Chapter 3

0 0 0
                                    

DAYLYN

Habang naglalaro ako sa Cellphone ko, biglang lumapit si Jhope sakin.

"Ah, Azure, pinapasabi ni Jimin na sabay daw kayong umuwi mamaya" bulong nito. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Abay ewan ko no! Inutusan lang naman niya ako" sagot niya at naglakad paalis. Ang pagtaas ko ng kilay ay isa ko naring way sa pagtatanong ng "Bakit" Tamad akong magsalita minsan eh.

Hinanap ko ang pwesto ni Jimin. Nahuli ko pa siyang nakatingin sakin at nung nakita niyang nakatingin ako sa kaniya, agad siyang umiwas. Huli ka pandak.

Nilapitan ko siya at umupo sa bakanteng upuan sa may tabi niya .

"Jimin bat gusto mo akong makasabay mamaya??" tanong ko sa kanya.

"May sasabihin lang ako" sagot niya at di man lang tumingin sakin. Mas focus siya sa paglalaro ng Candy crush sa cellphone niya.

"Ano namang sasabihin mo?? Aamin ka na ba na crush mo ako??" pang aasar ko. Gusto ko siyang asarin kasi agad-agad namumula ang tenga niya pag naaasar siya.

"Asa ka" sagot niya pero namumula Ang tenga.

"Hahaha Ang cute mo" nasabi ko bigla. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Kahit naman ako.

"Ako ba  ang cute?? Baka ikaw ang may crush sakin niyan Azure" asar niya.

"Oh baby boy ....... Gusto mo sipain kita?" inis kong tanong.

"Galit ka na niyan Azure?? Lalandilandi ka sakin tas di mo ko papanagutan?"

"Aba!! Gusto mo talagang masipa ano?!" sabi ko sabay tayo at sinipa ko ang upuang inupuan ko kanina.

"Eto naman oh di na mabiro. At least now I know that I'm really cute. Ako ang pinakagwapo sa grupong to no" biglang lumaki ang ulo.

"Cute ka naman talaga, pandak ka ehh. Yung height mo yung cute" sabi ko bago ko siya iniwan.

"Aylabyowtow!!" rinig ko pang aasar niya. Asa ka pang sasabay ako sayo mamaya.

After ng class agad akong lumabas ng room, ayoko talagang makisabay kay Jimin, aasarin lang ako  nun.

Pagkalabas ko ng gate , nagulat pa ako ng may Van na huminto sa harap ko. At nagsibabaan ang mga babaeng naka blue. Oh God, ano na naman to?

"Ikaw ba si Daylyn Davis?" tanong sakin nung babaeng may pulang buhok.

"No. I'm Azure Davis" walang pakialam kong sagot.

Agad-agad sana akong nasuntok ng babaeng yun kung di lang naging mabilis Ang pagkilos ko para masalo ang kamao niya. Imbes na suntukin ko siya, sinampal ko nalang siya, sa pisngi. Sayang yung peys nito, sirasira na pagsinuntok ko. Tinitigan niya ako ng masama.

"Wag mo kong titigan ng ganyan, para kang torong galit" sabi ko  sa kanya.

"Anong kailangan niyo?" wala sa mood kong tanong.

"Gusto ka ng Boss namin" sagot niya. Sa bilang ko 15 silang lahat, pero parang non aggressive ata, walang umaatake sakin eh.

"Well pakisabi sa boss niyo di ko siya type" sagot ko sa kanya at pabagsak na binitawan ang kamay niya.

"Wag kang assuming girl. Gusto niyang patayin ka. Isn't that simple?"

"Wow nakakatakot ka naman. Nanginginig ang tuhod ko sa narinig ko. " asar ko sa kanya.  Mas exciting pang makarinig ng announcement kung sinong nanalo sa Miss Universe eh.

"Ang yabang mo" sabi ni Red Hair with blue mask.

"Mayabang ba yan?? Try me para MALAMAN mo kung hanggang saan ang yabang ko" sabi ko at sinipa siya sa tiyan.

Sinubukan nila akong patamaan ng mga sipa at suntok nila . Pero naiilagan ko silang lahat,  ang unfair nito.

"Sumama ka nalang kasi samin" rinig kong sabi nung mukang torong galit.

"Talunin niyo muna kami!" rinig kong boses ni Jean. Thank God, they're here!!

Agad naman lumayo yung labing apat na nangbugbog sakin. Luckily, wala akong tama.

"Ano Daylyn, suntukan na?" tanong ni Nova.

"Tinatanong pa ba yan?" nakangisi kong sagot. Sa bilang ko they were 16, tapos  kami 5 lang??  But nothing is impossible, natalo nga namin yung 35 members ng grupong Black Bertix last month eh. Eto pa kaya? And  puro girls to.

Nabalik ako sa huwisyo nung maramdaman ko ang sampal sa kanang pisngi ko, ang sakit tangina.

"Parang ang saya mo yatang nasampal ako?" matiim ko siyang tinitigan.

"Pero mas masaya kung ganito ang gagawin ko sayo" sabi ko at sinipa siya sa tiyan niya. Namilipit siya sa sakit na nakahandusay sa sahig.

"HOY TAMA NA YAN!!! ITIGIL NIYO NA YAN!!" rinig naming sigaw ng mga Guards. So kailangan chorus ganun?

Agad na nagsisakay sa sasakyan ang mga babae at bago umalis ay nag iwan pa sila ng Death threat.

"Humanda kayo! Babalikan namin kayo!"

"Jusmeyo!!! Nakakatakot ang Death threat ninyo!!! Mas matatakot ako kung ang sasabihin niyo bagsak ako sa Sem na to! Gago!!" pahabol na sigaw ni Remi.

Natawa tuloy kaming apat.

"Kapagod yun ah" reklamo ni Ayah.

"Ang sarap sa feeling, nakapag exercise na ako" sabat ni Nova.

"Yabang amputa" sagot ni Jean sabay irap kay Nova .

"Uwi na tayo" aya ko sa kanila baka magbangayan na naman eh.

This is our life, laging nasasangkot sa gulo, laging may band aid sa mukha, laging putok ang labi. Hindi naman kami natatakot, mas naeexcite pa kami to face new gang groups, yung tipong galit na galit samin, pero wala naman kaming alam. Hindi namin alam kung bakit andaming galit samin, eh  we already hide our identity. Walang takot-takot samin, kasi ang natatakot, ang siyang  mahina. We're strong enough to fight against any of those Gang Groups na willing patayin kami, as long as we're always at each other's back. Willing to rescue any one of us . Because we are the TAD. THE ANGELS OF DEATH.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon