"Pare, kalimutan mo na ung babae na nakita mo" agad na sinabi ni Marky kay Erwin
"Timang ka ba? Paano ko makakalimutan ang mukha nyang mala anghel at kutis nyang mas puti sa damit na nilabhan ng tide?" Sagot naman ni Erwin
"Ayan ka na naman sa mga corny na banat mo ee. Sinasabi ko sa iyo ito dahil ang babaeng nabangga mo kanina ay ang muse ng school natin." Paliwanag ni Marky
"O tapos?" iritang tanong ni Erwin
"Tapos may boyfriend na iyon" Mariing sagot ni Marky
"Hindi mo pa rin sinagaot ang tanong ko"
Huminga nang malaim si Marky at biglang inakbayan si Erwin.
"Teka pare, di ba may klase pa tayo? OY!"
"Tumahimik ka na lang at mas mahalaga pa itong sasabihin ko sa'yo kesa sa klase natin"
Bigla na lang tumahimik si Erwin at kalmadong sumunod kay Marky. Tumungo ang magkaibigan sa garden ng eskwelahan. Inangat ni Marky ang kanyang kamay at itinuro ang isang puno ng mangga.
"Gusto mong kunan kita ng mangga?" Pabiroong tanong ni Erwin
Pinikit ni Marky ang kanyang mata para kumalma, pagkatapos ay hinawakan ang ulo ni Erwin at tinututok ang kanyang paningin sa mga taong nakaupo sa lilim ng puno.
"O ayan ang love-of-your-life mo, kita mo ung kasama nya? Big time yan. Tatay niya ay isang matagumpay na businessman. Kaso nalimutan ko ang pangalan, ang nanay naman niya ay isang maimpluwensyang tao at maraming kakilala sa larangan ng politika. Mahirap makabangga ang isang tulad niya pareng Erwin. Kaya kung ako sayo wag mo nang subukang pormahan ang babaeng iyon"
Tumingin si Erwin kay Marky at nagtanong "Bakit naman hindi? Hindi ba niya akong kayang mahalin?"
Napabugtong hininga si Marky "Ang hirap mo talagang kausap. Dederetsuhin kita, wala ka sa ilga ng babaeng iyon. Ikaw lupa siya langit. Kuha mo?"
Nagalit si Erwin sa sinabi ng kanyang kaibigan "T*** I** naman! Anong klaseng pangangatwiran yan pareng Marky? Hindi ba tinuro sa'yo ng magulang mo na ang pag-ibig walang pinipili? Sa una lang raw yang yaman at gwapo, pag naumay na ang babae hahanapin niyan talino. At marami ako nun!"
Nakita na ni Marky kung gaano ka desedido ang si Erwin na makuha ang atensyon ng kanyang crush.
"Pare..." napatigil si Marky nang kanyang mapansin na umalis na ang babaeng gustong suyuin ni Erwin. Ilang saglit lang rin ay napansin na rin ni Erwin ang nangyayari
"Aw umalis na siya...." Malungkot na sabi ni Erwin
"Wag kang mag-alala. Kung yan lang ang problema mo wag mo nang alalahanin yon, dito mo rin siya makikita. Madalas talaga tumambay yun dito." Mahinahong paliwanag ni Marky
"Basta pare" dutong pa niya "Binalaan na kita. Yan ang mga babaeng hindi pumapatol sa kani-kanino lang. Lalo na sa tulad mong Nerd."
"Nagsalita ang G***! Hahaha!" Matuwang tugon ni Erwin "Parang di mo naman ako kilala eh. Basta suyo lang ng suyo bibigay rin yan! Di ba ikaw rin ang nagpayo nun sa akin? Simula bukas men magpapakilala ako sa kanya"
At natapos nga ang usapan ng dalawa. Pero si Marky ay hindi mapakali, meron siyang hindi nasabi . Hindi man lang niyang magawa na sabihin sa kanyang kaibigan ang masakit na katotohanan na nakabalot sa pagkatao ng kanyang crush
"Teka nga lang pare alam mo ba ang pangalan ng babaeng yun? Nabanggit mo nga pala na muse natin siya pero hindi ko siya nakikita." pahabol na tanong ni Erwin.
![](https://img.wattpad.com/cover/2572156-288-k53fbd3.jpg)