"HOY WALANGHIYANG ANAK NG GOBERNADOR! HARAPIN MO AKO!" sigaw ko sa lalaking pinagkukumpulan ng mga taong dapat bibili ng mga suman kanina. Hindi ko talaga mapigilang mapasigaw dahil sa galit na nararamdaman ko. Basta, hindi maaagaw ng lalaking ito ang lupa namin!
Alam kong rinig ng tatlong binata ang sigaw ko, ngunit siguro'y hindi nila ito nabibigyan ng pansin dahil sa nagkumpulang mga tao na kaniya-kaniyang tanong kung kamusta ba ang ibang bansa, nahingi pa ang iba ng pasalubong ngunit hindi ko sila pinakinggan.
"Ate sige takbo! Bigwasan mo ng kainaman!" sigaw sa akin ni Carson na gigil na gigil rin sa nangyayari. Kung sana ay sinamahan niya ako sa pagtakbo dito, edi sana may katulong ako. Tiningnan ko siya pabalik habang tumatakbo at nakita ko kung paano hinampas ni Isyang ang braso ng kapatid ko.
Kaagad siyang napa-aray, patuloy akong tumakbo at lumingon sa tatlong lalaki, hindi ko pa naman kilala kung sino sa kanila yung punyetang 'yon. Tsk, bahala na, aawayin ko na lang lahat...tama aawayin ko na lang lahat, tutal magkakabaro naman sila.
Nakarinig ako ng sigawan at napatigil ako, nagsisimula na silang magsigawan dalawa. "Hay nako!" napasigaw ako sa inis, dapat talaga sa dalawang 'to hindi pinaglalapit. Sumulyap muli ako sa mga tao, siguro naman ay hindi pa aalis ang mga 'yon. Masyadong madaming tao ang natutuwa sa kanilang presensya, at tutal anak naman siya ng gobernador, mayayaman at galante, hindi tatantanan ng mga mamamayan ng Lipa 'yan.
"Tsk." dali-dali akong lumakad pabalik papunta sa kanilang direksyon, wala nang masyadong nakakapansin sa kanila at parang lahat ay walang pakialam kahit mayroon nang nang-aaway dito. "Kainaman, ano ba na naman yan?" tanong ko sa kanila. Kaagad akong pumagitna at naghanda sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung away bata ba ito o ano.
"Eh eto kasi eh! Punyetang paamboy pa!" dinuro pa niya si Carson, nakaharap kasi ako sa kaniya at nasa tabi ako ni Carson para awatin siya, baka mamaya magsugudan.
"Ikaw ang basta nanghahampas ng braso! Kung hindi ka lamang babae, ipabubugbog kita sa mga kaibigan ko! NAPAKASAMA NG UGALI MO!" pilit kumakawala ni Carson sa likod ko, halatang gigil na gigil siya. Ganito ang kapatid ko, lalaban kung lalaban, basta tama, 'di to susuko.
"Ang sarap busalan ng bunganga mo.." hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi ni Isyang nang mapatingin ako sa mga taong sumisigaw ng paalam. Kaagad akong napatingin sa papaalis na nga lalaking iwinawagayway pa ang kamay. Hindi maari, HINDI!
Kaagad akong kumaripas ng takbo't hindi na iniintindi kung anong nangyayari. Rinig na rinig ang taguktok ng bakya ko sa daan, hindi ko na din naisip kung matatapilok ako o hindi. Ang mahalaga ay makompronta ko ang anak ng gobernador na iyon na naghahasik angkinin ang lupa namin.
Sa pagtakbo ko ay sa unti-unti nilang pag-alis palayo, ilang metro na lang ang layo ko. "HOY! TEKA HINDI PA TAYO TAPOS!" mas binilisan ko pa ang takbo ko, ngunit paalis na talaga sila. Mas binilisan ko pa ang takbo at nakaabot na ako sa kumpulan ng mga tao, nagsitakbuhan din sila kaya naipit din ako sa gitna. Mas naging sagabal ang mga taong ito na parang nakakita ng artista. "Teka, pausap po, makikiraan po." alam kong natatamaan ko na ng braso ko ang iba, at maari nila akong husgahan kung bakit ganito ako kumilos ngayon. Kilala nila ako sa kalma lamang at kakaunti ang kinakausap, pero hindi ngayon ang pagkakataon para ipakita ang persona kong 'yon.
Mas lalo silang nagsigawan ng inihagis ng isa sa kanila ay naghagis ng kaniyang sumbrero sa mga tao, politiko talaga ang galawan. Nag- agawan sila kaya patuloy nagsiksikan at naipit ako, nakabakya na ako ay hindi ko pa din makita ang mukha nila dahil kaniya-kaniyang taas ng kamay ang mga tao.
"Paalam!" sigaw ng isang lalaki....malalim ang boses at napaghahalataan agad na mayaman ang nagsasalita. Napaka-elegante, mataas at halatang hindi basta-basta. Siguro mas maganda kapag umawit ang ginoo na nagsalita..pero kahit na, wala akong pakialam.

DU LIEST GERADE
Sa Huling Letra ng Ating Kundiman
PoesieEspada at Rosas. Ang hindi inaasahang halik ng determinado, matikas at eleganteng si Consolacion De Sales at ng maangas, mayaman at anak ng gobernador na si Maximino Andres Cagasan ay magdudulot ng balat-kayong pagmamahal sa dalawang taong walang n...