ACLS 27

290 12 8
                                    

05 March

Dear diary,

Today is one of the happiest day of my life.

Kakauwi ko lang galing sa birthday surprise saakin nila Kio, Eira, at Sverre.

Grabe akala ko talaga umalis na si Kio. Ikinuwento nila saakin na pinagplanuhan daw nila yun na kunwari umalis na papuntang ibang bansa si Kio para maayos nila ang kanilang surprise.

Hindi lang siya basta birthday surprise.... dahil tinanong na rin ako ni Kio kanina kung pwede daw ba siyang manligaw saakin.

Nakakatawa nga eh kase may pa english accent siya nung sinabi niya to "I really would like to know you better, and I want to ask you if pwede ba kitang ligawan?"

Conyo nga talaga siya. Natawa ako nung una pero ang totoo eh kinabahan ako. Bakit? Kase naisip ko na baka masaktan na naman ako kapag pumayag ako.

Kaya hindi ako pumayag. Okay lang naman daw kase alam niyang kakakilala lang namin.

Halia :)

A Cafe Love Story | CompletedWhere stories live. Discover now