Chapter 10

7 3 0
                                    

A/n: Mga mahal kong mambabasa Last Chapter na 'to! Epilogue na ang sunod. Enjoy Reading muah...

CHAPTER 10

Raiza's POV

"Sam.." banggit ko sa pangalan ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

Medyo tumaba siya ng konti, pugto ang mga mata na masasabi mong magdamag umiyak.

Napaka amo ng mukha niya ngayon, hindi siya yung Sam na kilala ko na napaka war freak. Ibang iba ang itsura niya ngayon.

"Raiza...I'm sorry," bigla nalang niya akong niyakap at humagulgol ng iyak sa balikat ko.

"Hey, What Happened? Bakit ka umiiyak?" Natataranta na ko dahil napapatingin na samin yung mga taong nadaan.

Kumawala siya sa pag kakayakap sakin at pinunasan ang luha niya bago tumingin sakin, "P-pwede ba tayong mag usap?" Ang mga mata niya'y nakiki usap.

Kaya wala na akong nagawa kundi ang Pumayag nalang. Niyaya ko siya na dito nalang kami mag usap sa room para walang istorbo.

Medyo kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"Ahm ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya pag ka upo namin sa upuan, nasa tapat ko siya.

"Una Sorry sa nagawa ko sayo dun sa Canteen, hindi ko alam na m-may sakit ka pala, sorry talaga." paghingi niya ng paumanhin.

"Ayos na yon." Kung hindi niya din naman ginawa yon baka hindi ko pa alam hanggang ngayon na may sakit pala ako.

"Alam ko na yung tungkol sa pustahan nina Jimuel," nagulat ako sa sinabi niya. Pero pinili kong wag na muna mag salita ang pakinggan nalang lahat ng sasabihin niya.

"Akala ko nung una totoo lahat ng pinapakita niya sakin kasi ang sweet niya eh pero unti unting nag bago yon nung naging close kayo. Lagi ko kayong nakikitang mag kasama. Pero I told to myself na ayos lang yun dahil ako naman ang girlfriend niya," Girlfriend? Sanaol. Pero alam kong ako ang Mahal ni Jim.

"Tapos nalaman ko na pustahan lang pala yon. Kaya sinugod kita sa Canteen dahil sobrang selos na yung nararamdaman ko nung nalaman ko na mahal ka din niya," tumulo na yung luha sa mata niya.

"Kinompronta niya ko nung nalaman niya na sinugod kita at nalamang nasa hospital ka. Pero dahil sa sobrang takot ko sa kanya bigla nalang akong nahimatay at sinugod din dito," napatingin ako sa suot niya at ngayon ko lang napansin na naka Hospital Gown din siya.

"T-tapos nalaman ko na b-buntis pala ako, I'm 2 weeks pregnant at s-si Jimuel ang a-ama." Dun na tuluyang gumuho ang mundo ko.

Buntis siya? At ang malala si Jimuel ang Ama!

"Paano nangyari yon?"

"Nung Birthday Party ko sa Bar, may nangyari samin. Nakalimutan naming gumamit ng proteksiyon." Hinawaka niya yung kamay ko at paulit ulit binabanggit ang salitang 'Sorry'.

"A-ano ka ba ayos n-nayun noh. M-mamamatay na rin naman ako eh. Magiging malaya na k-kayo." Hindi ko na napigilan pa ang luhang gustong kumawala kanina pa.

Ang sakit sakit malaman na yung taong mahal mo ay may anak sa iba. Pero wala naman na akong magagawa tapos na eh, nangyari na.

Ang tanging magagawa ko nalang ay maging masaya para sa kanila.

Ayos na rin 'to atleast isang bagsakan nalang ngayon diba?

Nalaman ko na Mahal niya ako pero nalaman ko din na may Anak siya, at hindi ako ang Ina.

"Sorry Raiza, kung alam ko lang na pustahan lang pala ako edi sana hindi ko ginawa ang bagay na yon. Kahit naman may anak kami hindi mababago yung nararamdaman niya eh. Ikaw, ikaw parin ang mahal niya. Sana mapatawad mo ko, please.."

I Fell In Love With The Person Who Can't Love Me Back [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon