Prologue

79 24 9
                                    


Prologue


Raiza's POV

Pauwi na kami galing eskwelahan nag lalakad kami papunta sa sakayan ng jeep nang biglang nag salita si Loraine one of my best friend.

"Raiza, may gusto ka pa rin ba kay Jimuel?" tinatanong pa ba yon? tss.

"Tinatanong pa ba yan loraine!? My gad! Siyempre naman OO ang sagot ko duh!" sagot ko sa kanya.


"Sabi ko nga, bat ba ang init ng ulo mo? I'm just asking" sabi niya.


Di ko na siya sinagot nag iinit lang lalo ulo ko pag naaalala ko yung nalaman ko kanina aishhh!


"Guys mag ma-mall paba tayo?" biglang singit ni Wayne best friend ko din.


"Past muna ako Wayne kailangan ko ng umuwi baka pagalitan na naman" paliwanag ko.


Totoo naman kasing papagalitan ako lalo na pag gabi nauwi pero di naman ako Santa duh! siyempre pasaway din minsan pag nasa mood gumala.


Hanggang sama lang ako sa kanila at pa libre. Eh sa wala akong pera di naman kasi kami mayaman may kaya lang. Di tulad nina Loraine at Wayne masyadong ma pera hahaha.


Wala naman kaming ari arian tatlo or yung mga company ganon, di naman kami mayayaman di tulad ng iba naming kaklase.


"Next time nalang din ako wayne mag aalaga pa ako ng kapatid" sambit naman ni loraine.


May dalawa siyang kapatid Jared and Jace. 


Kung tatanungin niyo ba ako, kung may kapatid partly yes. 

"Okay, siguro susunduin ko nalang din kapatid ko" sagot ni wayne.


May kapatid den yan.


Nakarating na kami sa paradahan ng jeep sa palengke, pero mukhang makikipag siksikan na naman kami sa sobrang daming pasahero.


"Guys andami na namang pasahero pero ang unti ng jeep hayss!" dinig kong reklamo ni loraine


Totoo naman kasi ang daming tao lalo na at friday ngayon, awasan den ng ibang studyante at mag tatrabaho.

"Ayos lang yan loraine may makikipag siksikan naman satin eh, diba raiza?" woahh sabi ko na nga ba eh.


"Sabi ko nga, basta ba libre mo ko bukas ng C2 eh hahaha tara na nga!" diba um-oo agad si wayne malakas ata ako sa libre pag dating sa kanya shhh.

---


Nakarating na ako sa bahay namin, simple lang naman ito pag pasok palang ng pinto living room agad ang bubungad tapos sa kanan andon ang kusina at cr.


Sa second floor naman may tatlong kwarto at isang CR.


"Nay! andito na po ako"


"Mag palit ka muna ng damit bago ka kumain ng meryenda" sambit ng nanay ko.


Umakyat na ako sa taas at nag diretso sa kwarto ko simple lang din ito. May double deck na kama, dalawang cabinet na hindi naman kalakihan at study table.


Nag palit na ako ng damit at bumaba para kumain, pag katapos ay umakyat ulit sa kwarto para makapag pahinga.


Grabe kapagod kaya! Ang daming ginawa sa school kanina. Bigla kong naalala yung isa pang nangyari sa school kaya medyo badtrip ako hayss!

I Fell In Love With The Person Who Can't Love Me Back [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon