Chapter 6

9 3 0
                                    


Pagkasapit ng hapon, tinext ko ang mga kaibigan ko na naghihintay ako sa lobby. Susunduin kasi kami ni Kuya. Lumipas ang ilang minuto, dumating na sila kasabay ng mahinang pag-ulan. 


"Saktong-sakto." Kenley joked.


"Lul, gwapo na naman hanap." Zaria stated.


"Kuya is taken... I think." I just didn't know the real score between Kuya and Noelle so I decided to say that. It's safe than to say Kuya is single.


"Aww, bigla akong na-broken. 'Di ko na ata kayang makita mukha niya." Drama ni Kenley sa amin habang nakahawak sa dibdib niya.


"Hanap ka nalang ng iba... He's here!" I shouted excitedly ng nakita kong papasok ang sasakyan ni Kuya. Merecedes Benz naman dala niya ngayon kanina kasi McLaren kaya mas nakaagaw atensyon yung kanina.


"Gago ang hot..." Si Kenley. Tinignan ko naman siya habang natatawa. "Nung sasakyan."  Pagdagdag niya nang makita niyang nakatingin ako sa kanya.


Huminto sa may parking si Kuya at lumabas ng may dalang tatlong payong. Well, I will admit na kahit sa pagbaba palang niya ng sasakyan, attractive na.


Nagulat ako nang biglang magvibrate ang phone ko. It was kuya. Sinagot ko naman agad.


"Asan kayo?" He asked.


"Sa may lobby. Sa left entrance." Specific na sagot ko. Nung nakita niya ako pinatay niya nalang bigla ang tawag. Wala man lang goodbye! Psh!


"Hi po..." Silang apat. Halatang nahihiya pa dahil nanahimik sila bigla.


Kuya chuckled na dahilan ng pagkurot ni Kenley sa tagiliran ko! "Hello, Ladies. I'm Ione's brother. Keijel Alvarez." He introduced himself habang ako ay iniinda ang pagkurot ni Kenley sa tagiliran ko. 


"Hoy, anong ginawa mo dito at hindi nagsasalita mga kaibigan mo?" Pagpalo niya sa braso ko.


"Panget mo kasi." Pang-aasar ko sa kanya. Tinignan naman niya ako ng masama. "Joke, nahihiya ata." Tinignan ko ang mga kaibigan ko na nasa likod ko na ngayon. "Luh, may hiya pa kayo?" Pang-aasar ko.


"Guys, sorry ganyan lang talaga kapatid ko. Nauntog kasi nung bata siya kaya hindi matino mag-isip." Sabi ni Kuya na ikinatawa ng mga kaibigan ko. Binigay niya sa amin yung payong at pinasunod sa sasakyan niya. Umupo ako sa passenger seat at silang apat ay nasa likod.


Si Kuya naman feel na feel ang pagiging feeling artista niya. Nginitian niya pa yung mga babaeng nakatingin sa kanya bago pumasok ng sasakyan.


"Ang landi mo." Saad ko sa kanya pagkapasok niya ng sasakyan. Tumingin siya sa akin at pinakita ang middle finger niya. Bwisit!

"Saan niyo gustong kumain ng dinner?" Pagtatanong ni Kuya habang palabas kami ng School.


"Ha? Kakain tayo?" Gulat na tanong ni Kenley. Napatawa ako ng mahina dahil sa reaction niya. Sila Raye naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa sinabi niya.

This Side of ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon