CHAPTER 1 : First Day.

5 1 0
                                    

[Xianielle is on the media ; Errors Ahead]

Xianielle Point of View

"Hoi! gumising kana!"

Naalimpungatan ang diwa ko sa lakas ng pagkakakatok nang kung sino sa pintuan ko.

"Hoi! ano ba? wala pa raw almusal!"

Almusal lang pala eh ed- hala! anong oras na?!
napadilat ako at tiningnan ang maliit kong orasan

7:20!?? sa sobrang pagmamadali ko nahulog pa ako sa kama, hays ano ba yan.

"Oo eto na!"sigaw ko habang nagtatali ng buhok, mukhang nawala naman na ang kumakatok sa pintuan, mabilisan akong nagtoothbrush at naghilamos, nang matapos ako ay agad na akong bumaba, halos gumulong ako sa hagdan sa sobrang bilis ng pagtakbo ko, hays sermon nanaman tayo nito.

Pagkababa ko, yun na nga.

"Ano ba!? bakit ngayon kalang nagising ha!? anong oras na hindi ka pa rin nagluluto!?" malakas na sigaw saakin ni daddy kaya napapikit nalang ako ng mata.

"Huwag mo na sermonan ang bata clinton, imbes na magluluto na" sabat ni mama

"Oy ikaw bilisan mo nagugutom na ako, anong oras na oh" sabi naman sa akin ni mama habang tumitingin-tingin pa sa wrist watch niya.

Wala na akong inantay pa at dali daling pumunta ng kusina at nagluto ng almusal.

Bacon, Hatdog, Coffee, Egg 'yan ang niluto ko, sinangag ko na rin ang natirang kanin kagabi, pinainitan ko naman ang tinapay at nagtimpla ng kape.Pagkatapos kong ilagay lahat sa hapag ang mga pagkain biglang nagsalita si daddy.

"Ngayon ang unang araw ng pasukan mo, ayusin mo pag aaral mo ha!? hindi ka namin uli pinag-aral para lumandi at magbulakbol uli!" sigaw ni daddy habang nagsasandok.

"Ano pang tinatayo-tayo mo? umakyat ka na doon kakain na kami" mataray na sabi ni ate chloe habang kumukuha ng bacon.

Tumango naman ako sa kanila at pilit na ngumiti, bumalik na ako sa taas, simula noong bata pa lang ako hindi na nila ako pinapasabay sa hapag, hindi ko alam kung bakit, pero kung ano man ang dahilan ganoon ba kalala?

tumingin ako sa orasan, 7:40 na! 8:00 ang pasok ko!
Kinuha ko na ang tuwalya at pumasok na sa cr.

Napatigil ako sa pintuan ng cr.

"Kalma, 7:40 palang, Kalma xia" pikit kong sabi at lumakad na parang rumarampa.

"Ihhh!!! 20 min nalang!" sigaw ko at dali daling pumasok sa cr.

_______________

"Kasi naman bigat bigat nito, kailangan bang dalahin ang walong libro araw-araw?" nagrereklamo kong sabi habang hirap na hirap maglakad.

Kakababa ko lang ng jeep daig pa mauubusan ng pasahero si manong driver, pinagkasya ang 40 katao. Nakakapit ako sa tali ng bag ko at tumingin sa kaliwa at kanan.

"Ano ba to si kuya sabi ko sa Stone-"

Pagsasalita ko nang mag-isa ngunit may bumangga sa likod ko, tumingin ako kung sino yun ngunit huli na dahil tumatakbo na siya papalayo, mukhang schoolmate ko siya kasi parehas kami ng uniform, panlalaki nga lang yung sa kaniya.

"Ano ba yan" sabi ko saka bumuntong hininga at pinagpagan ang leggings ko, oo may nakailalim na leggings sa maikling palda na suot ko, ang ikli kasi ng palda, kahit nga short hindi ako nagsusuot dahil bukod sa nasasabihan ako nila papa na naglalandi na ay hindi talaga ako sanay noe.

Sa hindi kalayuan nakita ko ang malaking gate na may nakalagay na malaking SU sa unahan, doon pumasok yung lalaki kanina, galak akong lumapit sa gate ngunit noong makita ko na isasara na ni kuyang guard agad nanlaki ang mata ko at mabilis na tumakbo.

TADASHI HEIRESSWhere stories live. Discover now