Thinking of you

475 3 2
                                    

Si zenia po ang ating bida dito. Isang 1st year college na nerd at sobrang baduy sa pananamit, pananalita, at sa kung ano pa man. School, Bahay, School, Bahay, School at bahay lang ang daily routine niya at walang social life. 

------------------------> Zenia Claud Agron

"Zen, Pakopya naman" Sigaw nung mga kaklase niya na kilala lang siya pag may assignment, quiz o exam.

"Wait lang melvin sinasagutan ko pa." Hay nako nag papauto naman siya sa mga kaklase niyang manggagamit.

"Okay tapos ko na!" Dali daling dinumog ng mga kaklase niya ung papel niya na muntik ng mapunit.

"Tabi nga jan! PANGIT" Napaluha siya, pero pinunasan niya agad ito. Sabi niya sa sarili hindi niyo na ko magagamit ulit!  Ayan nalang lagi niyang sinasabi tuwing naiisahan siya ng mga kaklase niya.

*BREAK TIME*

"Uy zenia, Salamat pala sa sagot kanina hah.." Napalingon siya at ang kumausap sakanya ay si Christine isang anak mayaman, na napaka ganda, hinahangaan at kina-iingitan ng lahat.

"Ahh. Wala un, Okay lang un.." Sambit ni zen.

"Ahmm. Can i join you for lunch?" Sabay smile nito na parang hindi mo talaga matatangihan.

"uhhmm. Ikaw? S-Sasabay sakin? M-Mag lunch?" Gulat na gulat si zen sa narinig. Biruin mo, Napaka sikat na si Christine Huwei Hudson ang sasabay sakanya mag lunch..

"Hmm Oo? Pede ba? May iba ka bang kasabay?" Akmang lulungkot ang mukha ni Christine ng..

"Its my pleassure to have lunch with you" Naiilang na sabi ni zen.

"Ano ka ba Zenia, Wag ka ng masyadong pormal.. Ako lang to" Sabay ngiti ni zen..

Nasisip ni Zenia.. LANG!! IKAW LANG NAMAN ANG ISA SA PINAKA-SIKAT NA NILALANG DITO SA ESKWELAHAN NA TO. 

"So tara na?" Naglalakad sila pababa ng building nila..

"San ka ba usually kumakain?" Tanong ni Christine kay Zen.

"Kahit saan, minsan umuuwi ako." Matipid na sagot ni zen. Kaya dahil dun napaisip si Christine.

Thinking of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon