CHAPTER 2 : Disaster 1.0

8 1 0
                                    

Xianielle Point of View

"Alis" malamig na utos saakin ng lalaking kaharap ko.

kahit puno ng pagtataka ay lumipat ako sa kabilang upuan ngunit lalong sumama ang titig niya saakin.

"Don't wait for me to drag you outside this fucking room" malamig niyang sabi at napalunok naman ako.

Ang ingay ng mga bulungan ng mga classmate ko.
Kahit naguguluhan ay tumayo ako at hinarap siya.

"Saan ako uupo?" nagtataka kong tanong sa kaniya at tinitigan niya lang ako sa mata, hindi naman ako makatingin kaya umiwas ako at kunwaring naghahanap ng mauupuan.

"Pero wala nang upuan", sabi ko pa habang lumilinga-linga at binalik ang tingin sa kaniya ngunit huli na dahil nakaupo na silang anim at ang isang babae ay nakatayo.

"Dito kana umupo", sabi ng babae.

"Hoi hindi puwede ikaw ang mawawalan ng upuan!!" sigaw nang kung sino, nagtataka kong tinignan kung kanino galing 'yon.

"Hoi kai tumahimik ka diyan!" sigaw ng babae sa lalaki.

Kai pala pangalan niya, yung kaninang abnormal kong kasama, wagas makatawa ei.

"Hindi ka puwedeng mawalan ng upuan! ayokong tumangkad ka!" nagmamaktol na sigaw ni kai.

Akma naman siyang babatuhin ng babae ng libro ngunit natigil sila ng magsalita yung isang babae.

"Subukan niyong hindi tumigil kakaltukan ko kayong dalawa", walang ganang saad ng isang babae.

"Oi! dito kana maupo, doon nalang ako", alok pa saakin ng babae saka pumunta sa gawi ni kai.

"Diyan ka na dito nalang ako", masigla niyang saad sabay pinandilatan si kai.

"Anong dito? upuan ko 'yan", nagmamaktol na saad ni kai.

"Ayaw mo 'kong tumangkad diba?", sarkastikong saad ng babae saka ngumisi. Nakabusangot naman siyang tumayo at umupo sa sahig.

"Hindi dapat pinapaupo sa sahig ang cute na katulad ko", mangiyak-ngiyak na saad ni kai habang kunwareng nagpupunas ng luha kahit wala namang pumapatak.

Natawa naman ako sa loob-looban ko, tumingin ako sa bakanteng upuan, katabi ko yung lalaking nagpapaalis saakin kanina, nakatungo siya, may katabi rin akong isa nakatungo rin, hehehe tutungo na rin ba ako?

Wala na akong pagpipilian, kaysa naman umupo ako sa sahig.

Akma na sana akong uupo nang magsalita yung lalaking nagpaalis saakin kanina.

"Try to sit here and you will find yourself outside this fuckin' room" mautoridad niyang sambit habang nakayuko na nakapag pataas ng balahibo ko

Ano bang mayroon sa lalaki na 'to, hays ano ba 'yan hindi naman sa kaniya 'tong bangko, sumimangot naman ako at luminga-linga, wala na talagang upuan.

Nag-angat ng tingin yung lalaki at tumingin sa gawi ni Kai.

"Liazaki, come back to your seat" malamig na sambit nito, nagtatakang ekspresyon naman ang tugon sa kaniya ni Liazaki.

Liazaki raw eh hehehe.

Lumiwanag naman ang mukha ni Kai at ako ito nakasimangot, ginawa niya lang komplikado yung sitwasyon ei hmp.

Padabog na kinuha ni Liazaki ang bag niya at pupunta na sana pabalik sa gawi namin nang may nagsalita.

"Mr. Walton? Ms. Hernandez? what's wrong?" sa itsura niya mukhang ito ang susunod naming guro.

"And you? you must be..." baling saakin ng guro at hinuhuluan pa kung sino ako.

"Xianielle Rae Perez po, Transferee" sambit ko saka ngumiti

TADASHI HEIRESSWhere stories live. Discover now