Xianielle Point of View"What do you think you're doing huh? you're not even in playground para makipaghabulan!" sigaw saakin ni Axel siya lang naman ang natapunan ko ng juice at nabangga pa.
Titignan ko nga mamaya kung may balat ako sa puwit, napakamalas ng araw ko, huhuhu.
Lumapit siya saakin nang galit na galit ang mata na parang bang handa na pumatay.
Napalunok naman ako at aminadong kabado, sino ba namang hindi matatakot sa tingin nito parang kakainin ako ng buhay.
"Why you're so stupid? look what you've done! Inis niyang sigaw saakin, sa sobrang lakas napatakip ako ng tenga, hindi ko naman sinasadya eh.
"Kung wala kang disiplina sa bahay niyo huwag mong dalahin dito!" sigaw niya pa saakin.
"Kulang kaba sa aruga ng magulang mo ha? maglalaro ka sa ganitong lugar, can't you see that there are lots of people here?" dagdag niya pa, nakatitig lang ako sa lapag ngunit nang banggitin niya kung kulang raw ba ako sa aruga ay tinignan ko siya sa mata.
Ang sakit naman neto magsalita, uniform lang naman eh puwede namang labahan.
"S-sorry" nasambit ko at yumuko uli, "Matatanggal ba ng sorry mo ang dumi sa uniform ko?" sarkastiko niyang tanong saka hinubad ang coat, naka white long sleeve na lang siya ngayon ngunit may kakaunting patak pa rin ng juice.
Lumapit pa siya saakin nang mas malapit pa habang hawak hawak ang coat, nanatili naman akong nakatayo kahit nanginginig na tuhod ko, nagulat naman ako nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko, napalunok uli ako at pumikit.
Huwag mo kukunin first kiss ko huhuhuhu.
"Now you're already crossing my path, welcome to hell" malamig niyang sambit sa tenga ko, napadilat naman ako at kung kanina ay tuhod lang ang nanginginig, literal na buong katawan ko ay nangangatog na.
Tumalikod na siya saakin at lumakad, ngunit nang hindi pa siya nakakalayo ay humarap uli siya at hinagis niya ang coat saakin "That's already useless, bagay sayo, you're useless too" walang emosyon niyang sabi saka nagputuloy sa paglalakad palabas ng cafeteria, tumingin naman saakin lahat ng kasama niya at yumuko nalang ako.
Sobrang nakakahiya hayst, titignan ko talaga mamaya kung may balat ako sa puwit!
"Are you okay?" tinignan ko naman si Ash na halatang nag-aalala "O-oo" tanging naisagot ko.
Kung kanina ay parang nagyelo ang lahat ng tao dito dahil lahat tumigil at parang nafreeze sa kinatatayuan ngayon bumalik na sa kaniya-kaniyang ginagawa, pero hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang masasama tumingin, aba malay ko sa kanila.
Kinausap pa kami ng cafeteria's manager, hindi na talaga ako tatakbo uli, nakakatakot yung mga tao rito, nanlalaki yung mata pag nagsasalita parang kakain ng buhay.
"Are you coming with me? babalik na ako sa room" nag-aayang tanong ni Ash "A-ah sige!" nakangiti kong tugon saka nagsimula na kaming maglakad.
"Sorry, if I hadn't chased you, you wouldn't have spilled your juice to him" malungkot niyang saad habang naglalakad kami patungong room, "Ayos lang, hindi mo naman ako hahabulin kong hindi ko sinabi yung Listerine hehehe" sabi ko at agad sumama ang tingin niya saka huminto sa paglalakad kaya huminto rin ako.
"Don't you dare mention that Listerine thingy again psh" naiinis niyang bulalas "O-oo na" nauutal kong saad at nawala naman ang pagka-inis sa itsura niya.
Nasa hagdanan palang kami rinig na ang hiyawan sa room namin, at rinig na rinig ko boses ni Kai.
Ano kayang mayroon? nang sumilip ako sa bintana ay nagtaka ako kung bakit naroon na si Liazaki sa inupuan ko kanina, nakasimangot siya, teka? yung gamit ko?
YOU ARE READING
TADASHI HEIRESS
RandomThere's an ordinary girl who's good in pretending. A jolly and cheerful girl but deep inside she's in pain, but what if she can't pretend anymore and the pain she's hiding suddenly explode? what if her personality changed into a cold and merciless...