Thread 11

179 20 6
                                    







Be my date?

Halos kumawala na ang kaluluwa ni Allie sa sarili niyang katawan dahil sa pagkabigla at kilig. But remembering the reason behind the invitation, she then felt the pain again.

"Ano pa nga ba..." She sighed at inilapag ang invitation sa mesa.

Sakto namang may kumatok sa kanyang pinto.

"Hay nako, may nakalimutan na naman siguro itong ulyanin na 'to." Bitaw ni Allie sa pag-aakalang kuya niya ang nasa kabila ng pintuan kahit ka-aalis lang nito.

"Ano na naman nakali-- Bon?"

"Hi. Pinapasundo ka ni Matt." Magiliw na bungad ni Bon.

"Pinapasundo? Ba--bakit daw?"

"His glam team is waiting for you."

"Glam team?" Confused na tanong ni Allie.

"Lokong Mattmatt 'yon, hindi ka na naman pala sinabihan! His Glam Team will also be your Glam Team for tonight's party."

"Tonight na agad 'yon? Kakapadala niya pa lang ng invitation ha."

"Biglaan lang din namin nalaman yung tungkol sa party, kaya mag-ayos ka na and come with me. Hintayin kita sa kotse, Allie."

Napa-tango na lamang si Allie at no choice na nag-ayos.


Pagkarating na pagkarating sa place ni Matteo sa Taguig, agad na ginuide si Allie kung saan siya aayusan. She can't help but to feel amaze by the thought of her seeing and entering her idol's house na noon ay nakikita lamang niya sa mga pictures at video clips.

"Hi..." Nahihiyang bati niya sa glam team ni Matteo, na kilalang-kilala din niya.

Masigla namang siyang sinagot ng mga ito at agad din siyang inasikaso.

Mabilis lamang siyang inayusan, dahilan ng glam team ni Matteo? "Maganda ka na, hindi mo na kailangan ng bonggang ayos" which is, totoo naman.

"May I come in?" Rinig nilang katok ni Bon na siyang nagpatigil sa chikahan nina Allie at ng glam team.

Hindi na nagulat ang manager nang makasundo agad ng dalaga ang lahat dahil natural na friendly talaga ito. It made her wonder kung kailan kaya mahahawa ang alaga niya sa pagka-sociable ni Allie.

"Woah woah! Allie!" Reaksyon niya nang makita si Allie na nakaupo sa harap ng vanity mirror. "Lalo kang gumanda."

"Thank you." Nahihiyang pasasalamat ni Allie habang tinitignan din ang kanyang sarili. Hindi nga gaanong bongga ang make up niya, ngunit lumabas lalo ang kagandahan niya.

"Saktong-sakto yung pinili na gown ni Matt para sa'yo."

"Siya pumili?"

"Oh yes, kung alam mo lang. Aakalain mong ball ang aattendan niyo sa sobrang pagka-choosy niya para sa isusuot mo."

At doon ay pinakita na kay Allie ang kanyang isusuot. She looked at it with so much adoration.

In all fairness, ang ganda niya pumili. She thought.

She tried to restrain herself pero hindi niya talaga mapigilang lapitan ang napiling dress ni Matteo. Simple lang kung tutuusin ang kanyang isusuot ngunit namangha pa rin siya dito. It was emerald green, her favorite color. Meron rin itong long sleeves, allowing her to hide her arms subalit kapansin-pansin ang plunging neckline nito at ang mahaba nitong slit. It was something out of her comfort zone, but knowing that Matteo would like to see her in that dress convinced her to still wear it.

All Strings Attached: A ViceRylle AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon