4: Forest

5 0 0
                                    


"Pakawalan mo kami g*go ka!" Malakas na sigaw ko habang nagpupumiglas dahil ako ay nakatali.

"Tumahimik ka nalang Cassandra Del Monio" Sabi ng terorista habang nililinis ang baril na hawak niya

"A- Ate?"

"Sandra! Gising kana?"

"Ate, anong nangyari?"

"Ewan ko dito sa lalaking toh''

"Tumahimik nalang kayo kung gusto niyo pangmabuhay"

"Sino kaba talaga kasi?!"

"Wala na kayong pakielam kung sino ako"

"Mamatay kanang hayop ka!"

"Tsk"

Umalis na lamang ang teroristang hindi man lang nagpakilala sa magkapatid at tinawag ang mga kasamahan nito. Lumabas ito ng bahay kung nasaan sina Cassandra at Sandra, pagkatapos lamang ng ilang minuto ay nandyaan na ang mga kasamahan ng terorista.

Nagulat ang mga kasamahan ng terorista dahil kilala nila ang magkapatid na ito.

"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ng isa sa mga terorista.

"Nabihag ko lang naman ang mga demoniong ito."

"Ang galing mo naman Osc--"

"Tigil! Huwag na huwag kayo magbabanggit ng kahit na anong detalye sa dalawang ito. Delikado, lalo na ang mga pangalan niyo. Is that clear!?"

"Sir, Yes, Sir!" Sabi ng mga terorista

"Sir ka pala nila? Hindi halata!"

"Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan!"

"Kung sasaktan mo ako edi go!"

"Uunahin ko 'tong kapatid mo"

"Subukan mo! Magkakamatayan talaga tayo dito!"

"Magkamatayan na kung magkakamatayan ang mahalaga matigil na ang kademoniohan niyong magkapatid."

"Pakawalan niyo kami at walang masasaktan sa inyo."

"Manigas ka!"

"Hayop ka talaga!"

"Eh Sir, ano po bang gagawin niyo sa magkapatid na 'yan?" Tanong ng isa sa mga kasamahan ng terorista.

"Malalaman niyo din. Kilos na! at dalhin na silang dalawa doon sa may isang kwarto!" Utos ng terorista sa mga kasamahan.

"Sige Sir!"

Inilipat na nga ang magkapatid sa kabilang kwarto. Ang kwarto na pinaglipatan nila ay mas maayos kesa sa isang kwarto kung saan sila nadoon kanina. Nagtaka ang magkapatid dahil ang sabi ng terorista ay pahihirapan sila ngunit bakit sila inilipat sa mas maayos na kwarto? May malalambot na kama at maraming pagkain.

"Bakit kaya kami nandito?" Tanong ni Cassandra sa sarili.

"Dito na muna kayong magkapatid, dito na kayo matulog at magpalipas ng oras. Kumain nadin kayo." Sabi ng lider nang mga terorista

"Bakit niyo kami inilipat dito?" Tanong ni Cassandra.

"Alangan patulugin namin kayo doon eh madumi at mabaho kaya dun" Sagot ng isang terorista.

"Ah okay" Sagot ni Cassandra habang nakatitig sa lalaking sumagot sa kaniyang tanong. "Gwapo siya" bulong ni Cassandra sa sarili, ngunit narinig pala iyon ni Sandra.

"Ate!? What did you just say?!"

"Nothing Sandra!"

"Tanggalan na ng mga tali 'yang magkapatid at pakainin na! Bantayan din silang mabuti at huwag hahayaang makawala" Utos ng lider na terorista.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now