~Meet the characters ~
ALEXA
For 16 years, mag-bestfriends na sila ng kababata nyang si Marco.
Sabay na silang lumaki at kilalang-kilala na nila ang isa't isa. Since magkaka-barkada ang parents nila since college, they'd decided to stay close until they had their own families. Kaya't labis na lang ang tuwa nila ng same year silang ipinagbuntis at ipinanganak ng mga nanay nila.
Silang dalawa ni Marco, they have common interests at halos lahat ng meron sila ay pareho:
- Ninong at ninang niya ang mga magulang ni Marco, at ganoon din si Marco sa mga magulang niya
- They were also born on the same year
- Parehong seaman ang mga tatay nila and;
- Business partners naman sa kanilang maliit na negosyo ang mga mommies nilaKung may pagkakaiba man sa silang dalawa, it would be, Marie-- ang ate ni Marco na 2 years older sa kanilang dalawa, whereas siya ay unica hija ng parents nya.
Pareho rin silang athletic ni Marco.
Yun nga lang ay swimming at basketball athlete Marco habang volleyball naman ang sport na hilig nya.
Also, consistent achiever din siya sa academics. Kahit di masyadong nagre-review, consistent pa rin syang honor student sa klase. Habang si Marco naman ay mas active sa co-curricular activities.
Ang dating carefree world ni Alexa bilang Valedictorian, gumuho pagtungtong nya sa high school nang lumipat sa kanilang school ang kanyang greatest rival sa academics na umagaw sa kanyang trono — si Nathan.
~
NATHAN
Nathan almost has it all. Perfect grades, an affluent family background, extensive academic achievements, and— the looks (mahiyain nga lang).
But he lacks one thing: social skills.
Napaka-mahiyain ni Nathan. Kaya nga hindi ganon karami ang mga kaibigan niya at wala din syang barkada. And he's so well-driven to this studies.
He's the perfect image of your typical campus nerd na matangkad, payat at naka- thick, square-framed na glasses.
Thanks to his introvert personality, kasama na rin sa hakot awards nya ang "Best in Conduct" award every recognition day.
At kalakip ng pagiging mahiyain ang pagiging torpe rin nya...
He was nine when a little mestisa/chinita girl of his age started coming into the huge 3-storey house across their street. Since then, every summer nagba-bakasyon doon ang pamilya ng batang babaeng ito until now na 16 years old na sila.
And yes, he's been crushing on her for 6 years — the only girl he has ever liked his whole life.
Yun nga lang, hindi nya pa rin ito magawang pormahan. Kaya hanggang ngayon ay ligaw-tingin nalang sya dahil ni-magpakilala rito ng personal ay hindi nya magawa.
Hinihintay niya lang itong lumabas sa malaki nitong bahay para maka-sulyap man lang o kung swertehin sya ay bumibili din ito sa maliit nilang convenience store sa harap ng bahay kung saan malimit sya ang tumatao lalo na kapag summer vacation.
Ngayon, nabuhayan siya ng loob nang lumipat na rin sa school nila ang ultimate crush nya.
Yun nga lang, umeksena rin ang campus crush ng buong school nila sa pagkuha sa atensyong matagal nya nang hinahangad mula sa crush nya.
Makakapagtapat pa kaya sya?
~
MARCO
Ang campus heartthrob na best friend ni Alexa.
Sabay na silang lumaki at sobrang close silang dalawa.
Pero ang pinakamalaking sikreto nito... hindi nya alam.
Na simula noong grade 6 graduation ball nila ay crush na crush na siya ni Alexa kaya panay ang pagpigil nito sa kanya pag may babae lumalapit sa kanya at sya na mismo ang nililigawan.
Kaya nga never pa siyang nagkaroon ng girlfriend ay dahil lagi silang may sariling mundo ng bestfriend niya, dahilan para mag-selos ang mga nililigawan niya hanggang sa tuluyan niya nang itigil ang panliligaw sa mga ito.
Alexa has always been a special person to him.
She plays a huge part in his life. Kaya maging siya ay protective din pagdating sa kaibigan.
Maganda naman si Alexa, yun nga lang ay bukod sa pagiging intimidating at over-achiever... she lacks one thing na gusto nya sa isang babae — femininity.
She's not the typical teenage girl na mapapag-suot mo ng short- shorts o palda.
Ang pinakamaikling short na yatang nasuot ni Alexa ay mga 1 inch lang ang angat mula sa tuhod nito. Malimit ay naka T-shirt, tokong, at sneakers or tsineleas lang ito.
Pero ang private world nila ni Alexa, nagsimula nang mawasak mula nang dumating si Niña -- ang ultimate dream girl niya...
~
NIÑA
The girl with a heavenly dimpled smile.
Maganda't mala-anghel ang mukha, maputi ang balat, matangkad, mahinhin, mayaman---
She is every teenage guy's dream girl;
ang babaeng matagal nang hinhintay ni Nathan....
at ang babaeng magpapatibok sa puso ni Marco,Sa paglipat niya sa school nina Nathan, Marco, at Alexa, siya ang pagmumulan ng pagbabago sa buhay ng bawat isa sa kanila.
She will be the start of something new...
The change that shall bring up,
THE GAME PLAN 🎲

BINABASA MO ANG
The Game Plan
Roman d'amourThe class Salutatorian and the Valedictorian always have same goal... But what if this time, it doesn't have to be a one-on-one competition? What if one day, your greatest rival becomes your best ally? Find out in this crazy love square story that s...