Two

11 1 0
                                    

"Totoo ba 'to?" tanong ko — tuluyan na talagang kinabahan sa kaniya.

Nagmamaka-awa pa siyang tumingin sa akin habang ipinagdikit ang dalawang mga palad. Kulang na lang, lumuhod siya para magmukhang nagdarasal.


"Mukha ba akong nagbibiro?" siya pa 'tong may ganang mapikon. Kapal rin ng mukha.

First time 'tong mangyari sa 'kin na may makikitulog sa condo ko na hindi ko naman kilala. Well, hindi naman masamang makitulog pero takot ako baka kasi may makakita sa amin at mapagkamalan kaming magjowa. Alam mo na man ang mga tao ngayon bhie.


"Ahh, p-pero i-isa lang kasi ang kwarto ko" nag-aalinlangan pa ako.


"E 'di sa sofa na lang ako matutulog." aniya.


Hay parang wala na naman akong magagawa, lumarga na ang bus at ang dilim-dilim na, street lights na lang at mga ilaw ng buildings ang nagbibigay liwanag sa dilim kaya, sa huli pumayag na rin ako. Mukha rin naman siyang mapagkakatiwalaan.


"Sure ka ba d'yan?" may bahid pa rin ng pag-aalinlangan ang boses ko.

"Oo nga, tara na."

Napansin niya siguro kaninang hindi ako marunong tumawid sa kalsada kaya hinawakan niya agad ang palapulsuhan ko at hinila ako patungo sa kabilang side ng daan — kung saan nakatayo ang condo.


"Um... Dadaan muna ako sa may department store, may bibilhin lang. 'Wag kang mag-alala dito lang 'yon sa baba ng condo, kaya hindi ako magtatagal."


Hindi naman siya umangal at sumama rin siya sa 'kin. Agad kong binigay ang bayad ko sa cashier, bumili lang naman ako ng frames na lagyanan ng certificates, journal, g-tech ballpens at yellow pads.



"Tara na!", tawag ko sa kaniya.


May nga binili rin siyang stationaries pero mas nauna siyang magpa-counter kaysa sa'kin. Pumunta agad kami sa elevator patungong 10th floor. Hawak-hawak ko ang mga pinamili ko habang nakasabit sa likod ko yung backpack, gano'n din siya.


Pagkabukas ng pintuan agad kong binuksan ang ilaw at inilagay sa bag rack ang back pack ko, ganun din ang ginawa niya. Inabot ko sa kaniya ang extra indoor slippers ko. May extra talaga ako, para sa mga bisita, ayoko kasing pinapasok ang sapatos sa loob ng bahay o condo, baka kung anu-ano lang ang dumi at bakteryang dala-dala niyan.

"Upo ka muna, Elliot. Pasensya na kung hindi masyadong malinis 'tong condo."

Umupo agad siya sa sofa.

"Sure kang hindi masyadong malinis?" nilibot ng mga mata niya ang buong room. Bigla tuloy akong nahiya baka sabihin niyang girly ako, masyado, gaya ng sinasabi ng mga kaibigan ko kapag pumupunta sila rito.

My condo unit is painted with different pastel shades of pink. Ako mismo ang nagpinta sa buong room. A lot of people say I'm girly for being obsessed with this color. But they never knew the reason why. I love pink simply because it symbolizes feminism and positivity. It is the color of love and compassion. So, why will I hate it?

Wala naman siyang sinabi kaya, siguro hindi niya naiisip ang iniisip ng iba tungkol sa pambabaeng kulay ng buong unit.


Nagsimula na akong ilagay ang walong certificates sa mga frames. Nakatanggap ako ng pitong scholarship certificates, galing sa mga sponsors ng nasabing paligsahan at isa namang certificate, kung saan nakasulat doon ang pangalan kong may nakalagay na 'Champion of the National Advanced Math Competition' sa ibaba.



"Ikaw lang, mag-isa?" napansin niya siguro na parang walang ibang tao rito.


"Ahh oo 'e. Ever since my mom got married to my step dad, I started living alone."


Choosing YouWhere stories live. Discover now