"'Wag mo masyadong kapalan, Molly!" reklamo ko kay Molly nang minake-upan niya ako sa harap ng vanity table dito sa kwarto ko.
Birthday na kasi ni Nathan at nandito kami ngayon sa condo ko, nag-aayos. Friday ngayon at holiday pa kaya, we have a double celebration! For Nathan's birthday and for the long weekend. Cheers!
"Ang OA mo naman Chaia, foundation pa lang naman 'to." saway niya.
"Huwag na lang kaya ako magmake-up tutal, mabubura rin naman mamaya, pagkaligo natin." sabi ko.
"Hindi tayo maliligo no! Sayang 'tong efforts ko." si Molly habang nilalagyan na ang mukha ko ng concealer.
Ay oo nga saka ko pa naalala na hindi pala siya marunong lumangoy.
"Oh, ba't ka tumatawa diyan?" nagtatakang tanong ni Molly.
"Ang laki-laki mo na, 'di ka pa rin marunong lumangoy? Pfttt. Sayang may pa two-piece, two-piece ka pang nalalaman e' sa gilid lang pala magpapaiwan." mas lalo lang akong natawa.
"Sige tawanan mo pa ako at kakapalan ko talaga 'tong make up mo nang sa ganun ay magmumukha kang clown mamaya." Amp. Ang bilis mapikon.
Sa wakas ay natapos na kami sa pag-aayos ng sarili namin.
Pero bago pa kami lumabas ng kwarto, tiningnan ko muna ang hitsura ko sa vanity mirror. Isang light make up lang ang ginawa ni Molly sa mukha ko kaya para lang siyang natural kung titingnan. Nakasuot ako ngayon ng white floral V-neck bow tie crop top at belted white denim shorts, sa ilalim nito, ay pastel-peach two-piece swimsuit."Chaia, picture-an mo nga ako, pang-IG story lang." sabi ni Molly sabay abot ng bago niyang Iphone 12 pro max sa 'kin.
Nakasuot siya ngayon ng crop top see through button down na kitang-kita ang light-yellow floral bikini tube top niya, habang high-waist trousers naman sa pang-ibaba. Pagkatapos ko siyang picture-ran ng ilang beses, lumabas na rin kami.
Tumayo na si Lucas na nakasuot ng white short-sleeves tee, blue-hawaiian beach shorts, at Louise Vuitton fisherman's hat. Halatang nababagot na siya kakahintay sa amin, dito sa sala.
"Buti naman at naisipan niyo pang lumabas." sarkastiko niyang sabi pero hindi man lang kami tinitingnan dahil naglalaro siya ng ML na kaka-download lang niya yata.
Nilingon na kami ni Lucas, tamad siyang tumingin kay Molly pero agad ring nanlaki ang mga mata at natigilan nang napalingon siya sa 'kin.
I rolled my eyes and snapped my fingers in front of his face to bring back his senses.
"Ako lang 'to Lucas. Huwag kang ma-starstruck alam kong maganda ako noon pa kaya, tara na." pang-aasar ko sa kaniya at agad siyang nilampasan. Dinig na dinig ko ang pangbo-'boo' ni Molly sa kaniya at tumawa pa nang malakas.
"Ogags. H-hindi ako n-na-starstruck. Ang feeling mo Chaia, kakakain mo 'yan ng krimstix, eh!" sumbat niya.
"Ahh k" walang gana kong sagot. Nagdadahilan pa 'to e' sobrang halata naman.
"Ang sama mo!" sabi niya at tinuturo pa ako.
Napangiwi lang ako bilang sagot para tuluyan siyang mapikon.
Nakasakay na kami sa latest model ng Ford Escape na kotse ni Lucas. One-hour ride lang naman ang byahe at hindi rin traffic ngayon kaya sana, hindi kami ma-late.
"Ito ba 'yung regalo ng tito mo sa 'yo nung birthday mo?" tanong ko kay Lucas.
Nasa shotgun seat ako ng sasakyan katabi ni Lucas, na siyang nagda-drive habang si Molly naman ay mag-isang nakaupo sa backseat. Nasa resort na kasi si Nathan kaya hindi namin siya kasama, ngayon.
YOU ARE READING
Choosing You
RomanceCharlotte Gianna Manalo (Chaia), her name, itself, screams victory, vigor, and brilliance. But how can a woman like her, be forced to get married into a man, named Adrianus Elliot Faraon (Ady), for business' sake? This is a story of two different i...