang muna ako para hintayin siya.

Maya-maya ay dumating na rin siya. Tumayo na ako at naglakad.
Sabay nga kaming naglakad papuntang sakayan ng jeep. Ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa kanto namin. Sa kabilang kanto lang pala siya nakatira. Sabay kaming naglakad paounta sa bahay. Nagtaka rin ako ba't nakasunod parin siya pero hinayaan ko nalang.

"Ah, salamat Vince." Ngumiti ako sakanya. "No worries. Sige, una na ako. Bukas nalang ulit, Von." Ngumiti ito at kumaway bago umalis. Pumasok na ako at naabutan kong nakasilip si mama.

"A-anak, nand'yan ka na pala," Nagmano muna ako at umupo. "Nakita mo na nga ata ako sa labas ma, eh." Tumawa ito at tumabi sa'kin. "Anak, sino siya?" Tanong sa'kin ni mama. "Vince po. Kaibigan ko." Ngumiti ito na para bang nang-aasar. Umiling nalang ako. Kumain na rin kami ni mama. Pagkatapos nun ay umakyat na ako sa kwarto para maligo at magpahinga. Napagod rin ako buong araw.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Bumaba na ako para sana maghanda ng almusal. "Ma, kaya ko naman magluto," Humarap ito sa akin at ngumiti. "Hay nako, hayaan mo na ako. Sige na, kumain ka na. Ihahanda ko ang baon mo." Hindi na ako sumagot at hinayaan nalang siya. Kahit ngayong kolehiyo na ako, gustong-gusto parin ni mama ang maghanda ng gamit ko. Masyado niya akong bine-baby.

Pagtapos kong kumain ay umakyat na ulit ako para maligo. Bumaba na rin ako para magpaalam na aalis na. "Mag-ingat ka, anak." Humalik ito sa pisngi ko at kumaway. Gano'n din ang ginawa ko.

Pag dating ko ay wala pang masyadong tao. Naisipan kong sa Music room na muna ako habang maaga pa. Pagpasok ko ay kinuha ko ang gitara. Tumugtog ako ng kung ano-anong naiisip kong kantahin. Nagsimula na akong kantahin ang Patawad, Paalam ni Moira.

'Nakatulong ba nung lumayo ako?
'Di ba 'yon naman ang 'yong ginusto?' Pinikit ko ang aking mata habang dinadamdam ang bawat mensahe ng kanta.

'Simula pa no'n, kahit hanggang ngayon
Lahat ng daan ay pabalik sa 'yo...'

'Balang araw ay makikita mong
'Di kailangan lumayo
Kung paglisan lang ang paraan
Patawad, paalam
Kahit nasa'n ka man...'

'Nariyan pa ba ang pinangarap ko
Na aking tinalikuran para mabuo?
Bakit gano'n? Kahit sa'n lumingon
Lahat ng daan ay pabalik sa 'yo...' Muli kong inimulat  ang aking mga mata. Gulat ko na lang nang makita ko si Vince sa pinto. "Tuloy mo lang..." Hindi ko alam ba't kinakabahan ako. Pero tinuloy ko parin.

'Balang araw ay makikita mong
'Di kailangan lumayo
Kung paglisan lang ang paraan
Patawad, patawad
Kahit nasa'n ka man...'

'Ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh..' Tinapos ko ang kanta at dahan-dahang binaba ang gitara.

"Ang galing mong kumanta," Tumabi ito sa akin. "Salamat..." Napuno ng katahimikan ang silid. Hindi ko alam ang dapat kong gawin at sabihin. Magsisimula na sana akong magsalita nang biglang tumunog ang bell. Magsisimula na ang klase ko. Tumayo na ako at ganun din siya.

"Ang galing mo, Von. Mamaya, kantahan mo ako ha?" Tinapik nito ang aking balikat at nagsimula nang maglakad.

___________________________________________________ ฅ^•ﻌ•^ฅ

The Musicians Series 1. The Founders' EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon