12 March
Dear diary,
Today is the day na naengage si Drux at alam mo ba kung kanino? Sa kapatid ko. I mean sa half sister ko.
Hindi ko inexpect yon dahil simula ng maghiwalay kami ni Drux ay hindi ko naman natanong kung sino ang babaeng nabuntis niya.
Tuwang tuwa pa siya ng makita ako. Siguro dahil hindi niya alam na ako ang dating girlfriend ng lalaking papakasalan niya. Akala niya nagpunta ako doon para supportahan ang engagement nila.
Nalaman ko rin na ex boyfriend pala niya si Kio. Naging maayos naman daw ang breakup nila kaya inimbita niya ito sa Ting Hun.
Tahimik lang si Kio ng magsimula ang ceremony kanina. Hindi ko alam ang nararamdaman niya pero ang nararamdaman ko ay weird and masakit.
Weird dahil alam kong may mga tao doon na alam na kaming dalawa ay ex na pero andito kami at pinapanood ang engagement nila.
Masakit dahil siguro hindi ko inexpect and alam kong mahal ko pa si Drux. Pero wala naman na akong magagawa kaya pinili ko na lang umalis.
Andito ako ngayon sa resort namin sa probinsya dahil gusto ko muna ng tahimik na kapaligiran. Hinatid ako nila mama dito at sinabihan na magpapadala na lang daw muna siya ng tao na magaasikaso ng cafe habang walang ako.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito pero baka hanggang maging maayos ang puso ko.
- Halia
YOU ARE READING
A Cafe Love Story | Completed
Short Storyan epistolary. Started : August 12, 2020 Ended : June 12, 2021 ©2020 by missiccir