DAY 7

22 12 0
                                    

(You can play this song while reading this. Enjoy 😉)

11:00 P.M

Baby good evening sayo😉 Hindi na ako nakapag message sayo kahapon dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Gusto ko sanang imessage ka pero hindi ko din po kaya. Nanghihina na din katawan ko.

Gusto ko lang malaman mo na kahit di mo ako pinapansin alam kong mahal mo pa din ako. Masokista oo ako na siguro yun. Dahil gusto kong maiparamdam man lang sayo kung paano magmahal ang isang Rein.

Baby naalala mo pa ba nung tinanong kita kung mahal mo ba ako? Sabi mo noon oo mahal mo ako pero minsan hindi ko ramdam. Gusto kong magduda pero hindi ko kaya dahil alam mo? Mahal na mahal na kasi kita. Na kahit lokohan lang yun okay lang sakin dahil mahal kita. Ang tanga ko noh? Masasabi kong sobra. Sobra akong nagpakatanga sayo.

Hindi ko din alam bakit baliw na baliw ako sayo. Pero masaya ako na ikaw ang kinabaliwan ko. Sa kabila ng hirap at sakit na pinagdaanan ko ikaw ang maganda.

Dahil sa konting panahon napasaya mo ako ng sobra. Gusto ko sanang salubingin natin ang Valentine's day baby okay ba yun?

Gaya ng sabi ko kung hindi ka man magreply sakin hanggang mamayang 12 tuluyan na kitang kakalimutan. Tutuparin ko yun kahit masakit.

Mahal na mahal na mahal kita Claire tandaan mo yan palagi ha? Lagi kitang babantayan kahit nasa malayo ako. Nandito lang ako Baby❤️

1:00 A.M

Happy Valentine's Baby. I think this is the right time to let you go. Thank you for giving me 7 days to make it up to you. Im so happy to message you always. I love you Goodbye.

Third Person's Pov

Magrereply na sana si Claire ng mag offline si Rein. Naiiyak siya na natutuwa dahil hindi siya sinukuan.

Bukas nalang siguro tatawagan ko siya anang isip ni Claire.
______________________________________________

Ending is coming😉

7 DAYS [GxG] (COMPLETED) Where stories live. Discover now