DAYLYN
Pagdating ko sa parking lot ng school, agad akong naghanap ng space para maayos kong maipark ang pulang FERRARI ko. Pagkatapos ay agad akong nagtungo sa Classroom. Ewan ko ba kung bakit dito ako inilipat ni Ate, eh marami din namang Gang Group dito, baka di niya lang din siguro alam.
Agad akong umupo sa upuan ko, and luckily kunti pa lang ang nandito.
"Hoy babae!! Nakipag away ka kagabi?!!" nagulat pa ako sa biglaang pagtanong ni Ayah. Kakapasok palang sa pinto ang laki na ng bunganga.
"Ay, narinig ko na yan. Inaway niya yung gonggong daw dun sa restaurant" sabat ni Remi.
"Papayag ba naman yang matalo at maapi? Ano pa bang iniexpect niyo?" sabat ni Jean.
"Tumigil na nga kayo. Daylyn, umuwi ka ba sa bahay ninyo kagabi?" seryosong tanong ni Nova.
Napakunot tuloy ako ng noo."Hindi bakit?"
"Well, akala ko nabugbog ka na naman ng mommy mo dahil diyan sa kilay mong putok ata na may band aid" sagot ni Nova.
Totoo naman, lagi kaming di nagkakasundo ni Mommy. Lagi niya ring sinasabi na wala daw akong kwentang anak. Even Dad. Pero kahit ganun sila, sinusunod ko pa rin naman ang sinasabi nila lalo na si Mom.
"Leader, andiyan ang sister mong pinaglihi sa demonyo" bulong ni Ayah na halatang nanggigigil.
"Where's Daylyn?" sabi ng empakta Kong kapatid. Siya si Cathleen, Nagsitinginan lang lahat ng classmates ko sakin, walang may gustong magsalita. They know Cath as the school's Queen Bee. Reyna na Bubuyog.
"Hey there you are. Hi dear. I'm just here to check your attendance" sabi niya sakin pagkatapos ay umalis na kaagad. Jusme, kung di ko lang talaga kapatid yun, matagal na yung kalbo. Lagi yung nagsusumbong kay Mom eh. Kala mo naman malinis siya.
"Ano Azure, Bugbugin na nga natin yun nang mag bye everyone na yun" sabi ni Remi.
"Hoy, umupo ka nga. Pag ginawa mo na naman yang gusto mong gawin, magsusumbong na naman yun kay Mom, lagot na naman ako" Oo, minsan na nilang Pinagsasabunotan si Cathleen, but in the end, ako napagalitan.
"Asa ka naman na bubuhayin pa namin siya"rinig kong bulong ni Ayah. If I hate my sister so much, sila they hate her more than a lot.
"Guys please, hayaan niyo na" pakiusap ko nalang sa kanila.
Nagsiupo nalang ang apat sa upuan nila at nanahimik.
"Uy girls!!!!! Andito na pala kayo!!!" Isa pa tong Jin na to, kakarating lang din kung makasigaw kala mo nasa Mars yung kakausapin.
"Himala!! Sorayah is Reading!!!" asar naman ni Jungkook kay Ayah.
"Gusto mong kalbuhin kita? Kita mo ngang nagbabasa diba?!" sigaw ni Ayah. Pikon ehh.
"Abat, matapang ata tong Ayah niyo ngayon?" asar ulit ni Jungkook.
"Jungkook pwede ba?? Nakakarindi yang boses mo eh, baka naman gusto mo manahimik nalang habang buhay?" banta ni Ayah. Kaya ayun, lumayo si Jungkook.
"Hey wait, napaaway yata tong si Azure natin ah" at talagang napansin pa ni RM.
"Sabihin mo samin kung sino Ang gumawa niyan sayo!!!!" punyeta tong pandak na Jimin na to kung makasigaw.
"Azure, sino ba ang naglagay ng Band Aid diyan ha?! Gusto mo balian ko ng buto?!!" galit na sigaw ni Jin.
"SIGE NGA GAGO!! BALIAN MO NG BUTO ANG ATE NITO!!!" sabat naman ni Jean.
"Ay alam mo, ikaw lang ang pilosopa na slow" Jin.
At ayun, nagsagutan pa ang dalawa hanggang sa nainis na ako.
"Pwede ba tumahimik kayo?!!!" sigaw ko at nanahimik naman sila.
"Boys, I just want you to know that I'm fine. " pilit kong kinakalma ang sarili ko.
"Gusto mo resbakan namin sila? Iganti ka namin sa kanila?" seryosong tanong ni Suga. Kaya napatitig ako sa kanya.
"Anong tingin mo sakin? Mahina?" sagot ko.
"Sabi na sayo nasa sementeryo na yung nakaaway niya ehh" rinig kong bulong ni Jhope kay Suga. God, pano ba ako nagkaroon ng ganitong klaseng kaibigan? Ang sasakit sa ulo.
"Umalis nga kayo sa harapan ko, nakakainit kayo ng Ulo" sabi ko sa kanilang lahat.
Umalis nga sila.
Pero nasa likuran ko naman sila. Kabobong mga Bata. These 6 boys are my friends, not just mine, Our friends, Best Friends. Dito lang namin sila nakilala but naging solid agad ang samahan namin. And one thing na napansin ko sa kanila, para silang Gang pero hindi naman daw, they even named their group as Black Gang. And they always wore blacks. Maybe nagpapaka feeling lang sila na Gang sila kasi this school was like a school of Gangs. haha.
BINABASA MO ANG
The Gangster Queens
Teen FictionThe Angels of Death (TAD) TAD was considered as the queen of all gangsters around the Philippines. Aside from being famous, they were also good at fighting and planning. They were known as 'GIRLS WITH NO MERCY' Maraming gustong magpatumba sa kanila...