Chapter 11

301 12 1
                                    

Ampucha narinig nya yon?!

Naging tahimik ang buong kwarto

"Hehe so let's call it a night? "Medyo awkward na sabi ni Summer

Hindi siya nagsalita pero nakatingin parin sya saakin

Gusto ko sanang sabihin na 'Ano ba tingin ka nang tingin?! Test paper ba ako ha?! '

Pero syempre hindi ko ginawa kasi baka bawiin yung deal lagot ako kay Summer nito

Nakatitig parin sya kaya yung secretary na nya ang sumagot

" Yes.. Thank you so much for uh.. Accepting the deal. "Aniya habang nakangiti

Sabay kaming tumango ni Summer

" Uhmm excuse me I have something to do so I will go now I am looking forward to our cooperation and plans together. "
I excused

Tumayo na ako at naglakad palabas ng office ni Summer. Pagkalabas na pagkalabas ko ay huminga ako nang malalim.

I survived. Effective naman yung pag-momove on ko haha.

Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang one at sumara na ang elevator

Pero bago sumara may humarang na kamay para i-prevent ang pagkasara nito without looking who it is pinindot ko kaagad ang open button para makasakay siya

Pagkabukas na pagkabukas ay bumungad saakin ang mukha ng secretary ni Mr. Matteo at hingal na hingal pa

At nagmamadaling pumasok si Mr. Matteo sa loob. Wala naman problema sa part ko yon pero kataka-takang hindi pumasok ang secretary nya

Magsasalita na sana ako nang biglang sumara ang pinto ng elevator

Edi hindi nalang ako nagsalita baka mapahiya pa ako. Nilabas ko nalang ang cellphone ko at syempre nag-cellphone

Habang may kinakalikot ako sa phone ramdam ko ang titig nya saakin

Puro ka naman titig! Sarap mong sapakin kaya di ko na natiis na harapin at tanungin sya

"Mukha ba akong test paper? " I asked while raising my right eyebrow

"No." Maikli nyang sagot

Pa-cold type pa ang hayop

"Yon naman pala pala eh bakit titig ka nang titig?" I snapped

"Because.. "

"Because what?! " Naiirita na ako

He sighed

Wow sya pa tong nauubos ang pasensya eh sya nga tong titig nang titig kanina pa Tss

Di sya nagsalita  kaya tumahimik nalang ako at hintayin na bumukas nalang elevator

Maya-maya tumunog na ang elevator tsaka bumukas na ito

Lumabas na ako syempre ayoko na talaga sya makasama sa elevator natutunaw ako pag-kasama ko sya

Habang naglalakad ako papunta sa exit may humawak bigla ng wrist ko

"Wait you're asking kung bakit ako nakatitig ako sayo. "

Hindi ko sya nilingon at tinanggal ang pagkakahawak nya sa akin

"Kalimutan mo na yon, hindi naman importante yon para sagutin mo. "

Naglakad na ako ulit pero hindi pa ako nakakalayo sakanya narinig kong nagsalita sya

"Kaya kita tinititigan kasi nai-imagine kita bilang future mother ng magiging anak ko. "

Seducing her crashed  heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon