Eleven

2.8K 106 44
                                    

Althea's POV

Nakatambay ulit kami nina Angge at Sheena sa Cafeteria nang maulinigan namin ang malakas na tawanan ng isang grupo ng kababaihan na paparating sa bungad ng nasabing kainan.

"Pasalamat ka Jade babae ako. Kasi kung naging lalaki lang ako. Naku! Hindi kita tatantanan mapasagot ka lang na babae ka."

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko iyon. Parang nais kong balian ng buto ang kung sino mang nilalang na lumalandi sa girlfriend ko.

"Tigilan mo nga ako Chloe. Hindi ako pumapatol sa pandak."

Ang lakas ng naging tawanan nina Bianca at ng dalawa pa nilang mga kasama.

"Kanina pang natotomboy yang si Chloe sayo bestie. Ang blooming mo raw kasi. Inlove ka ba?"

Napatawa lang ang babaeng tinutukoy nila na waring may crush nga sa girlfriend ko. Kasi iba itong makatingin kay Denise. Landi! Sarap lang sabunutan.

Pagsulyap ko kay Denise ay napatingin rin siya sa akin. Ngunit agad rin siyang nagbawi ng tingin. Siguro ay para hindi makahalata ang bestfriend niya. Mas malakas kasi itong makaramdam dahil kilalang kilala na siya nito. "Uhm! Kanino naman aber? Ikaw talaga B. Kung ano-ano napapansin mo sa akin."

"Girl totoo nga na blooming ka. Ang ganda-ganda mo na nga ay parang mas lalo ka pang gumanda." Sabi naman ng isa na Betina ang name. Kilala ko siya dahil minsan na itong sumali sa beauty pageant sa school. Maganda rin siya sexy at matangkad.

"Girls sorry pero kuripot ako. Kay B kayo magpalibre. Huwag sa akin." Aniyang natatawa sa mga kasama niya.

"Hmp! Ang sabihin mo inlove ka lang talaga." Biro ng isa pa nilang kaibigan. I think Joana ang name niya. Isa kasi siya sa mga varsity player ng volleyball sa loob ng campus. Medyo chubby pero cute ang face niya. Sakto lang ang height hindi katulad ng malanding Chloe na pandak. Hmp! Pero infairness cute din ito. Kamukha ni Barbie Fortesa.

"Ang ganda ni Jade ah." Biglang saad nitong katabi ko na si Sheena. Samantalang si Angge ay napatingin lang pero no comment ang peg niya.

"Maganda naman talaga siya." Wala sa sariling nasabi ko kaya sabay pa silang napatingin sa akin. Bwisit! Baka makahalata sila. Pakiramdam ko kasi ay biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko. "Bakit totoo naman ang sinabi ko. Nakaka-intimadate pa nga ang kagandahan niya kung minsan."

"Maganda ka rin naman Cha. Jusko! Patay na patay nga sayo ang crush mong si Pat. Teka! Speaking of him. Nasaan siya, bakit hindi sumabay na maglunch sa atin?" Si Angge na nagpalinga-linga ng tingin sa paligid.

"Umuwi muna sa kanila. Dumating raw kasi ang Ate niya from Paris." Sagot ko na ang tingin ay nakatutok sa babaeng pasimple ring sumusulyap sa akin. Nakaupo na siya sa table dahil si Bianca ang umoorder ng food niya sa counter.

"Isinasama yang si Cha ayaw naman niya." Si Sheena sabay irap sa akin.

"Huh? Hindi pwede noh! Bakit boyfriend ko ba siya?"

Nagkatinginan silang sandali then tumingin ulit sila sa akin. "Bakit parang feeling ko iniiwasan mo na si Pat huh Cha?" Tanong sa akin ni Angge. Siguro ay napapansin na talaga nila na hindi ko na masyado pinagpapapansin si Patrick.

"Hmm.. Maybe hindi ko na siya crush?"

Muli silang nagkatinginan sabay baling ulit sa akin. "Eh sinong dahilan ng pagiging masayahin mo? Palabati ka at parating nakangiti." Si Sheena naman itong nagtanong.

"Kailangan ba palaging may dahilan? Tss! Kayo talaga!"

"Hi! Ikaw ba si Cha?" Nakangiting tanong sa akin ni Betina. Hindi ko namalayan ang paglapit nito sa akin.

Unkabogable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon