Thirty Five

1.3K 66 27
                                    

Althea's POV

Lunes ng umaga ay antok na antok ako. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kay Denise a.k.a. Drake. Lalo na ang mga sandaling pinagsaluhan namin. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari sa amin sa may laundry area ng bahay niya. Sobrang pinagod niya ako. Tapos ako naman itong tanga na naging sunod sunuran sa mga nais niya.

Sabado ng gabi ay sa bahay na ni Itay kami natulog ng anak ko. Narinig ko rin kasi kay Tiya Romina na umalis ng bahay si Drake sakay ng sasakyan niya. Tila hindi pa ito bumabalik dahil hindi ko nakita ang sasakyan niya kaninang umaga na nakapark sa harap ng bahay niya. Medyo naiinis ako dahil hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Oo nga pala.. Wala naman akong karapatang alamin kung nasaan siya. Ano bang ipinaghihimutok ko? Inis na ibinaling ko na lang muli ang pansin ko sa trabaho.

"Wow! Ang pogi naman ng bisita ni Sir Arjay. Parang siyang foreigner." Rinig kong sabi ng tila kinikilig na ka-officemate ko na si Olivia.

"Oo nga grabe! Maskulado at ang yummy pa!" Sabi naman ni Tricia na sobrang kinikilig din.

Lumakas tuloy ang tahip ng dibdib ko.  Magkaibigan kasi sina Sir Arjay at Drake. So malamang na si Drake ang tinutukoy nila.

"Hello! Kamusta?"

Napabuntong hininga ako dahil confirm na siya nga ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Hindi ako nag-angat ng tingin. Sa halip ay nagbusy-busyhan ako sa trabaho.

Magkasama nga sila ni Sir Arjay na ngayon ay busy sa kausap sa mobile phone nito.

"Hi Ms. Beautiful!" Bati ni Drake sa newly hired na clerk na si Erin Garcia.

Angat ang isang kilay na napatingin ako sa kanila.

"H-hello Sir! My.. my name is Erin." Halos himatayin ito sa kilig.

Ugh! Malandi!! Sarap nitong sabunutan.

"Oh! Hi Ms. Erin. Nice name huh? How are you?"

"I'm fine Sir. You're so handsome po and super cool."

Tuwang-tuwa ang loko na biglang napadako ang tingin sa akin. Hindi ko iyon inaasahan kaya bigla akong napa-iwas ng tingin sa kanya.

"Yeah right! I'll check to my mail." Rinig kong sabi ni Sir Arjay sa kausap sa phone. Dire-diretso ito papunta sa loob ng kanyang opisina. Habang si Drake ay naiwan sa hall way na tila nakamasid pa rin sa akin.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang maramdamang papalapit siya sa akin at tumigil sa harap ng table ko. Ramdam ko rin na pinagtitinginan na kami ng lahat ng naroroon.

"Uhm! Ma'am Althea pinapabigay po ni Sir Gilbert." Iniabot sa akin ng office girl ang coffee na may tatak ng isang kilalang coffeeshop sa loob ng mall. Pagsulyap ko rito ay itinaas nito ang hawak rin nitong coffee na kapareho sa iniabot sa kin.

"Thank you!" Sabi ko rito. Ngunit nang iinumin ko na ay kinuha itong bigla ni Drake sa kamay ko.

"Akin na lang ito. Ibibili na lang kita ng panibago mamaya." Anitong kumindat sa akin.

Haist! Bwisit talaga! Sinamaan ko siya ng tingin. "Sa akin iyan! Ibalik mo yan sa akin."

Ngunit tinawanan lang ako nito at umalis na bitbit ang kape ko. "Haist!"

"Ms. Althea bisita ni Sir Arjay iyon. Grabe ka girl!" Si Aldrin na baklita ngunit natahimik bigla nang samaan ko rin siya ng tingin.

Napailing lang si Gilbert na nakatingin sa direction ko.






Drake's POV

Ilang araw din akong namalagi sa bahay ni Arjay. Panay gala kami then pub naman sa gabi. Naghuhunting ng chix for him.

Unkabogable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon