"Ouch..."
" 'Di parin magaling ang mga sugat mo?"
"No sir, ang hirap kumain ng ganito."
"Sa susunod kasi wag mong gawing pansalag ulo mo ah?"
Kumakain si Erwin at ang kanyang Ama ng almusal. Isang linggo matapos ang away nila ni Don ay hindi pa rin humuhupa ang karamihan sa mga sugat ni Erwin, iilan lang ang tuluyang nawala. Nakakaramdam pa rin sya ng kirot, lalo na sa kanyang noo kung saan ang mga bukol niya ang hindi pa rin lumiliit.
"Kyut kyut mo anak, para kang demonyito." Pang-aasar ng kanyang ama
"Hindi ako cute 'Tay, Pogi ako" Ang sagot ni Erwin
"Ohh, sige sige. Sabihin mo yan dun sa babaeng nagmura sa'yo tingnan ko lang kung di pa madagdagan yang sugat mo. Hahaha, pumasok ka na nga!"
"Sige po 'Tay"
At umalis na nga si Erwin patungo sa sakayan ng bus. Habang nasa biyahe siya ay iniisip niya ang lahat ng naganap sa araw ng away. Unang una, ano ang relasyon ni Julie at ni Don sa isa't isa. Best Friend nga ba talaga? Baka naman Friends with Benefits? O talaga lang na stuck si Don sa friendzone at umaasa siyang magbabago ito sa darating na panahon? At kung talagang friendzone lang talaga ang estado ni Don kay Julie, bakit naman sila sobrang close sa isa't isa? Nagiinit ang dugo ni Erwin sa inggit..
"Hmm... tatanungin ko na lang si Julie mamaya."
Dumating na rin si Erwin sa school. Tamang tama ang dating niya para sa kanyang first period subject: General Psychology.
"Alright Class, today we will discuss about Freud's Libido theory... Erwin!"
" 'Nak ng..." sabi ni Erwin, na siyang nagulat at natataranta.
Bagamat binansagang nerd si Erwin nang kanyang mga kaibigang malapit sa kanya, hindi siya ang estudyanteng mahilig magparticipate, lalo na sa classroom, tahimik lang talaga siya at hinihintay lang matapos ang klase o magquiz kung saan ipapasa niya lang na walang kahirap hirap.
At dahil nga kahinaan niya ang recitation, nangulelat lang ang ating bida. Napaupo na lang siya at nanahimik na lang. Takip ulo't tinatago ang mukha sa klase.
Pero iisa lang ang nasa isip ngayon ni Erwin.
"Ano kaya ang pwede kong gawin para makuha ko ang atensyon nya?"
Nagmumuni-muni si Erwin sa kanyang klase tungkol kay Julie. Nagiisip siya ng mga bagay na maaring magustuhan ng kanyang crush. Trip niya kaya ang mga bonding moments sa Luneta Park? O mas trip niyang gumimik sa mga bar ng Timog at Eastwood? Mahilig kaya siya sa mga video games? Kung tutuusin ang alam lang naman talaga ni Erwin kay Julie ay ang napakaamo niyang mukha at ang kanyang pangalan.
"Tsk, di maganda 'tong ginagawa ko." Sabi ni Erwin sa sarili niya. "Mahanap nga mamaya si Julie."
Tapos na ang klase ni Erwin para sa araw na ito. Palubog na ang araw at lualamig na ang ihip ng hangin. Pumunta muna si Erwin sa kanyang locker para asikasuhin ang kanyang mga gamit, Habang ginagawa niya iyon ay hindi pa rin maalis sa isipan niya si Julie. Di rin niya maalis sa isip niya ang lalaking nakaaway niya na si Don. Paano kung kasama na naman niya si Julie? Naiinis si Erwin sa lahat ng pumasok sa isip niya, sapagkat lahat ng pangyayari na naiisip niya ay napupunta lang rin sa isang bagay… May relasyon sila Julie at Don. Hindi makumbinsi ni Erwin ang sarili niya sa sinabi ni Julie, “Hindi ko siya boyfriend” sapagkat kitang kita ni Erwin kung gaano kasaya si Julie kapag kasama niya si Don.
Gusto nang sumgigaw ni Erwin, hindi na niya kayang kimkimin ang pagkabadtrip niya. Iniisip na niya na sirain ang mga gamit sa paligid niya, wala na siyang pakialam kung ano pa ang isipin ng iba.
Pero bigla na lang nablanko ang utak ni Erwin sa nakita niya.
Si Julie, magisa lang, nagaayos rin ng gamit sa kanyang locker. Ito na ang pinakamagandang pagkakataon para lapitan ni Erwin si Julie, silang dalawa lang ang magkakauspan
“Hi Julie!”
“Hi Erwin, kamusta naman ang pakiramdam mo ngayon?”
“Ah, ok lang naman ako Julie. Gumaling na ung mga ibang pasa ko."
"Hmm, sige tingnan nga natin kung gumaling na... "
Sinapak ni Julie si Erwin sa dibdib at braso.
"Aray ko naman!" Reklamo ni Erwin.
Tumawa lang ng malakas si Julie at di pinansin si Erwin.
"Hahahaha! Magaling ka na pala ah! Eh bat aaray aray ka pa?"
"Eh ansakit mo kayang sumuntok!" Ganti naman ni Erwin
"Wag ka ngang magreklamo! Buti nga di ka pa patay eh."
Sabay tumawa ang dalawa, kitang kita na tuwang tuwa sila sa pilling ng isa't isa.
"Sana naman makatambay kita minsan Julie.." Banat ni Erwin
"Ganyan ka ba pumick-up ng babae? Nerd ka talaga! Pero sige eto number ko text me later ha?" Tugon ni Julie na may kasamang ngiti.
Nagmistulang tadhana na sana ang nangyari na ito kay Erwin, kasama na niya ang babaeng pinapanaginipan niya gabi gabi at nagkakatuwaan sila. Binigay pa ng babae ang contact niya ng kusa. Isa na ata itong fairy tale, pero dumating na si Don...
"Julie, tara na!"
"Ay. Sige Erwin text me or call me na lang ha." At nawala na si Julie sa paningin ni Erwin
"Hay buhay..." Nasabi ni Erwin sa sarili nya.