END

31 12 0
                                    

(Play this song while reading this. Enjoy!❤️

Umaga na ngayon, ngayong araw na ito ay araw ng mga puso. Sabik na akong makausap si Rein. Gusto ko siyang supresahin. Gusto kong humingi sa kanya ng tawad sa nagawa kong pambabalewala sa kanya.

Hinanda ko na ang aking sarili at tinawagan si Rein.

"Rein"

"Is this Claire?"sabi ng nasa kabilang linya.

"Opo ako po ito sino po kayo? Saan  po si Rein?"

"W-w-ala n-n-a ang a-a-anak ko. Pumanaw siya kaning madaling araw iha."

"P-po?"gulat kong sakot sa kanya.
Hindi ko alam kong nagbibiro ba siya o ano.

" M-mahirap man sa akin pero yun ang totoo. M-may sakit sa puso si Rein simula noong 15 siya. H-hindi na kayang gamutin ng Doctor ang puso niya. At tinaningan siya ng 1 buwan."sagot nito.

Walang pumapasok sa utak ko. Hindi kayang tanggapin ng utak ko n-n-a w-wala na siya. Nagmessage pa siya sa akin kanina diba? Pero bakit wala na siya.

Iyak lang ako ng iyak walang magawa. Sising sisi dahil wala na ang mahal niya. Bakit kinuha ito sa kanya? Bakit?

Sana pala hindi niya na ito binalewala. Sana pala.. maraming sana pero wala na huli na ang lahat.

*CHAT*

Sulat ito para sa iyo nakita ko sa cellphone ng anak ko.

Hi baby siguro habang binabasa mo ito wala na ako. Nakaratay na sa kabaong o ihahatid na sa sementeryo. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng ginawa mo sa akin. Napasaya mo ako ng sobra.

Alam kong nagsinungaling ako, hindi ko sinabing may sakit ako. Dahil ayokong kaawaan mo ako.

Patawad kong nagawa ko iyon sa iyo pero sana wag mong sisihin ang sarili mo sa pagkawala ko. Wala kang kasalanan. Wala.

Dito na magtatapos ang lahat Claire. Pero hanggang sa kabilang buhay ikaw pa din ang mamahalin ko. Mahal na mahal kita at mag iingat ka palagi.

                                               -Rein
     
After 2 Days

Nandito ako sa bahay nakatulala dalawang araw na ang nakalipas pero sariwang- sariwa pa rin sa akin ang nangyari.  Hindi ko alam paano ako magsisimula. Biglang nagring ang cellphone ko. Mas lalo akong nasaktan ng makita ang account ng mahal ko. Video call ito kaya sinagot ko na.

"I-i-iha ngayon na siya i-i-ililibing kaya nakipag video call ako para kahit papano makita mo siya sa huling hantungan"malungkot na sabi nito. Kita dito ang pamamaga ng mata sa magdamagang iyakan.

Walang salita lumabas sakin kaya tumango nalang ako. Hindi ko kayang magsalita, hindi ko pa kaya. Kakayanin ko ba?

Tahimik lang akong nakatingin sa screen ng cellphone ko. Nandun na sila sa sementeryo, dinadasalan na siya at binigyan na ng time ang mga malalapit sa kanya. Sana nandiyan din ako para mayakap ko siya. Una at huling yakap pero malayo ako. Malayo sa kanya.

Sobra akong nasasaktan kaya hindi ko na mapigilang mapahahugolhol sa nakita ko. Ang mahal ko, a-ang partner in crime ko wala na. Iyak Lang ako ng iyak dahil sobrang sakit.

Marami akong panghihinayang nagsisisi akong iniignore ko lang siya. Hindi ko siya pinansin nung kinukulit niya ako bagkus sinaktan ko pa siya. Sobrang gago ko dahil sakin nawala siya. Sobrang gago kong pinagtabuyan siya ganung may sakit siya.

Sobrang pagsisi kong hindi ko siya pinansin.

Narration:

Hindi na magkamayaw na nagsiiyakan ang mga malalapit na tao sa buhay ni Rein. Hindi nila matanggap na wala na ito. Hindi nila kayang hindi na nila ito makakausap. Hindi nila kayang hindi na marinig ang mga tawa nito sa tuwing magkakasama sila.

Wala ng magtatanggol at magbibigay ng payo sa kanila at higit sa lahat wala ng Rein na magagalit sa tuwing hindi nila ito sinusunod ang mga payo niya.

Kahit isang araw lang na hindi ito makita o makausap sobrang namiss na nila ito.

Kaibigan, Mga Relatives niya , Mama niya at Lalong-lalo na si Claire. Sobrang namimiss nila ito at hindi nila kayang tanggapin na tuluyan na itong mawawala sa kanila.

Patuloy lang silang nagdadalhati sa huling pagkikita kay Rein hindi na nakayanan ng Ina ni Rein at napaluhod nalang ito. Inaalo siya ng mga nakapaligid sa kanya dahil alam nito ang sakit dahil ina ito.

Sa kabilang dako naman, patuloy lang umiiyak si Claire sa loob ng bahay nila.  Hindi na din maayos ang paghinga nito dahil sa tuloy-tuloy na iyakan.

Hindi niya mailabas ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya kayang wala na si Rein.

Mas lalong lumakas ang iyakan at sigawan ng handa na itong ipasok sa libingan.

"Ayoko! Ayoko! Wag niyo siyang kunin sakin"

"Rein wag mokong iiwan"

"Hindi ko kaya Rein"

"Bumangon ka na jan Rein!"

"Gagala pa tayo diba? Ililibre mo pa ako diba?"

"Bumangon ka na jan please! Bumangon ka na jan!"

Sigaw ng mga kaibigan, Mama at ni Claire. Hindi na maintindihan dahil sobrang nasasaktan sila sa mga oras na yun. Hindi binibitawan ng Mama niya ang kabaong dahil hindi niya kakayanin kaya pinagbiyan ito ng ilang minuto pa.

Lumipas ang ilang minuto at handa na itong ipasok sa libingan. Hinawakan nila sa kamay ang Mama niya dahil umupo na ito sa semento.

Ilang oras pa at tapos na ang libing pero ang mga kaibigan at mama niya pati din si Claire ay tahimik lang na nakamasid sa screen niya. Tumutulo pa din ang luha niya.

Walang nararamdaman kundi sakit. Sakit dahil wala na si Rein.

THE END.

A/n: Thank you so much po sa mga nagbabasa o magbabasa nito. Appreciated yung pagbabasa niyo. See you on my next story😉❤️

7 DAYS [GxG] (COMPLETED) Where stories live. Discover now