Sixteen

3.1K 111 31
                                    

Meme V's POV

Simula nang makabalik kami ng Manila galing Davao ay tila sinunod na nga ni Ate Girl ang pag-agwat sa akin. Bumabati siya at pinagtitimpla pa rin ako ng kape. Ngunit hindi na siya masyadong tumitingin sa akin. Medyo nakakapanibago kasi wala na yong mga sweet smile niya sa akin sa tuwing nagkakasalubong ang aming mga tingin.

Nagkataon na maraming customer ngayon sa salon kaya tumutulong na rin si Ate Girl. Nagbabanlaw siya ng mga buhok ng nagpapatreatment. Ang iba kasing mga vakla ay may mga booking sa mga event ng weddings at birthdays somewhere bilang mga make up artist eklabu! Kaya kinulang kami ngayon sa tao. Minsan ay nangingialam na rin ako para lahat ay maasikaso namin sila.

"Ate Girl may delivery raw para sayo!!" Hiyaw ng baklang si Juliana na isa sa magagaling ko na mang-gugupit at sa pedicure na rin. Sabay lingon ko sa delivery boy na may hawak na isang napakagandang arrangement ng bouquet of flowers.

"Hmm.. Kanino daw po yan galing Kuya?"

"Hindi ko po alam Ma'am. Basahin nyo na lang po ang message sa card."

Pagkapirma ni Ate Girl ay nagpasalamat na siya rito bago tumalima palabas.

"Hoy! Kanino galing? Kakainggit ka naman ate girl." Sabi rito ni Negi na may paghampas pa sa dalaga. Patay malisyang napapatingin lang ako sa kanila.

"Hmp! As usual kay Tom."

"Ayiih! Pogi naman ah. Bakit hindi mo pa sagutin?"

Hindi ko alam ngunit biglang tumalon ang puso ko nang hindi sinasadyang magkatinginan kami.

"Malapit-lapit na Mamang Negi." Aniyang pilit na ngumiti saka nag-iwas ng tingin sa akin.

"Pabebe ka pa talaga huh! Haba ng hair mo. Kaloka ka!"

"Siyempre noh! Kung talagang seryoso siya maghihintay siya."

Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntong hininga. Ang dapat ay maging masaya ako ngayon para sa kanya. Subalit parang may mali sa akin na hindi ko maintindihan.

May mga time na gusto kong magpapansin sa kanya. Kaya ako palaging nagpapatawa. Then nakikita ko naman na tumatawa rin siya sa mga jokes ko. Pero parang normal na lang sa kanya iyon. Kasi wala nang eye contact sa akin. Teka! Bakit ko ba iniisip ang babaeng iyon? Erase-erase!!! Naloloka na ako! Jusko!



Jade's POV

Pansin ko na panay ang sulyap sa akin ng bestfriend kong si Bianca. Nakakabother na ang mga tingin niya. Kaya hinarap ko na siya. "Yes B?" Taas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.

"Bestie inlove ka ba? Hindi mo man aminin pero parang iba ang glow ng mga mata mo lalo na this fast few weeks."

Minsan ay parang nakukunsensya na ako dahil sa paglilihim ko sa bestfriend ko. Ano kaya kung aminin ko na lang sa kanya? Pero unfair kay Thei-thei. Dapat ipaalam ko muna sa kanya.

Speaking of her saktong dumaan ito kasama ang mga kaibigan niya. Sinulyapan niya lang akong sandali at nginitian. Habang ako ay hindi maalis ang tingin sa kanya. Nakahabol ako ng tingin sa kanya hanggang sa makalayo sila.

"BINGO!!" Pang-gugulat sa akin ng bestfriend ko. Nakamasid pala ito sa akin kanina pa. "Jusko! Sinasabi ko na nga ba eh. Ano nabaluktot ka na?"

"B tumigil ka nga! Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Sige lang magdeny ka pa Jade Denise! Akala mo hindi ko napapansin ang malalagkit nyong tinginan?"

"B may makarinig sayo. Tumahimik ka nga diyan!" Kami lang dalawa ngayon ang magkasama. Ang iba kasi ay napagpasyahang tumambay sa library.

Unkabogable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon