Unang Kabanata

15 1 0
                                    

Tauhan:

Haring Earnest Laetres Leventis at Reyna Fabiola Lakeithia Leventis - Namumuno sa kaharian ng Levencia

Prinsesa Earnica Latrice Leventis - Panganay na anak nina Haring Earnest Laetres Leventis at Reyna Fabiola Lakeithia Leventis

Prinsesa Earlene Leatrix Fabienne Leventis - Busong anak ng hari at reyna. Minamahal na kapatid ni Prinsesa Earnica

Pinunong Ensio - Kanang kamay ni Haring Earnest at punong kawal ng hukbong sandatahan ng Levencia

Unang Kabatana

"Magandang umaga amang hari, inang reyna at ganun din sa iyo mahal kong kapatid."

Hindi ko maitago ang ngiti sa aking mga labi ng madatnan ko ang buong pamilya sa hapag-kainan ng palasyo.

"Magandang umaga din, mahal kong prinsesa."

Nakangiting sagot ng aking amang hari na si Haring Earnest. Isang tango naman ang binigay ng aking kapatid na si Prinsesa Earlene at ang aking inang Reyna Fabiola, gaya ng dati ay wala itong kahit na anong emosyon na makikita sa mukha nito. Tinignan niya lang ako at pinagpatuloy na ang pagkain.

"At saan ka na naman nakarating ngayon, mahal kong prinsesa?"

Malambing na tanong ng aking ama. Kabaliktaran ito ng aking inang reyna. Hindi ito nagpapakita ng kahit na anong interes sa akin, mas gusto nito ang aking nakababatang kapatid. Hindi ko rin naman ito masisisi dahil madami itong ayaw kong gawin subalit lahat ng ayaw niya ay siya kong ginawa. Malakas ang loob ko lalo pa at suportado ako ng aking ama. Kahit na anong gawin ko ay hinayaan at pinapayagan niya ako.

"Nakarating kami sa kagubatan ng Ediaprus ama! May hinabol kaming ginintuang ibon na kumakanta. Napakaganda ng tinig ng ibon ama!" Masigla kong pagkukwento dito. Nakangiti namang nakikinig si Earlene sa akin. Hindi man pinapakita ay alam kong suportado rin ako ng aking kapatid. Alam ko rin ang kagustuhan nitong makapamasyal sa labas ng palasyo ngunit masyadong mahigpit sa kanya si ina.

"Ang ginuntuang Ciconii?" Gulat na tanong ng aking amang hari. "Hindi basta basta nagpapakita sa kahit na kanino ang Ciconii. Mailap ang ginintuang ibon at ilang taon na rin noong huling may nakakita dito."

"Sayang nga lang ama at hindi namin ito nahuli. Masyado itong mabilis at hindi ko pa masyadong kabisado ang kagubatan ng Ediaprus. Maganda sana itong handog sa inyo ni ina, para kapag nagpapahinga kayo ay inaawitan niya kayo."

"Alam kong makikita mong muli ang ginintuang ibon, Earnica. Sa pagkakataong iyon ay mapapaamo mo ito at---"

"Earlene, tapusin mo muna ang pagkain bago ka makipagkwentuhan. Anong turo ko sa iyo?" Masungit na turan ng aming inang reyna. Isa iyon sa napakaraming ipinagbabawal nito. Bawal ang maingay at tawanan sa karap ng hapag.

"Paumanhin ina." Mahinang sagot ni Earlene. Nagyuko ng ulo ang aking nakababatang kapatid at pinagpatuloy nito ang pagkain. Hindi ko maunawaan si ina. Bakit ganun na lang ito kahigpit kay Earlene? Kung hindi ko ito sinuway ay nakikita ko ang aking sarili na sumusunod sa lahat ng kagustuhan ng aming inang reyna.

"Fabiola, hayaan mo na ang mga bata." Suway ng aming amang hari.

"Hayaan Earnest? Kaya lumaking suwail ang iyong anak ay dahil sa pangungunsinti mo! Masaya ka pang nakikipagkwentuhan tungkol sa mga pinaggagawa niya na alam mo namang hindi nararapat para sa isang prinsesa. Tignan mo ang kanyang kasuotan na gaya ng mga mandirigma ng kaharian! Para lamang sa mga mabababang uri ng nilalang! At ano?! Pumunta siya sa kagubatan ng Ediaprus! Mahabaging mga bathala! Paano kung may nangambala siyang mabangis na hayop at maging sanhi iyon para lumusob ito sa ating kaharian? Alam mong mahiwaga at misteryoso ang gubat na iyon at walang sino man ang nagtatangka na pumunta doon maliban na lang sa anak mong--"

Earnica Latrice Leventis: Ang Huwad Na TagapagmanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon