Prologue

668 25 0
                                    

14 years ago...

"Hoy ano ang ginagawa mo dyan? "

Napatigil ako sa ginagawa ko nang may tumawag saakin

Nang tignan ko yon nakita ko ang isang batang babae na nakasuot ng bestidang puti.

She got this cute blue eyes that caught my attention at nakakatuwang tignan ang mukha nya. Ang ganda ganda naman nya.

"Anong ginagawa mo dyan? "Ulit nyang tanong saakin

Di ako nagsalita instead bumaba ako sa puno.

" Ano na bakit di ka sumasagot di ka ba nakakapagsalita? " Tinarayan nya pa ako

I find it cute though

"Haynako mukhang wala naman pala akong kausap dito. Makaalis na nga. " Nagsimula syang maglakad palayo saakin

Agad kong hinawakan ang braso nya para mapigilan sya

"Ano ba bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas nya saakin pero nabigo sya.

I slightly tightened my grip pero hindi masyadong mahigpit kasi baka masaktan sya.

"Stay." Sabi ko

Tumalim ang tingin nya saakin

"Ano ako aso? I'm too beautiful to be a dog. But kung cute yon pwede pa. " Binawi nya bigla ang braso nya

"Nah you're too pretty to be a dog. " I said while smiling at her

Agad naman namula ang buo nyang mukha and I just can't help but put my palm on her cute cheeks.

"Paano mo nagagawa yon? You can be pretty and cute at the same time. " Wala sa sariling sabi ko.

"W-well i-it's part of our genes." Aniya at tinabig ang kamay ko at tumakbo palayo

Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa makita kong wala na ang bulto nya.

Napailing-iling ako at umakyat ulit sa puno para ipagpatuloy ang ginagawa ko

Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko nang may sumigaw ulit na kumuha ulit ng atensyon ko.

"Hooooooyyy!!! "

Tinignan ko kung sino yon at nakita ko ulit sya

"O bakit? "Tanong ko

Instead of answering me, to my shock she climbed up like a pro.

Nanlalaki ang mata ko nang tignan ko sya

Nang makaakyat sya tinignan nya ako

" What? " Sikmat nya saakin

"You can climb? "

"So? Ikaw lang ba may karapatan na umakyat sa puno?"tinaasan nya ako ng kilay

I just shrugged my shoulders at pinagpatuloy ulit ang ginagawa ko

" Ano ba yang ginagawa mo?"

"Pintuan." Maikling sabi ko

"Ah okay. " Sabi lang nya at nakita ko sa gilid ng mata ko na may kinukuha sya sa bag?

Ngayon ko lang napansin yon

Tumigil ako sa paggawa ng pinto at hinarap sya

"Ano yan? " Kuryosong tanong ko

"Fairy lights. "

Tumingkayad sya at sinabit yon sa may pader

"O ayan para may buhay naman. " Aniya at sinaksak ang fairy lights sa may extension

Seducing her crashed  heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon