1- head turner

7 0 0
                                    

" kuya gutom na ako" ungot ko kay kuya na busy sa pagluluto ng almusal naming dalawa- itlog at sinangag ang paborito ko.

" maluluto na ito baby " aniya sabay kurot sa ilong ko.

Sa edad kong bente uno ay itinuturing pa din niya akong limang taong gulang-- wala namang problema sakin yun dahil sa ganun lang talaga si kuya.

Kami nalang dalawa ang magkaramay, namatay kasi Mama at Papa sa aksidente noong sampungtaong gulang ako-- kinse naman si kuya.

Kaya kami nalang ang magkasama , nasa malayong probinsya daw kasi ang mga kamag anak namin.Maswerte ako sa kuya ko, dahil simula ng nawala sina papa siya na ang kumayod para saaming dalawa- at napagtapos ako ni Kuya.

Dahil sa katalinuhang taglay ko ay nakapagtapos ako na cum laude sa Business Ad-- kaya napadali ang paghahanap ko ng trabaho paka graduate kasi kompanya na mismo ang lumalapit.

Sa Mondragon Corp. Ako ngayon pumapasok-- dahil sa medyo mataas ang sahod ko dun ay si Kuya naman ang pinag aaral ko. Pambawi ko man lang sa lahat ng sakripisyo niya para sakin.

" i love you kuya " yinakap ko siya mula sa likuran. Mahal na mahal ko si Kuya siya ang pinaka the best sa lahat ng lalake na nakilala ko.

Napatawa naman ito at iiling iling na humarap sakin at niyakap din ako.

" naglalambing ang bunso "ginulo niya ang buhok ko. " tara kain na tayo " aniya pa.

Hindi ko totoong kapatid si Kuya Ayden, nakilala lang ni papa ang mama ni kuya noon sa isang salu- salo. Sabi nga ni papa sakin noon na love at first sight daw siya . Noong mga panahon na yun di ko pa alam ibig sabihin noon-- ano bang alam ng isang limang taong gulang tungkol sa love? Namalayan ko nalang naging sila na nang magsama na sila sa iisang bubong, wala namang akong reklamo noon kasi sabik din ako sa isang ina. Si kuya din ay sabik din na magkaroon ng ama at kapatid na babae. Simula noon kami na ang laging magkaramay, prinotektahan niya ako hanggang sa makakaya niya.

~ knock knock ~

Tumayo agad ako ng may kumatok.

Ang aga naman nito? Baka si Aling Emi maniningil ng renta, pero di pa naman katapusan ah?!

" sino ho sila?" Dalawang lalakeng naka suit ang nasa tapat ng pinto namin.

" dito po ba nakatira si Sir Ayden Gustav Rojas " Sir? Kelan pa naging Sir si kuya?

" oo at ako yun.anong kailangan niyo sakin? " di ko man lang napansin na lumalit na pala si kuya samin.

" pinapatawag ho kayo ng Lolo niyo " Lolo? Tinignan ko si kuya na naniningkit ang mata. Nagtaka din siguro siya. Nasa malayong probinsya din ang kamag anak nila kuya. Ang tindi naman ng lolo ni kuya kung ganun kasi buhay pa siya-- sa panahok ngayon ang life span ng tao ay hanggang 60 nalang.

" hindi ko alam ang pinagsasabi mo " ani ni Kuya.

" sumama nalang ho kayo saamin. Iyon ang utos ni Don Recer "

Don Recer ?? San ko ba yun naririnig??

Ah oo sa opisina.

Binulungan ko si kuya na kilala ko amg tinutukoy nila. Tumango naman si kuya.

" kung gayo'y pupunta kami doon, kung sino man yang Lolo ko na sinasabi niyo "

---

Nandito ako sa kompanya namin-- na hindi ko naman madalas puntahan. Mas gugustuhin ko pang mag bar kesa tumambay sa ganitong lugar.

Kanina pa din ako pinagkakatitigan ng mga babaeng empleyado na dumadaan sakin.

Im the head f ucking turner Mondragon.

Pag nakita mo ako sa isang tabi, di mo na mapipigilan ang sarili mong tignan pa ako uli kaya nga "Head turner " Mondragon ang tawag nila saakin.

" this way Sir " nakita ko ang mga bodyguard ni lolo na may kasamang isang lalakeng parang kaedaran ko lang at isang babae na parang nasa mid- 20's ang edad.

Patungo sila sa elevator na para lang sa mga boss ng kompanya.

Ang bastardo ng Mondragon.

Sumunod ako sa kanila at pumasok din sa loob ng elevator.

Yumuko ang bodyguards ni Lolo ng pumasok ako. Umupo ako sa isa sa couch sa loob ng elevator habang nakatingin sa kapatid ko sa labas na mataman din akong tinititigan

" magkahawig kayo " dinig kong bulong nung babae na kasama niya-- isa sa talent ko na kahit sobrang hina na ng pagkabulong ay madidinig ko pa din.

Tumango lang yung lalake at naglahad ng kamay sa harap ko.

" Ayden Gustav Rojas " tinignan ko lang ang kamay niya. Wala akong balak makipag kamay sa isang bastardong katulad mo!

Pagsisisihan mong pumasok ka pa sa buhay namin kahit pa isa kang Mondragon di kita sasantuhin, kahit pa ang babaeng kasama mo na mukhang masarap ikama.

Isang Virgen.

Ako si Apocalypto Vergel Mondragon, wala akong sinasanto kahit sino ka pa.

Sa mundo ko, ako ang batas, kaya ako dapat ang masusunod

Inheritor's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon