CHAPTER 2

44 8 0
                                    

Stressed.

Dalawang araw ang lumipas, walang pahinga, walang kain, at panay lamang iyak ang aking ginawa. Ako ang nasa tabi ng kabaong ni papa at si Zairus naman ay tinutulungan sina mama mag-atupag ng mga nakikiramay. Si ate, sinugod sa Ospital kagabi dahil nakunan siya ng bata. Next month na sana ang labas ng bata, ngunit dahil sa stress at pagod, hindi kinaya ng kaniyang katawan. 

"Diana... kumain ka na. Hindi matutuwa si tito niyan. Ito, kuhanin mo 'wag mo titigan." ani Zairus.

Naging magkaibigan kami ni Zairus noong kami'y grade 3. Alam ng pamilya ko na matalik ko siyang kaibigan, sa pamilya ko, sobrang close sila ni papa. Parang anak ang turing sa kaniya ni papa, tatlo kaming magkakapatid at lahat ay babae, ngunit hindi na pinagkaloob ng diyos ang isa pang anak kaya naman tuwang-tuwa si papa kay Zairus.  

"Mamaya na lang, Zai. Hindi pa ako gutom." malamig kong sabi ngunit sinubukan ko paring ngumiti. Maya-maya pa'y napansin kong hindi umaalis si Zairus sa aking tabi. 

"Ba't ka nakatungo?--" nagulat na lamang ako nang makita kong tahimik na umiiyak si Zairus. 

Agad akong napatayo at niyakap siya, alam kong mahirap rin ang pinag daraanan niya, itinuring na niyang ama si papa. 7 years ago, namatay ang papa ni Zairus. Isang magaling na pulis si tito Zarex. Pero, ang mga pamilya ng nahuli niya ay may matinding galit kay tito. Nasa bahay ako nina Zai noong mangyari ang insidente. Sa pag kaka-alam ko ay tanghaling tapat noon, kumakain kaming lahat dahil na-promote ang mama ni Zai sa trabaho. Laking gulat na lang naming lahat, nang marinig namin ang malakas na putok ng baril. Hinding-hindi ko talaga malilimutan kung gaano naging miserable si Zai noong panahon na 'yon.

"Zai, tahan na. Sige, kakain na ko. Tara na." Sabi sabay hila kaniya paalis sa may tabi ng kabaong.

...

"Ano na ang balak mo ngayon? Final Defense na natin sa thesis natin ngayong week!" pag-raranta ng kaklase kong si Tan.

"Ah, sige. Ito yung ni-assigned mo sa akin."

Stress na ko. Stress na stress na! Tangina, hindi ako makapag focus. Ngayong linggo ang libing ni papa ay may final defense pa! Naiiyak na lamang ako sa sitwasyon ko.

Aalis pa lamang ako sa kina-uupan ko, nakaramdam na lang ako ng malakas na hampas sa aking mukha.

"ANO BA NAMAN YAN! OO, NA NAMATAYAN KA NA, PERO 'WAG MO NAMAN IDAMAY ANG GRADES KO! TINGNAN MO YUNG GINAWA MONG THESIS! PALPAK! TANGA! ANG TALINO NI TITO DERICK PERO IKAW, ANG TANGA TANGA MO! " nagulat ako sa sigaw sa akin ni Tan.

Agad bumuhos ang luha sa mga mata ko. Hindi ko talaga kaya. H'wag naman.

"Sa tingin mo ba,Tan. Madali lang sa akin 'to? Bakit? Namatayan nga yung tao, ginagawa ko naman yung best ko para i-focus yung sarili ko sa pag-aaral e! TANGINA, EH KUNG IKAW KAYA PATAYIN KO?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-sampal sa kaniya.

"Mahiya ka naman. Kumapal lalo mukha mo noong tinulungan ka ni Papa." Sabay alis ko sa loob ng classroom.

I am struggling right now. I'm stressed out. I'm so exhausted. Bukas, dadalhin na si Papa sa huling hantungan. Can I really do this? I promised Papa that I'll be a successful surgeon. I have to do this.

RAXXia

Six Feet Below [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon