Chapter 26

27 2 0
                                    

A/N Dahil sinisipag ako at gusto kong bumawi. Eto na po update ako agad. Sana'y magustuhan nyo. Vote na rin po kayo. :)

Zen's Pov

Naririnig ko ang isang lalaking nag mamakaawang gumising ako. Alam ko at kilala ko kung kanino ang boses na to. Si clark, andito siya ngayon. Malinaw sa utak ko ang lahat. Ang huli kong naaalala ay nagtatalo kami sa bahay dahil gusto ko siyang hiwalayan dahil sa ngyari samin ni kevin. Hindi ko alam kung gaano katagal na ako dito pero sa palagay ko ay hndi pa ito umaabot ng taon. Di padin nag babago ang boses ng taong minahal ko. Kailangan kong mag decide kung anong gagawin ko.

"Momy, mom.. mommy" Di ko alam kung bakit ayan ang nasabi ko. I miss my mom so much. Dala na din siguro ng lungkot at takot ko na gusto ko syang makasama ngayon.

Narinig kong lumabas ng pinto si clark. Narinig kong sumigaw sya at humihingi ng tulong sa nurse. Agad kong naramdaman may kumukuha ng vital signs ko ang daming tao di ko madilat ang mga mata ko. Ano bang ngayayari talaga?

"Ano ang mga sinabi niya?" Naidilat ko na ang mga mata ko tinitingnan iyon ng doctor habang tinatanong si clark.

"Ang sabi nya, mommy wag mo akong iiwan please." Nahihirapan padin akong gumalaw inalis na ng doctor ang maliit na flashlight na nakatutok sa mata ko. Nakakakita ako ng maayos. Gusto kong ngumiti di ko magawa.

Ang daming nakakabit sakin, ano ba ito. Nakakainis na.

"Baka makatulong sa pag galing ni zen kung makita niya ang mommy niya. May i ask, asaan ba ang mommy ni zen?" Tanong ng nakaputing lalaki. Nalungkot ang itsura ni dad.

"M--matagal ng patay ang mommy ni zen. 3 years ago sa isang car accident. Magkasama sila ni zen that night." Napaluha si dad habang kinikwento niya. Oo tama siya that was the most painful experience i ever had. Ang sakit sakit.

"Okay, i understand.  Maybe we should examine your daughter. You know being in a state of coma isnt easy. Madaming possible changes sa patient." Tumango tango lang si daddy.

Napabaling sakin ang tingin ng doctor. "Hija, may nakikita ka ba?" Tumango ako. "May naririnig ka ba?" Tumango uli ako. "Ako nga pala si doctor peter." Emotionless akong tumingin sa doctor. Sinisubukan kong ngumiti pero ayaw ng mga labi ko sibusubukan kong magsalita pero parang tuyong tuyo ang lalamunan ko. "Alam mo ba kung nasaan ka?" And again i nod.

"Ako anak, kilala mo ba ako?" Biglang singit ni papa at bigla akong napangiti at tumango. Nakita ko ang mga saya sa kanyang mga mata.

"Well, magandang sign yun. Mukang mapapabilis ang recovery mo hija. Basta help yourself. Gagaling ka agad." Napatingin lang ako sa doctor. Mukang nasa 30s pa lang ito. Gwapo, nakasalamin, at maputi. Maganda din ang pangangatawan niya. Kung wala siyang suot na uniporme muka siyang model. Ano ba tong nasa isip ko. Kakagising ko lang may pag nanasa na ako agad.

Bigla kong nakita si clark. Nakingiti siya sakin. Wait asan na ung magaling kong kuya? Dipa dapat andito un. Hala naman. Bumalik ang atensyon ko kay clark habang nag uusap si dad at ang doctor. Lumapit siya sakin inaasahan niyang ngumiti ako pero di ko ibinigay sakanya yun.

"Zen, naalala mo pa ako?" Napatingin saamin ang mga nakapaligid. Kita sa mga ngiti niya ang pag asa na tumango ako at ngitian din siya.

"Zenia naalala mo pa ako?" Inulit niya sabay pinilit ang ngiti.

Napailing ako at bakas sa muka niya ang pagtataka.

"Zen ako to si clark." Pinilit niya ang pagtawa at kasabay nun ang pagluha. Muli akong umiling at pinikit ang mga mata ko.

Clark's POV

"Zen, ano ba. Impossibe! Naalala mo ako. Ako si clark. Boyfriend mo." I insisted. Kilala niya ako. Alam kong kilala niya ako. Hindi pwedeng hindi. Pero wala akong nakuhang sagot sakanya. Nakapikit lamang siya na para bang natutulog.

"Wag na natin siyang istorbohin. Let her rest. Maybe that's all she can for now." Tinapik ako ng doctor muka akong tinabunan ng malamig na yelo tuwing nasasagi sa utak ko na di nya ko maalala.

"Lets try again tomorrow maybe may improvements sakanya. Wag ka mawalang ng pag asa she'll be fine." Umalis na ang doctor at wala akong magawa kundi umuwi at mag pakalunod sa sakit. Di niya ko pwedeng makalimutan. Kailangan ko siya. Hindi pwede.

Thinking of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon