Breeze.
My body froze. My tears stopped. My heart started beating faster. I can't feel my legs at all.
Natulala lang ako sa mga mata niya.
What? What did he say?
"Ano?" sinubukan kong hindi mag- pahalatang natatakot kaya sinabi ko ito sa medyo nang-aasar na tono.
His stare dug deep inside me. Parang kinakain na ako ng kaniyang tingin. His eyes darkened. He touched my cheeks.
My vision started to blur and the lsst thing I remember is that I passed out.
...
"Maayos na po na s'ya Doc?" Narinig ko ang tinig ng aking ina na punong-puno ng pag-alala.
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Ang sakit sa mata ng ilaw. Rinig ko ang mga Doctor at Nurses sa paligid. Pakiramdam ko'y nanghihina ang buong katawan ko. Ang hirap rin magsalita.
"M-Ma..." Hirap kong tawagin si Mama.
"Anak? Anak! Gising ka na. Salamat sa panginoon!" Iyak ni Mama habang hinahalikan pa ang aking noo.
"Kailan p-pa po ako dito?"
"Anak, tatlong araw kang natutulog. Nakita ka na lang ng isang maglilinis sa mansyon ng mga Juarez. Walang malay at nakahiga ka sa sahig." Bakas sa mukha ni Mama ang takot.
"Po? Nasaan po ang kasama ko?" Agad lumaki ang mga mata ko. Iniwan ba nila si Bryce sa loob ng bahay nila?
"Anak?"
"Si Bryce, Ma! May kasama po ako sa mansyon na 'yon! Iniwan n'yo ba siya? Nasaan siya?!" Patuloy kong pagsigaw.
Hindi ko makontrol ang aking emosyon ngayon. Bakit wala si Bryce sa tabi ko?
"Anak, mag-isa ka lang sa mansyon na iyon. Nagtataka rin ang maglilinis kung paano ka nakapasok."
Nagulat ako sa sagot ni Mama. Mag-isa? I am sure that I was with Bryce.
Naramdaman ko ang pagliyok ng aking tiyan, ang sakit talaga ng katawan ko, lalo na ang ulo at tiyan ko.
"Sandali lang po, C.R lang po ako."
Aalalayan pa sana ako ni Mama, pero nagmadali akong lumabas habang tinitiis ang sakit.
Nang makapasok ako sa loob ng C.R, agad akong tumungo sa lababo at naghilamos ng malamig na tubig. Naiiyak ako. Bakit wala si Bryce?
Ang sakit na talaga ng tiyan ko! Paalis na sana ako nang may kumuha bigla ng aking atensyon.
Isang maliit na nakayuping papel ang nasa harap ng pintuan. I didn't notice this before nor someone came in. Nilimot ko ang kapirasong papel at binuksan.
Meet me in the place where we first met.
-Bryce.I felt like my heart was about to explode! He came? When? I didn't even saw him!
As I walk out of the comfort room, I felt a cold breeze that hugged around my waist.
RAXXia.
BINABASA MO ANG
Six Feet Below [COMPLETED]
RomanceAfter all the struggles she has been through, he was there to guide her.