" ano ba kasing nangyari sayo kuya?" Grabeng pag alala ang nadama ko ng umuwi si kuya kinagabihan na bugbog sarado.
" napagtripan ako sa labasan ng campus -- aray! Dahan dahan naman "
" naman eh! Anong atraso mo sa kanila para bugbugin ka?" Hindi si kuya ang klase ng tao na mapapa away nalang bigla kaya naniniwala akong napagtripan talaga siya, mga loko yun ginalusan ang gwapong mukha ng kuya ko.
" tanda mo ba mga pagmumukha nila? Ipupulis natin! Hindi sila makakatakas, lalo na pag si lolo na ang gumawa ng aksyon"
" huwag mo ng sabihin sakanya, dagdag isipin pa ko eh!"
" aba eh hahayaan nalang natin na ganyan ang mukha mo na hindi ka makaganti? Kuya naman tama na ang pagiging mabait gayong ikaw na nga ang naagrabyado!" Masyadong mabait!
" oh anyare?" Biglang sumulpot sa kung saan ang manyak na magnanakaw ng bra na si Apocalypto. At ang gago mukhang tuwang- tuwa pa sa nakitang itsura ni kuya.
" tigilan mo ang pagngisi sa nakita mong kalagayan ni kuya! Baka gusto mong magkaganyan din?" Lalong lumaki ang ngisi niya sa sinabi ko.
" oh i'm scared. Hahahhaha -- bagay lang yan nangyari sakanya masyado kasing nagmamagaling ang boyfriend mo " aniya pa. Sa sinabi niya ay parang may alam siya sa nangyari kay kuya. Pinagkatitigan ko siya at iniiwas niya naman ang tingin niya sakin at sumipol pa.
" pre, ang sarap pala ng labi ng girlfriend mo" napatulala ako sa sinabi niya? Ang walanghiya!
" Arissa!" Ani kuya ng nawala na sa harap namin ang manyak na magnanakaw ng bra.
" kuya " kinakabahang anas ko. Pesteng lalake yun! Oo sinabi ko na sasabihin ko kina kuya kung anu- anong pinag gagawa niya sakin pero hindi pa ngayon, kasi wala naman akong ebidensya baka baliktarin niya lang ako pag nagkataon pero ngayong sinabi niya kay kuya ay parang proud na proud pa siya. Bwiset na manyak na yun!
" ah kuya kuha lang ako ng ointment " palusot ko upang makaalis sa harap ni kuya.
" Arissa Venice Rojas !" Patay buong pangalan ko na ang binanggit ni kuya.
Kagat-labing binalingan ko ulit siya ng tinggin sasabihin ko naman ang totoo bakit kinakabahan ako?
" sa oras na sabihin mo sa boyfriend mo ang ginawa ko sayo-- alam mo na ang mangyayari sa inyo dito sa mansyon " mula sa kung saan parang narinig ko si Manyak. Nakakainis di ko pwedeng sabihin ang totoo!
" kasi ku- kuya ano, ahm . Ganito kasi yun . Ah " di ko alam kung anong sasabihin ko! Kainis.
" apo ! Anong ngyari sayo?" Biglang dumating si Don Recer at sinuri ang mukha ni kuya.
Dahil sa biglang pagdating ni Don Recer ay di ko na siya nasagot at mabuti yun para sakin, may pagkamalimutin naman si kuya kaya di niya na yun matatandaan.
Napailing nalang ako habang patungo sa kwarto ko.
Pagbukas ko palang sa kwarto ko ay bumungad na sakin ang nakangising mukha ni manyak.
" peste! Anong ginagawa mo dito?" Inis na wika ko. Huwag mong sabihin na nandito siya para halikan nanaman ako? Tapos hahawakan niya nanaman ang dibdib ko? At nanakawin ang bra ko?
" gusto kung makipaglaro "
" ah laro lang pala-- maglaro ka mag isa mo peste! Ang tanda mo na naglalaro ka pa din?" Naglakad na ko patungong kama ko. Nakakapagod ang araw na ito para saakin kaya gusto ko ng magpahinga. Nahiga na ako at ipinikit na ang aking mata- wala ng ingay kaya baka lumabas na yung manyak.
" dali na - laro na kasi tayo magugustuhan mo ang larong ito " napadilat agad ako ng mata ng marinig ko siya
Peste talaga kahit kelan!
" pwede ba? Pagod ako, kung gusto mo ng kalaro huwag ako- ang daming katulong diyan na pwede oh! "
" i want you to be my playmate, you'll love this game " nakangising wika niya pa. Hindi ko nalang siya inintindi dahil sa di ko na kaya ang antok ko.
--

BINABASA MO ANG
Inheritor's Lover
Random" hindi mo hawak ang nararamdaman mo, hindi mo alam nahulog ka na pala "