CHAPTER 002

19 0 0
                                    

Andrei's POV:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Andrei's POV:

I can't believe that I am a classmate of Alexier.

I thought she is an ABM student based on how she looks. She is wearing a coat as a typical businesswoman does.

Hindi ba siya naiinitan sa suot niya? Her coat is paired with high-waisted jeans and white shoes.

Mukhang malalim ang kaniyang iniisip. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang nakasuot ng earphones, kaya nga hindi ko siya makausap.

Balak ko sana siyang kausapin tungkol sa mga rules and regulations dahil part yun ng orientation niya. Mukhang mamaya nalang siguro sa canteen.

Dumating na ang unang guro naming sa Media Information si Miss Sablawon. May kaliitan ang kaniyang height pero isa siya sa pinaka-strict dito sa university. Hindi naman siya terror, strict lang.

"Good morning everyone!" bati niya.

Mukhang hindi pa niya nakikita si Alexier kaya naman kinalabit ko na ang katabi ko at itinaas ko na ang kamay ko upang "Ma'am andito na po si Miss Hanagata." Pagbibigay alam ko.

"oh! Oo nga noh? I thought next week kapa papasok Miss Hanagata?"

"personal matters prof." sagot ni Alexier. Mukhang matino naman siyang kausap pag-ibang tao ah? E kanina pambabara lang ginagawa nito o di kaya naman di sumasagot.

-_-'

Ang unfair ng babaeng to.

"Okay. Just like we used to, introduce yourself." Tumayo na si Alexier.

"Dito ka sa harap para makita ka ng mga kaklase mo." May ibinulong si Alex pero mukhang siya lang ang nakarinig.

"Hi. I'm Alexier Hanagata." Aalis n asana siya ng-

"Miss Hanagata, your age and something interesting in you."

"Yeah, aside from your bitch face." Chloe said.

Baliw yun ah.

Si Hanagata may bitch face dahil nga sa wala kang makikitang emosyon kundi and pagiging bored lang nito, pero na kay Chloe naman ang attitude. Hmp!!

Mukhang narinig naman ni Alex ang sinabi ni Chloe pero halatang wala itong pakialam.

-_-

"I'm Alexier Hanagata. Seventeen years old, and my presence is enough to make you interested in me." Napa oooh naman ang mga kaklase naming.

Ayus yun ah HAHAH. Tama nga naman siya, kasi kanina pa parang gusto na siyang makilala ng iba. Pati ako nagiging interesado sa katauhan ng babaeng to.

Magsasalita pa sana si Ma'am ngunit mukhang aandito na naman tong mga human-megaphone na obsess, kanino pa nga ba obsess ang mga to kundi sa grupo nina Zack. Parang di naturuan ng good manners and right shouting ang mga to ah. Kung makasigaw parang wala ng bukas.

Dumaan sila sa gilid ng room namin. Alangan naman sa harap? Edi napagalitan sila ni Ma'am -_- charot lang.

Nakabalik na si Alex sa upuan kaya walang nagawa si Ma'am. Hanep nalingat lang saglit e! Nagsimula ng magturo si Ma'am. Actually, parang nagrecap lang siya ng mga lesson last week. Makakahabul naman siguro tong si Alex.

"---wala ka dito last week Miss Hanagata kaya kailangan mong mag take ng short quiz na ibinigay ko din sa kanila last week para may grade kana rin."

Oo nga short quiz nga Ma'am. Short quiz consisting 120 questions. -_-

Alam ko naman ang mga sagot kaso nga lang nakakapagod din kaya. May mga kumakalabit ngang mga multo saken nung mga oras nay un. Huhuhu.

Sinimulan na ni Ma'am talakayin ang mga bagong lessons habang nagtetake ng short quiz si Alexier. Mind you, hindi ko siya matuturuan kasi nasa pinaka likod siya pinaupo. Doon kadalasan nakaupo ang dean pag nagoobserve ito.

Matatapos na ang klase ni Ma'am ngunit hindi pa nagpapasa ng papel si Hanagata. Ano kaya ang nangyare dun?

"Okay, let me remind you guys na you need to join any clubs for extracurricular grades okay? In next months magkakaroon ng sports feast dito sa school. You still need to be trained." pag-papaalala ni Ma'am.

"Miss Hanagata your paper please?"

Ipinasa na ni Alex ang kaniyang papel kahit mukhang hindi pa siya tapos. Kasi pagkasabi ni Ma'am ay mukhang may isinusulat pa siya.

"Okay class dismissed. Bye, see you on Wednesday." Pagpapaalam ni Ma'am Sablawon.

"Ano Hanagata di ka na makasagot ano? HAHA." Chloe

"Nakakabobo ba? Kung ganun naman di ka bagay dito sa section na to." Bruhang kasapi ni Chloe.

Disclaimer!! Di ako bakla, nakakainis lang tong mga bruhang to. Mas maganda pa nga sa kanila yung baby ko. Huhu I miss my baby. Pangakong babawi ako sa kanya. Ang busy ko naman kasi sobraaaa.

"Tsk" lang ang sinagot ni Alex. Naku naman mute kaba talaga?

------------------------------

[A/N: T*nga! Nakapag-introduce yourself pa nga kanina diba?]

Ouch author ha!

[A/N: -_-]

------------------------------

Hinila ko nalang palabas si Alex baka kung ano pang sabihin ng mga babaeng yun. Nabigla ako ng higitan niya ng napakalas ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Lumingon ako sa kaniya at kita ko ang demonyo, char! Nakakatakot talaga kung makatingin tung babaeng to.

"Don't drag me. I can walk faster than you." Mukhang nagalit na ata siya. Lagot na. Nauna siyang maglakad saakin at mukhang alam na niya naman ang daan papuntang canteen. Ang bilis nga talaga niyang maglakad nakapasok na siya sa canteen habang ako aandito pa sa hallway nakatanaw sa kaniya.

Sinundan ko na siya kasi baka kung ano pa ang sabihin nun saakin. Pagkapasok ko sa canteen nakita kong nagkakagulo ang mga estudyante malapit sa casher kaya naman sumingit na ako para umusyuso, Charot na naman -_-

Para patigilin at patahimikin sila. Kundi ako ang patatahimikin ng mga guro mamaya.

Ps. Ibang tahimik yun.

Nagulat ako ng makita ang itsura niya. Ibang-iba na ang itsura niya kompara kanina. Para siyang isang taong spaghetti. 0-0 .

Ramdam na ramdam ko ang galit ng babaeng kanina pa sigaw nang sigaw na parang batang nag tratrantrums. Hindi pa tumitigil ang babaeng to hanggang sa tapunan na naman niya ng juice ang taong spaghetti.

Trip ba talaga niyang magsayang ng pagkain? Namromroblema na ako kung paano ko to aayusin ng hindi ako nadudumihan.

Ano ba naman yan umagang umaga makakapagbihis na naman agad ako. Nang akmang tatapunan na niya naman ito ng cake, ng may isang kamay ang pumigil sa kaniya. Sa halip na sa taong spaghetti mapunta ang cake sa mukha ni Chen ito napunta. Ang epic, ipinahid ba naman ng dahan dahan ang cake sa mukha ni Chen habang gamit ang sariling kamay.

"Sayang ang pagkain. Bakit hindi mo nalang kainin?" sabi ng taong pumigil sa pagtatangka niyang pagtapon na naman sa taong spaghetti.

Si Chen ang isa pa sa mga alila ni Chloe -_-.

MEET?NG YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon