DAYLYN's POV
"Sige ipagpatuloy mo pa yang kalukuhan mo, pagnagsawa na ako kakagamot sayo, iiwan na talaga kita" sermon na naman ni ate habang unti-unti ng nadidiin ang bulak na pinanglinis niya sa sugat ko.
"Ate dahan-dahan naman!" reklamo ko.
"Yan, nagrereklamo ka. Eh ikaw lang din naman ang may dahilan kung bat ka nasugatan! Ang angas mo pa!" Hays ang daldal talaga.
"Eh alangan naman hayaan ko yung mga gunggong na yun na bastus-bastusin ako!" sigaw ko kaya lalo niyang diniinan ang paggamot.
"Itigil mo na nga yan" sabi ko sabay kuha ng cotton sa kamay niya.
"Pwede ba Daylyn, itigil mo na yang kalokohan mo. Kaya ka nga namin inilipat dyan sa Axford Academy para malayo sa barkada mo" Here we go again.
"Pero ano, sumunod pa rin sila sayo. Kung hindi mo pa ititigil yang pinanggagawa mo, yan na mismo ang papatay sayo" dagdag niya pa.
"Ate naman, ilang beses ba natin to kailangan ulit-ulitin? Wag niyo akong ilalayo sa kaibigan ko kasi pamilya ko rin sila. Kapatid na Ang turingan namin" sagot ko. Tumitig siya sakin na halatang nagpipigil lang sa pag iyak.
"May pamilya at kapatid bang nangdadamay sa gulo? May pamilya bang namamahamak sayo? Ha?" Hays kahit kailan talaga.
"Ate naman, nagkakampihan NGA kami diba?? Walang iwanan, walang mang iiwan ganun. Pag ako ang napapahamak andyan naman sila para iligtas ako. Ganun yun" pilit ko paring pagpapaintindi sa kanya.
"Walang iwanan? Kaya pati hanggang kamatayan magkasama kayo ganun?" inis niyang sabi pero yumuko siya at di na napigilan ang sariling umiyak. Ganyan siya, napaka OA.
"Ate naman! Buhay pa ako oh!! Para namang gusto mo na akong patayin niyan" pinasigla ko Ang boses ko. Ngunit tinitigan niya lang ako, patay galit na galit na.
"Dun din naman patungo yan eh" Haysss, ang hirap ipaintindi sa kanya.
"Ate naman! Gusto mo naman na akong mamatay eh!"
"Kaya nga ayaw kong sumasama ka sa grupong yan, dahil ayaw kong mapahamak ka, di ko kaya. Paano na kami ni Scarlet?" sabi niya at humagol-gol na sa pag iyak. Niyakap ko siya.
"Ate, mabubuhay pa ako ng matagal na matagal. Mabibigyan mo pa ng kapatid si Scarlet na buhay pa ako. Maabutan ko pa ang anak ni Scarlet, at ang anak sa anak ni Scarlet." hinampas ba naman ako.
"Binibiro mo lahat eh!!" sabi niya na natatawa.
"Hindi biro yun ate" Sabi ko. Ngumiti siya ng pilit at seryoso akong tinitigan.
"Ipangako mo sakin. Please promise me that you'll live long with me and Scarlet" nginitian ko lang siya. Sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
"I promise . I won't leave you and Scarlet" sagot ko. Para naman kumalma na tong ate kong ipinaglihi sa Kdrama.
"Mommy? Tita?" napatingin kami ng sabay ni ate sa may pinto ng magsalita si Scarlet. She's 5 years old. Anak ni ate.
"Oh baby come here. Gising ka na pala" malambing na sabi ni ate sa anak. Tumakbo naman si Scarlet papunta sa monmy niya.
"Tita are you hurt again?" tanong ni Scarlet sakin ng mapansin niya ang band aid sa mukha ko
" Baby girl, I'm not hurt, okay? Nadapa lang si Tita. And you know what? You're mom told me na magso shopping daw kayo mamaya" What a Lie.
"Talaga??!" naexcite naman ang pamangkin ko.
"Yes. So don't worry about me okay?? No one can hurt me" Sabi ko sabay ngiti. Sana nga.
"Promise?" tanong niya. Hays, nagmana talaga sa ina.
"Yes, promise" sagot ko.
"Sige na guys, I have to go. May pasok pa ako sa school. Baby girl, be good okay?" sabi ko at isinuot na ang bag ko.
"Wait, what? Eh nakatulog ka naman ba? Papasok ka pa?" tanong ni Ate.
"Yes my dear Sister, I have to. Kailangan Kong ipass itong project ko or else mapunit ko pa to sayang naman ang effort ng grupo ko" sagot ko tsaka hinalikan siya.
"Okay, ingat ka"
"Yup. Bye" sabi ko bago ako nakalabas ng kwarto.
"Bye tita" sigaw pa ni Scarlet.
Agad na akong sumakay sa sasakyan ko. Yes, I have my own car. If you're asking about my Ate, her name was Airish Davis Morgan, married to William Morgan. Ako naman si Daylyn Davis but I changed my name to Azure, bakit? Bet ko lang. May kuya Luke ako 20 years old, and isa pang kapatid 18 years old. Ako naman ang bunso, 17 years old.
BINABASA MO ANG
The Gangster Queens
Teen FictionThe Angels of Death (TAD) TAD was considered as the queen of all gangsters around the Philippines. Aside from being famous, they were also good at fighting and planning. They were known as 'GIRLS WITH NO MERCY' Maraming gustong magpatumba sa kanila...