Seven

13 1 0
                                    

"Chaia, magkagrupo tayo sa research, ha? Tayo na lang daw kasi bahala kung sinu-sino'ng magiging kagrupo natin." ayon kay Nathan na sobrang excited sa research.


"Sure, wala naman akong choice e."


"So Chaia, saan tayo magpaplano?" tanong ni Molly.


"Pwedeng... Uhhh... Sa condo ko na lang o di kaya'y sa condo ni Lucas, mamaya."


"Do'n nalang tayo sa condo ko para magkatao naman 'yon." sabi ni Lucas.


"WHAT?! Ang layo naman. Bakit ka kasi nagco-condo malapit sa LU, marami namang malapit dito sa BVIA." reklamo ni Molly.


"E doon ang ko gusto, paki mo?...Do'n nalang kasi tayo para may gana naman akong umuwi." Ang sarkastiko talaga nitong si Lucas.



"Ok sige, gusto mo e." sabi ng walang magagawang Molly.


Imbes na magplano kami sa mga dapat gawin tungkol sa research, mas pinlanuhan namin kung saan kami gagawa nu'n. Iniharap namin pabilog ang aming mga upuan para magkausap kami nang maayos, ganito rin kasi ang ginagawa ng ibang grupo. This is actually one of our favorite parts in school -- groupwork. We seldom bond outside school because we were so busy with our individual lives and responsibilities, kadalasan, tuwing may group projects lang kami nakakalabas... minsan, 'pag may events rin.



"Ano ba yan, isang linggo nga tayong pinagbakasyon but after that, we were punched with so many paperworks naman." reklamo ni Nathan habang gumagawa ng 1000-words essay.



"Pangatlong teacher na to'ng nagpapagawa sa'tin ng essay, huh. Kay bago-bago ko pa namang nagpa-manicure. Ugh, I don't want my fingers to get calloused. Nakakapangit 'yon." si Molly.



Tumunog na ang bell, hudyat na pwede na kaming umuwi. Buti nalang at bukas pa ang deadline ng ginawa naming essay.



"Lucas" tawag ko, "Tayo na!" Natigilan siya sa pagsusulat at lumingon sa direksyon ko.



"Huh???... Tayo na?" pagtataka niya.


"Oo, tayo na, mahuhuli na tayo sa bus."


Para siyang nilamon ng lupa sa reaksyon niya.... Anong problema neto?


"Bahala ka nga, naghihintay na sa'tin sina Molly. Mauuna na lang ako, ewan ko sayo."


Nasa condo na kami ni Lucas, medyo matagal na rin mula no'ng nakapunta ako rito. Ang laki na nang pinagbago, mas lalo lang itong gumanda.


"Cas, dito pala kadalasan tumitira ang mga elites ng LU no?" tanong ni Molly habang naghihintay kami sa pagbaba ng elevator.



"Oo, ito kasi ang pinakamalapit na condo sa university nila."


"Ito rin naman ang pinakamahal diba?" dagdag ni Molly.


Nagkibit-balikat lang si Lucas bilang sagot. Ilang minuto ang lumipas, nakapasok na rin kami sa unit ni Lucas.



Sinimulan na namin ang pagpaplano tungkol sa research dito sa living room, isa-isa naming sinabi at pinakinggan ang mga ideya't suhestiyon ng bawat isa, sa katunayan, kaya pala excited na excited si Nathan kanina dahil marami siyang plano tungkol dito — dahilan kung bakit hindi kami masyadong nahirapan sa pag-iisip ng topic, may kaunti lang kaming iniba para ma's pagandahin ang ideya niya.


"So, sinu-sino ang bibigyan natin ng survey forms at questionnaires?"
tanong ni Molly na siyang nagsusulat sa aming pinag-uusapang plano.


Choosing YouWhere stories live. Discover now