CHAPTER 005

8 0 0
                                    

ZACK'S POV:
I finished checking up my car and headed to the kitchen. Masyado akong maingat pagdating sa pagmamaneho kaya nakasanayan ko nalang icheck ang sasakyan ko lalong lalo na ang breaks at headlights. Kinuha ko na ang paper bag na naglalaman ng food ni Kuya. I even brought some sweets para kahit papano ma-lessen ang stress ng kapatid ko.

"Mom? Dad? Aalis na po ako."

"Drive safely baby." Mom.

Mom kissed my cheek and Dad give me a tap on my shoulder.

If you are wondering why my Kuya is not home, it is because may duty siya till 12 midnight. Kaso mukhang marami pa siyang tatapusin. He is a volunteer sa isang emergency rescue group, though malayo naman ang course niya sa ginagawa niya ngayon ginusto parin niyang magkaroon ng experience sa gusto talaga niyang course.
I am on my way to his office when he called me.

"Z, otw kana ba?"

"Yup. I'm 10 minutes away from you."

"Dumaan ka naman sa convenient store pakibili naman ng food for my colleagues. Any snacks lang naman."

"Ilan ba kayo?"

"Sampo lang."

"Okay, bye."

"Bye, ingat ka may ginagawang road sa unahan."

I ended the call and 4 minutes later nasa tapat na ako convenient store.

I stepped out the car at pumasok na sa loob ng store. I looked for drinks such as softdrinks and cans of coffee. Then, I searched for biscuits and junkfoods, magpapa deliver nalang ako mamaya ng pizza para sa kanila. May nadaanan akong freezers and I bet para sa ice cream yun. I was getting the last tub of cookies and cream nang may naunang kamay ang nakakuha. It was fast. Papunta na siyang counter when I stopped-hi-h-her?!

"Sorry." I said. Because I think she needs it. I saw her looking devastated and lost.

"Do you need some help?" pag-ooffer ko.

"No. If you don't mind nagmamadali ako." I let go of her shoulder and nod.

Bumalik ako sa freezer para kunin nalang ang iba pang chocolate tub. Binayaran ko na ang mga binili ko at nagtungo ako papuntang parking lot at maihatid ko na 'tong mga binili ko sa kapatid ko.

Saglit pa muna bago ako nakarating at nakauwi dahil sa traffic na nangyare sa unahan ng kalsada.

THIRD PERSON'S POV:
Without Alexier's knowledge may mahalagang tao pala ang naghihintay sa kaniya sa loob ng bahay. Gumuhit ang pagkagulat nito sa mukha habang tinitingnan ang nakangising tao na nakaupo sa sala.

"A-anong ginagawa mo rito?" agad na tanong niya. Nawala ang mga ngising nakaguhit sa mukha ng lalaki.

"'yan ba ang tamang pagbati sa iyong ama?" tanong nito.

"paumanhin po." Agad na paghingi ng patawad sa nasabi niya kanina.

"Matagal na panahon na pong hindi ka naparito, that's why I'm a bit shock."

"Ayus lang. Naiintindihan ko. Halika't maupo tayo dahil nangangalay na ako kakatayo habang kausap ka."

"Ano po ba ang maipaglilingkud ko?"

"Nagmamadali ka nalang lage. Pwede ba munang kumustahin natin ang isa't-isa?"

"Pasensiya na at mukhang importante ang pakay niyo dahil kinakailangan niyo pa akong puntahan dito kung maaari niyo naman akong tawagan."

"' wag mo akong madaliin. Sasabihin ko rin sa'yo pag natapos mo na ang ipinapagawa ko sa'yo. Tandaan mo yan ang dahilan kung ba't kita ipinalipat sa paaralang yun. Pag natapos mo na ang pinapaggawa ko sayo mas maiintindihan mo ang sasabihin ko sa'yo. Also, dito rin muna ako mamamalagi ng dalawang linggo. Sa dalwang linggong yun naniniwala akong may maibibigay ka ng report sa akin." Saad nito sa kaniyang anak na nakikinig parin habang puno ng pagkalito.

"Ayus lang naman ho saakin ang nandito kayo. Ngunit wala dito ang ibang tagapagsilbi dahil nasa bakasyon pa sila. Tanging dalawang guard at dalawang kasambahay lang ang nandidito at mukhang di nila kakayanin."

"Walang problema yun saakin. Susunod si Albert saakin sa mga susunod na mga araw. Asan nga ba ang kwarto ko at pagud pa ako galling byahe."

"Pasensiya na Dad." Pag-papaumanhin nito. "Nasa kaliwa ang kwartong maaari niyong tuluyan. Huwag kayong mag-alala dahil kakapalinis ko lang nito."

"Alam mo bang uuwi ako?"

"Hindi po. Sadyang pinaghahandaan ko lang ang mga posibilidad."

Nag nod nalang ang kaniyang ama at umakyat na. Hindi niya lubos na maisip na makikita niya ang ama niya ngayong araw at higit sa lahat mananatili pa ito ng ilang lingo. Habang siya ay nakaupo ay mukhang may-ideya na siya sa mga susunod na mga mangyayari. May ideya siya palagi sa mga bagay na maaaring mangyare kaya naman labis ang kaniyang mga paghahanda. Due to shock iba't ibang bagay ang kaniyang nararamdaman ngayon na hindi niya maintindihan kaya naman nag-ensayo siya nang nagensayo hanggang sa maramdaman niya na ang hustong pagkapagud. Alam niya sa sarili niya na kapalit nito ang sakit na mararamdaman niya.

Kasalukuyan siyang papunta sa dagat dala-dala ang binili niyang ice cream. Ganito lagi ang set-up niya, sa tuwing naguguluhan o di kaya'y may 'di magandang nangyare lage niyang tinotorture ang sarili niya sa pamamagitan ng pagpapagud at puntahan ang dagat kung saan naaalala niya ang mga masasamang nangyare.

"Ito na naman tayo. Akalain mo nga naman the event in this place left a huge scar to me but at the same time this place makes my heart feel at ease."

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa para tingnan ang larawang hindi niya mabura-bura.

"Kumusta kana kaya?"

Ilang oras pa bago niya napagdesisyunang umuwi dahil panigurado malalaman ng kaniyang ama na wala siya bahay.

"Alexa." Tawag sa kaniya ng taong nag-alaga sa kaniya simula ng araw na dumating siya dito.

"Sobo? I thought nasa bakasyon kapa?"

*sobo means grandmother in japanese

"Tinawagan ako ng ibang kasambahay at sinabing naririto ang ama mo. Alam ko naming nahihirapan ka ngayon dahil maninibago ka na naman. Kaya pumarito na agada ko. Halika at linisin natin yang mga sugad mo sa kamay."

"'di na dapat kayo nag-alala alam niyo namang normal na ito saakin."

"hindi kita matiis, ikaw pa eh malakas ka sa akin. Di mob a ako namimiss?"

Lumambot ang kaniyang ekspresiyon at agad na yinakap niya ang tagapagsilbi niya simula pa nung unang araw na kunin siya ng kaniyang ama.

Inakay siya nito papuntang kwarto niya upang malinisan ang kaniyang mga sugat sa kamay.

"Alagaan mo ang sarili mo Alexa dahil naririto kaming nag-aalala sayo. Kahit di mo naman sabihin ay alam kong nasasaktan ka at napapagud. Alahanin mo ang habilin sa iyo ng iyong ina na mahalin at alagaan ang sarili. Nagsisimula ang pagmamahal natin sa ibang tao pag-alam na nating mahalin ang sarili natin."

"Opo Sobo, hindi ko yun makakalimutan. Eh yun ba naman ang huling sabihin niya saakin bago siya namaalam." She said with a bitter smile and tear falling down to her cheeks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MEET?NG YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon