Naalimpungatan ako ng alas kwatro ng maaga dahil sa tinding uhaw na nadarama ko.
Agad akong nagtungo sa mini ref sa kwarto ko dito sa mansyon nila kuya ngunit walang bottled water doon at puro soda lamang ang laman.
Kakamot-kamot ulo akong nagtungo palabas ng kwarto ko. Bukas ang ilaw sa kusina ngunit walang nandoon. Agad akong tumungo sa ref at kinuha ang pitsel doon.
" oh your awake already " napasamid ako ng may madinig akong magsalita mula sa kung saan.
Ang inyong lingkod na si Apocalypto, ang aga naman magising ng manyak na ito
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pag ubos ng laman ng baso ko. Inaantok pa ako kaya babalik ako sa pag tulog.
Lalampasan ko sana siya ng hinablot niya ang braso ko
" pag kinakausap kita huwag mo kong basta tatalikuran lang na parang hindi mo ramdam ang presensya ko!" Mariing wika niya. Nangunot ang noo ko.Lakas makaulol ng manyak na ito. Inis kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko at ibinato ito.
Tinitigan ko din siya ng mariin may gusto sana akong isagot sakanya kaso. Hay! Inaantok pa talaga ako.
Umalis na ako sa harap niya. Wala naman na siyang habol na eksena pa kaya nagpatuloy nalang ako sa pagpasok sa kwarto ko.
Naramdaman ko ang biglang paglubog ng kama ko mula sa gilid
" good morning " nakangiting bati ni kuya sakin. Alas otso na ng umaga, wala akong pasok dahil linggo ngayon.
Napansin ko ang tray na hawak ni kuya.
"Aw ang sweet talaga ng kuya ko" touched na wika ko at niyakap siya. Noong isang araw naisip ko na baka bigla nalang akong ihiwalay ni Don Recer kay kuya ay hindi ko masikmura, oo sabihin nating mabait ang lolo niya ngunit dadating ang araw na kinakailangan kong umalis sa puder nila, hindi ko sila kaano- ano
Ni katiting ng dugo nila wala ako.
Hindi lahat ng oras nasa tabi ko si kuya, darating din ang puntong mag aasawa siya-- magkakaanak at hindi na ako ang magiging baby niya. Nakakalungkot isipin pero yun ang nakatakda, hindi pwedeng kami lang dalawa kailangan din namin bumuo ng kanya- kanyang pamilya.
" oh bakit baby?" Alalang tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.
"May naisip lang ako kuya, tara kain" ngiti ko sakanya. Kung sakali man na dumating ang araw na makatagpo na siya ng taong iibigin ay sana meron na din isang taong magmamahal at mag- aalaga sakin gaya ng ginagawa ni kuya sakin.
" total wala tayong pasok ay mag date tayo "
" i love the idea kuya "
Dali-dali akong kumilos matapos kong mag almusal si kuya na ang nagligpit ng kinainan namin.
Simpleng puting tshirt na may nakaprint na "dbest si KUYA", maong shorts at sneakers ang isinuot ko.
Nang makababa ako ng hagdan ay nakita ko si kuya na tumatawa, suot niya din pala ang puting tshirt niya na may nakalagay na "dbest si BABY"- naka khaki shorts lang siya at simpleng sapatos. Kahit na hindi pumorma si kuya ay mapapansin pa din siya--ang kanyang brown na mata, ang kanyang maninipis na labi na pula ang kulay, ang kanyang napakatangos na ilong. Hay! ganoon talaga siguro pag may lahing Mondragon.
" san ang punta ninyo?" Tanong ni Don Recer na papasok sa sala, galing siguro siya sa garden.
" mag dadate kami Lo"
" ganoon ba? you want a driver? " agad na umiling si kuya. Mas maganda mag commute.
" no Lo. Magco-commute po kami"
" i can drive you " mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Apo, ang epal na manyak.
Napansin ko ang pag ngisi ni Don Recer " that's a good idea. You three can bond. Go now "aniya pa habang tinataboy kami
Napangiwi ako sa ideya ni Don. Date namin to ni kuya tapos may biglang asungot? Nakakatamad ng umalis.
"Let's go " ngising asong wika ni Apo. Sarap kutusan ng manyak na ito-- ni ayaw niya ngang madikit kay kuya tapos ngayon sasama?
May pinaplano ang loko na ito panigurado. Makikita niya abg maldita kong ugali pag may ginawa siya. Sobrang pagtitimpi na ang ginagawa ko dahil nakikitira lang ako sa kanila. Huwag lang talaga siyang mag gago ngayong araw-- dahil makukuha niya hanap niya.
Sa oras na manyakin niya pa uli ako di ako magdadalawang isip tawagan ang tropa ko at papabanatan ko ito.
Nagpauna na siyang lumabas, sumunod nalang kami ni kuya.
Halata sa itsura ni kuya na natutuwa siya dahil ngayon niya lang makakabonding ang kapatid niya. Sabagay may magandang maidudulot naman siguro tong date na ito, para sa samahan ng magkapatid.

BINABASA MO ANG
Inheritor's Lover
Random" hindi mo hawak ang nararamdaman mo, hindi mo alam nahulog ka na pala "